Agot Isidro clarifies she left ABS-CBN without "sama ng loob"

Agot Isidro on moving to GMA-7: “Wala lang. Parang gusto ko lang ng chance. Gusto ko lang ng bago. Siyempre, kailan ko pa gagawin yun, tumatanda na ako. Habang kaya pa. ’Pag ano nga... tingnan natin. Pero ganoon din naman ang kalakaran ng taping.”


Sa paglipat ni Agot Isidro sa GMA-7, marami pa rin ang nagtatanong kung bakit niya nilisan ang ABS-CBN.

Noon ay napabalita rin siyang lilipat sa TV5, pero hindi iyon natuloy at sa halip nga ay sa Kapuso network siya lumipat.

Paglilinaw ni Agot dito, “Wala lang. Parang gusto ko lang ng chance. Gusto ko lang ng bago.

"Siyempre, kailan ko pa gagawin yun, tumatanda na ako. Habang kaya pa. ’Pag ano nga... tingnan natin.

“Pero ganoon din naman ang kalakaran ng taping.”

Diin pa ng singer-actress, “Pero wala akong sama ng loob sa ABS ha, wala talaga. Nag-usap nang tama.

"Kaya siguro magaan din ang loob ko pagpasok dito, kasi talagang maayos.”

Ang unang programa ni Agot sa GMA-7 ay ang primetime series na One True Love, na pinagbibidahan nina Alden Richards at Louise delos Reyes.

Dalawang taon ang pinirmahang kontrata ni Agot sa GMA-7. May lumalabas na pagkatapos ng dalawang taon ay babalik din daw siya agad sa Kapamilya network.

Ano ang masasabi niya rito?

“Hindi ko alam,” sagot ni Agot.

“Depende, di ba? Huwag nating pangunahan.

"I-enjoy natin para maramdaman talaga ang dapat maramdaman.”

Pagkatapos na maging isang Kapamilya sa loob ng dalawampung taon, ramdam na ba niya ngayon na isa na siyang Kapuso?

“Siyempre, hindi pa yung sobrang... kas, hindi ko pa kilala ang staff, ang lahat.

"Siyempre sa ABS, ang dami ko nang nagawa. Kilala ko na lahat ng mga PAs [production assistants], mga EP [executive producer], ‘eto, kung sino ang mga kasama ko pa lang.

“Pero eventually, oo naman. Hindi ako mahirap katrabaho,” saad ni Agot.

Hindi raw alam ni Agot ang eksaktong nakalagay sa kontrata niya sa Kapuso network.

May nag-suggest naman kay Agot kung bakit hindi siya mag-Party Pilipinas bilang singer naman din siyang talaga.

Nakangiting sabi niya, “Tingnan natin.

“E, kasi, Sunday yun. Parang ang tagal ko nang hindi ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noon ang APO [Sa Linggo nAPO Sila], Sunday yun. Ang tagal ko nang ginawa.

"Ngayon, parang ang sarap ng walang ginagawa ng Sunday.

"Pero naramdaman ko nga ang energy last Sunday [June 3] sa Party P, masaya rin.”

What about hosting a talk show like Showbiz Central?

Sabi ni Agot, “Hindi ko alam. Pero sabi ko sa manager ko, kay SK [Shirley Kwan], let’s explore also other things to do.

"Yung puwedeng mag-host. Gusto ko travel show bilang lakwatsera ako.”

Yung talk show?

“Nakaka-tense naman yata yun!"

Pero natatawang sabi rin niya, “Tsimosa naman ako, di ba? So, game!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN