Part 1. Michelle Madrigal insists relationship with Azkals player Neil Etheridge never went beyond friendship

Michelle Madrigal on her wish to be in a primetime series: “Siyempre pagka primetime, big deal na talaga for me, di ba? Pero ngayon, okay naman ako sa pang-hapon kasi maganda naman yung story namin ‘tapos masaya naman kami sa set."


“Lahat naman kaming girls, iba-iba, pero mag-best friend kasi kami ni Maxene [Magalona] dito, so mas yung highlight nung story kaming dalawa,” bungad na kuwento ni Michelle Madrigal tungkol sa kanyang bagong afternoon soap nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes, June 11, sa presscon ng Faithfully sa GMA Network.

Pagpapatuloy ni Michelle, “Although the story naman kasi umiikot sa aming limang girls.”

Ang tinutukoy niya ang iba pang cast na sina Maxene, Isabel Oli, Vaness del Moral, at Isabelle Daza.

“Of course, yung aming mga kalalakihan—si Mike Tan at si Marc Abaya.

“Alam mo na ‘pag walang boys, walang masyadong kumplikasyon ang story,” nangingiti niyang pahayag.

Si Maxene ang mabait dito at si Michelle ang salbahe?

“Iba kasi yung… ‘pag sinabi mong mabait lang, hindi siya palaban, e.

“E, si Maxene kasi dito, palaban din siya and ako, mabait din ako.

"But when it comes to… parehas kaming mabait, kaming dalawa, pero ‘pag kailangang lumaban, lalaban kaming dalawa.”

WITH MIKE TAN AGAIN? Ang huling serye ni Michelle ay ang Kung Aagawin Mo Ang Langit kung saan ay nakasama niya rin si Mike Tan.

“Oo nga, e, nakakatuwa. At least ‘pag siya yung katrabaho ko, wala na talaga kaming ilangan.

“Mas kumprotable na talaga kasi kami rin ang magkasama sa last show.”

Sila ba ni Mike ang magkapareha dito?

“Hindi. Secret! May mga twists kasi tingnan mo naman ilan ang boys namin? So apat and then limang girls.

“So, iikot talaga yung story doon. Mate-test yung friendship naming magkakaibigan.

“Kumbaga, iyon ang magiging conflict, na magkakaibigan kami, pero dahil nga sa lalaki… which is ‘pag iyon naman ang problema sa totoong buhay, nagkakagulo talaga ang magkakaibigan, di ba?

“Hindi mo alam kung sino ang sa-side sa ‘yo, kung kahit mali ka or tama ka.

“Iyon yung iikutan ng story namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PUT ME ON PRIMETIME? Ang Kung Aagawin Mo ang Langit [KAMAL] ay afternoon drama series at ang Faithfully ay isa ulit afternoon show.

Hindi ba nagre-request si Michelle na bigyan naman siya ng pang-primetime?

“Actually, masaya naman ako sa pang-hapon. Kasi at least yung expectations, siyempre mas mataas, dahil ‘pag pang-hapon, mataas lagi ang ratings, di ba?

“Like yung mga soap na sinundan ng KAMAL,di ba? ‘Tapos yung ngayon yung Broken Vow nina Bianca [King], mataas ang ratings.

“So nakakatuwa naman na siyempre nilagay nila ako dito, ibig sabihin, pinagkakatiwalaan pa rin nila ako na magagampanan ko yung role na gagawin ko, di ba?

“Siyempre pagka primetime, big deal na talaga for me, di ba?

“Pero ngayon, okay naman ako sa panghapon kasi maganda naman yung story namin, ‘tapos masaya naman kami sa set.

“Wala naman kaming problema, so okay lang.

"And iyon na nga... ang ano naman sa pang-hapon, kailangan mong i-maintain yung ratings na ini-expect, di ba?

“Like yung The Good Daughter, yung KAMAL, so siyempre kailangang tapatan mo ‘yan or malampasan mo, di ba?

“So, iyon, nakakaano siyempre para sa amin... nakaka-pressure.”

NEIL ETHERIDGE? Noon ay na-link si Michelle sa Azkals player na si Neil Etheridge at hanggang ngayon raw ay magkaibigan sila.

“Oo naman, kaibigan ko sila,” sabi niya.

May communication pa rin sila?

“Oo naman, lagi kaming… si Neil, si Simon [Greatwich], lagi ko silang kasama. They’re here na, di ba?

“They’re in Bacolod right now and mami-meet ko na yung girlfriend ni Neil kasi she’s here.

“Taga-London din [yung girl].”

Matagal na si Neil at ang girlfriend nito?

“Bago pa lang," sagot ni Michelle.

"Honestly, iyon talaga yung up to now hindi ko alam bakit hanggang ngayon nili-link kaming dalawa ni Neil.

“Pero kung alam lang talaga nila, as in friendship lang talaga yung mero’n kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkukuwento siya sa akin tungkol sa girlfriend niya. Or ako, kung sino dine-date ko.

“Ganun talaga yung friendship namin and like… kasi ilang weeks na ba silang ‘andito? Magtu-two weeks na ‘ata.

"‘Ayan kasama ko sila sa Tagaytay, ganyan.”

Kahit noong nanliligaw pa lang daw si Neil sa girlfriend nito ay sinabi na nito kay Michelle.

“Oo naman, siyempre. Sa BBM [Black Berry Messaging] ganyan, magkukuwento siya na, ‘I’m dating someone!’ Nakakatuwa.

"And then finally, dahil nga medyo matagal siya dito sa Philippines, sinama niya yung girlfriend niya dito.”

Walang kurot ng pagseselos kay Michelle ngayong may girlfriend na si Neil?

“Wala! Wala talaga kasi we never dated or anything like that,” tugon niya.

Para kasi sa marami, mahirap paniwalaang magkaibigan lang ang isang maganda at seksing babaeng tulad ni Michelle, at isang hunky football player na tulad ni Neil.

“Kaya ba kami nili-link, ganun?

“Never talaga, hindi talaga naging kami or never kaming nag-date at all.

"Wala ring ligawan, wala talaga," diin niya.

Ni hindi raw sila nagka-crush sa isa’t isa. Posible pala iyon?

“Oo naman, oo naman. Bakit naman hindi?

"Kasi more than anything mas… dahil hindi naman sila nakatira dito, parang mas okay yung relationship namin na ganyan.

“Kasi parang nag-build kami ng friendship. So ’pag nagkikita kami, walang ilangan, alam mo yun?

“Unlike siguro kunyari i-date mo siya, ’tapos hindi mag-work, so everytime na babalik sila dito, awkward! Parang ganun, di ba?

“So mas okay sa akin, mas importante sa akin yung friendship kasi,” sabi ni Michelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN