Kristel Moreno: “Minsan, kahit may talent ka, e, kailangan talaga ng right connection—yung tamang tao na makakapansin sa iyo at makakatulong.”

Kristel Moreno recalls how some of her sexy roles were made to balance youth-oriented shows: "Ako yung pang-balance ng programa sa mga pa-cute at pang-youth na programa.”


Katatapos lang ng kontrata ni Kristel Moreno sa Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, this year na tumagal din ang tatlong taon.

Matagal-tagal na rin sa industriya ang sexy star, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nailulunsad sa isang malaking proyekto.

Nakausap kamakailan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristel over dinner sa isang resto sa SM North Edsa at isa-isa niyang sinagot ang mga katanungan namin.

Una na rito ang hindi pagbibigay ng malaking break sa kanya ng pinanggalingan niyang istasyon.

Sagot ng dalaga, "Siguro, ano lang po, right connection.

"Alam n’yo naman sa showbiz, minsan kahit may talent ka, e, kailangan talaga ng right connection—yung tamang tao na makakapansin sa iyo at makakatulong."

RIGHT CONNNECTION. Hindi ba naging maganda ang pagha-handle sa kanya ng Star Magic ng tatlong taon at hindi niya ba ito itinuturing ito na "right connection"?

"Hmm... in fairness naman sa kanila, happy naman ako kasi hindi naman ako nabakante.

“Kasi una ko sa kanila is Betty La Fea, ’tapos Imortal, Good Vibes, Precious Hearts Romance… at marami pang guestings na naibigay sa akin

"’Tsaka ako naman, importante sa akin na may trabaho.”

CAREER MOVE. Isa sa mga proyektong medyo humamon sa kakayahan ni Kristel bilang artista ay ang pagkakasali niya sa programa ni Cristine Reyes na Kristine, kung saan medyo nagbilad siya ng kanyang kaseksihan.

Career move ba niya itong matatawag o sadyang kinailangan niya lang itong gawin para magkatrabaho?

Saad ni Kristel, "Maganda kasi yung story. Una, inalok siya sa ‘kin at sinabi nga na may konting sexy.

“At alam mo na kapag Precious Hearts Romance at talagang may pagka-sexy talaga ang theme niya.

“Siyempre sa akin naman, hindi naman ako pabata na at papunta na ako sa ibang level.

“Mahirap namang i-limit ang sarili mo sa isang ginagawa kasi may mga ibang roles na kailangan ko namang i-try.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FEWER ROLES. Sa ginawa niyang pagpapa-sexy, aminado si Kristel na mahihirapan na siyang makakuha ng wholesome o mga pa-cute na roles.

Open naman siya sa mga mga ganitong sitwasyon dahil pinaninindigan niya ang bawat desisyon na kanyang ginagawa.

"Oo, kasi napansin ko after ng Kristine, kinuha ako sa Good Vibes at ako yung pang-balance ng programa sa mga pa-cute at pang-youth na programa.

“Maski sa Oka Tokat, kahit ginawa akong manananggal, napansin ko na kailangang maipakita yung katawan ko na hindi naman bastos o malaswa ang dating.”

Hanggang saan ba ang limitasyon niya sa pagpapa-sexy?

’’Depende kasi ‘yan sa istorya, yun ang basis ko.

“Kasi ‘pag sinabi kong hindi ako magpapakita ’tapos biglang magpapakita, e, ano na lang sasabihin sa akin, di ba?

“Basta kung hinihingi talaga ng istorya at maganda ang script at lead role ako, walang problema sa akin,” sabi niya.

PROJECT WITH ECHO. Paborito pala nio Kristel si Jericho Rosales, at isa ito sa mga ninanais niyang makapareha kung bibigyan siya ng launching project.

"Gusto ko siya kasi ang galing niya at parang natural na natural ang acting niya.

“’Pag siya ang pinapanood ko, nadadala ako sa mga eksena niya at sobrang naaapektuhan ako kasi nga magaling talaga siya."

Inamin din ng sexy star na crush niya si Jericho.

Bukod sa magaling na aktor ay crush din daw niya sina John Lloyd Cruz at Xian Lim.

Pero sa mga naging leading men ni Kristel ay hindi niya makakalimutan si Erik Santos na nakasama niya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

"Si Erik kasi ay napaka-gentleman. Siya yung tipong lalaki na hindi magsasamantala sa ’yo.

“Ang lambing pa niya at sobrang maalalahanin.

“Wish ko lang ay makasama siya uli dahil na-enjoy ko yung moments na kasama ko siya habang nagte-taping kami ng Maalaala," saad ni Kristel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN