Toni Gonzaga awed by the spectacle of the Pacquiao-Bradley welterweight match: “And to see right before your eyes yung desisyon at reaksiyon of the crowd, grabe!”

Toni Gonzaga consoled Manny Paquiao’s children after he lost his boxing belt to opponent Timothty Bradley: “So, medyo naano [naawa] rin ako for the two kids kasi first time nilang manood ‘tapos ganoon ang na-witness nila.”


Napanood nang personal ni Toni Gonzaga ang laban ni Manny Pacquiao kay Timothy Bradley sa MGM Arena sa Las Vegas kahapon, June 10 (June 9 sa Amerika).

Sa laban na ito ay natalo si Manny ng Amerikanong si Bradley sa welterweight title match nila.

Sa phone-patch interview nina Boy Abunda at Kris Aquino kay Toni sa The Buzz kahapon din ay tinanong ni Kris kung nasaan si Toni sa mga oras na yun?

“Nandito ako sa coffee area ng Mandalay Bay at kababalik lang ng Team Pacquiao dito, I think, mga 30 minutes ago.

“And Manny Pacquaio is in his penthouse right now with his family. And everyone down here is eating.

“Kasi, grabe yung nangyari. Hindi kami nakakakain lahat. Ngayon lang yata kami makaka-recover.

“Parang it is actually the first time na ngayon ko lang na-experience yung ganoong klase ng goose bumps…

“Na buo—entire fight—ibang klase pala talaga siyang panoorin nang live.

“And to see right before your eyes yung desisyon at reaksiyon of the crowd, grabe!

“Hindi ko kakayanin talaga. Kung ako si Bradley, baka mahiya na ako!”

Pinaklaro ni Kris kay Toni kung ano ang reaksiyon na tinutukoy nito dahil sa TV ay mararamdaman daw talaga na parang may disbelief sa mga naroon sa loob ng MGM Garden Grand Arena.

Ano ang reaksiyon na sinasabi niya?

“Narinig n’yo ba when Pacquiao entered the Arena? The whole MGM Grand, talagang lahat, sumigaw talaga. Everyone is cheering for Pacquiao.

"Pero noong pumasok si Bradley, narinig n’yo ba na malakas ang ’boo!’? Ang lakas ng, ‘boo!’

"Pagpasok pa lang ‘to and every time na mag-i-score si Pacquiao, nagtsi-cheer ang buong arena.

"And everytime na magme-make si Bradley, sobrang lakas ng ’boo!’”


MOMENT OF TRUTH. Nasa ika-pitong row ang kinauupuan ni Toni mula sa boxing ring.

Tinanong ni Boy si Toni kung ano ang mga nase-sense niya sa mga reaction ng mga nanonood o naririnig niya noong kasalukuyan pa lang ang fight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Toni, “Tito Boy, lahat kami, dahil lahat ng nasa side ko, Team Pacquaio, sabi nilang lahat, e, ‘It’s my first time to watch.’

“So, the whole time, kinakabahan ako, hawak ko ang dibdib ko.

"Sabi nila, ‘Toni, huwag kang kabahan.’

“Seventh round, ’Knockout ‘yan!’ Noong seventh round na, sabi ko, ‘Ano ang nangyayari?’

“Noong 12th round na, hindi siya [Bradley] na-knockout. Sabi ko, ‘Anong nangyari?’ Sabi nila, ‘Hindi, mananalo si Manny.’

“And then actually, I attended the post-fight presscon. I was able to get some mga data here. “

How’s the press conference?

“The press conference went... so well because everyone was expecting Pacquiao to be down and sad.

“Actually, si Bradley came in the presscon in a wheelchair at hindi lang daw siguro napansin, he injured himself—parang yung ankle niya.”

Kinumusta naman ni Kris si Jinkee kay Toni dahil ipinakita nga itong umiiyak sa telebisyon.

“Oo, umiiyak siya,” pagkumpirma ni Toni.

“Then, actually, after ng fight, wala halos tumayo pa and everyone was in disbelief na yun ang naging desisyon ng judges.

“Everyone was in shock. Wala halos umalis.

"Siguro mga thirty minutes bago nag-alisan ang mga tao.

“Kasi, we were still waiting na baka nagkamali and no one was really leaving…

“And the whole time, binu-boo lang talaga si Bradley.”


CHILDREN’S REACTION. Unang pagkakataon din na nanood ng live ng mga anak nina Manny at Jinkee sa MGM Arena.

Pero kamusta ang mga ito pagkatapos na matalo sa laban ng ama nila?

“The two sons, I was able to talk to the kids noong prior to the fight.

“I was talking to the four kids to their room. Sabi nila... ang cute ni Queenie. Sabi ko, ‘What do you want to tell to your Dad?’

“Sabi niya [Queenie], ‘I want him to buy me a new Barbie shoes.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Ay, taray!’

"Si Princess, sabi ko, ‘What do you want to tell your Dad?’

Sabi niya, ‘Daddy, you will win this fight. I love you.’

"And then the two kids, sabi nila, first time nilang manonood ngayon.

“Last year daw, iyak sila nang iyak noong muntik na matalo ang daddy nila.

“So, medyo naano [naawa] rin ako for the two kids kasi first time nilang manood, ‘tapos ganoon ang na-witness nila.”


ALMOST A KNOCKOUT. May nagsasabi na tatlong beses daw halos mapatumba ni Pacquiao si Bradley, nakita ba ito ni Toni?

“Sobrang daming beses na hilung-hilo na talaga ang mukha niya from my area, doon sa side ko.

“Sabi ko, ‘Ay, parang kulang na lang may drawing na mga ibon doon sa ulo niya tuwing sinusuntok siya.’

“And what he would do? He would hug Pacquiao. Yayakapin niya lagi si Pacquiao.

“At tuwing gagawin niya yun, palagi siyang sume-segue ng suntok sa gilid.

"Nakakaloka. Puro pandaraya!”


GRATEFUL MANNY. Sabi naman ni Kris, kitang-kita raw na pagkatapos ng fight ay nagdasal si Manny.

“Yes, yes,” pagsang-ayon ni Toni.

“Pero alam n’yo, right after ng fight, nagkaroon ng press conference…

“Sinabi ng lahat at ng international press right after ng press conference na comparing sa answer ni Bradley at Pacquiao…

“Pacquiao said here na, ‘I respect the judges. I do not blame them. I put my heart in the game and I give thanks to the Lord.’

“This is what Timothy Bradley said: ’He gave a strong punch a couple of times in the fight, but at the end, this is boxing. We can do the rematch.’”


DELAYED MATCH. Tanong ni Boy kung totoo ang tsismis na na-delay ng konti ang fight dahil gustong tapusin ni Manny ang panonood ng Boston-Miami na laban sa NBA?

Sabi ni Toni, “Totoo yun, totoo yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, bago kami umalis sa suite niya, nanonood kami ng boxing.

“Hindi ba, pagkatapos pa nito ang laban natin? ‘Tapos yun, nanonood siya ng match.”

Kinukumpirma ba ni Toni na kaya na-delay dahil nanood pa si Manny ng NBA game?

“Yun ang hindi ko alam. Pero bago kami umalis, naalala ko na nag-pray over and everything.

“Sabi niya, gusto niyang manood ng basketball.

"Noong umalis ako, nanonood siya ng basketball. That was around 5 p.m.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN