Benedict Campos says waiting for his big break is "worth it"

The model turned actor is now being paired with Janine Gutierrez.


Matagal-tagal na rin mula nang pasukin ng model na si Benedict Campos ang showbiz.

Nauna siyang napanood sa GMA-7 primetime series na Grazilda (2010), kunsaan siya gumanap bilang Prince Charming.

Pero pagkatapos nito, puro workshops na raw siya at nakikita rin paminsan-minsan sa ilang guest appearances.

Ngayon ay tila mas nagiging visible na siya, kasabay ng pagkakaroon niya ng dalawang shows sa Kapuso network—ang primetime series na Makapiling Kang Muli at ang bagong youth-oriented show na Together Forever.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benedict sa first taping day ng Together Forever noong Linggo, June 10, sa Sienna College.

Kuwento niya sa amin, “Noong 2011 po, puro guesting lang po ako.

"Pinag-workshop, nag-theater din po ako sa Gantimpala—sa Noli Me Tangere.

“Actually, ang dami ko pong natutunan doon.”

ROCCO AND ALDEN. Less than two years pa lang si Benedict sa GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network.

Halos kasabayan niya ang huling batch ng StarStruck, kunsaan nagmula ang ginu-groom ngayon ng GMA-7 na sina Rocco Nacino at Alden Richards.

Hindi ba siya nakakaramdaman ng pagkainip noong puro pagge-guest lang ang ginagawa niya?

“Hindi naman po," sagot ni Benedict.

"Medyo malungkot minsan na puro guesting at walang regular shows.

"Pero ngayon, napi-feel ko na worth it yung ginawa sa akin ng Artist Center na puro workshops at pinag-theater ako.

“Yung theater na yun, parang workshop na rin. Ang dami kong natutunan.

"Na-boost din ang confidence ko at ngayon, niri-reap ko lahat ng pinaghirapan ko noong 2011 at lahat ng hintay ko.

"Ngayon ako bumabawi.

“Masaya po ako na ang dami kong projects ngayong 2012.”

Hindi naman daw siya nakakaramdam ng inggit o selos kung nakikita man niya na paakyat na ang career nina Rocco at Alden.

Sabi ni Benedict, “Halos ka-batch ko nga po sila.

"Pero wala po yung inggit o selos kasi, para sa akin naman po, galing sila sa reality [show] o sa StarStruck. So, lamang naman po talaga sila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, wala po sa akin yun. Na ako po, pumasok po ako na raw na raw. Ni workshop po, wala rin po talaga.

"Hindi ko po maku-compare yung na-experience nila sa akin po.

"So, pinagdaanan ko rin po ang pinagdaanan nila.

"Parang sa reality [show] nila, yung workshop na pinagdaanan nila, ako, pinagdaanan ko behind the camera.

“So, okay rin po sa akin yun.

"Yung theater po, ang laking experience sa akin yun. Naging busy rin po ako ng mga three, four months po.

"Ibang klase rin po ang theater.”

SHOWBIZ TO POLITICS. Bago mag-showbiz, gumawa si Benedict ng TV commercials. Patapos na raw siya ng college nang pinasok niya ang pag-aartista.

Graduate si Benedict ng Political Science sa La Salle.

Kaya ang tanong namin sa kanya, baka pagpasok din sa pulitika ang plano niya at stepping stone niya lang ang showbiz?

Mabilis naman ang pagtanggi ni Benedict.

Aniya, “Hindi po. Kasi, papasok ka ng college, pipili ka ng kurso mo, di ba? Mga second o third choice ko yun.

“Hindi ako pumasa sa una kong choice na Business Marketing. Pumasok ako sa siguro medyo quota course rin.

“Gusto kong mag-shift sana pero tinamad na rin akong mag-shift. Tinuloy ko na lang.

"Pero actually, pagka-graduate ko po, nagsimula na rin ako sa La Salle ng Masteral ng Marketing.

"Pero nakakalahati pa lang ako, nag-start na ang Grazilda, hindi ko na po natuloy,” saad niya.

So, hindi niya gagawing pagpapakilala ang pag-aartisa niya para sumabak sa pulitika?

“Wala po. Wala nga po akong kamag-anak o kilalang pulitika.

"At saka, [taga-] San Juan po ako. Erap na po yun, mga Estrada.

"Malabo naman po akong makapasok do’n," sabi niya.

JANINE GUTIERREZ. Sa Together Forever, dapat sana ay magkapatid ang roles nina Benedict at Janine Gutierrez.

Pero dahil sila rin ang magkapareha sa Makapiling Kang Muli, ginawa na lang silang mag-partner sa ikalawa nilang show na magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglalarawan ni Benedict sa role niya sa Together Forever, “Ang character ko po, ako si Ben. Soccer athlete po ako dito.

"Trophy girlfriend ang turing ko sa kanya [Janine], e. Medyo maangas na feeling ko, porke’t girlfriend ko siya, akin na siya.

"Pero eventually, mari-realize ko kung gaano siya kaimportante sa akin.”

Ka-love triangle daw nila rito si Steven Silva.

Pareho raw sila ni Janine na first time magkaroon ng loveteam.

Ano ang masasabi niya na si Janine ang ipinapareha sa kanya?

“Okay po. As in, ang dali po niyang kasama.

"’Tapos, may napag-uusapan pa kami kasi, Ateneo graduate siya.

"Actually, may mga common friends po kami na mga kakilala.

"Dalawang shows na po ang magka-loveteam kami. Baka pinaplano rin po ng GMA... hindi ko rin po alam.

"Pero kung ganoon man, happy po ako sa nangyayari.”

BAD BOY. Parehong may pagka-bad boy ang roles ni Benedict sa Makapiling Kang Muli at Together Forever. Pero ito raw talaga ang gusto niya.

“Eventually, gusto ko na parang Dennis Trillo na bida-kontrabida. Hindi lang basta bida na pa-guwapo palagi.

"Gusto ko yung naging masama rin at naging mabuti. Yung hindi alam ng tao kung masama o mabuti," sabi ni Benedict.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN