Annabelle Rama on warrant of arrest issued by QC court: "Don’t panic."

Annabelle Rama to her detractors: “Sa lahat ng taong walang utang na loob darating din ang matinding karma sa inyo. Wala kayong ginawa kundi sundan ang mga kilos ko. Palibhasa wala kayo mga trabaho.”


Muli ay sa Twitter nagbigay ng reaksiyon si Annabelle Rama kaugnay ng inilabas na warrant of arrest ni Judge Eleuterio Bathan ng Quezon City Regional Trial Court Branch 92 noong Lunes, Hunyo 11.

Hindi kasi dumalo si Annabelle sa nakatakdang arraignment ng araw na iyon para sa 14 counts of libel na isinampa laban sa kanya ng aktres na si Nadia Montenegro.

(CLICK HERE for related article.)

Ayon sa report ni Aubrey Carampel sa segment na "Chika Minute," sa news program ng GMA-7 na 24 Oras noong Lunes, Hunyo 11, sinabi ng abugado ni Annabelle na hindi nakadalo ang kanyang kliyente dahil “unavailable” ito.

Dagdag pa niya, mayroon pa raw kasi silang pending motion for reconsideration para sa naturang kaso.

Pero paliwanag naman ng abugado ni Nadia na si Atty. Marie Glenn Abraham, “The warrant of arrest has been ordered to be issued by the judge.

“Kasi ‘yong pending motion nila has been denied by the judge.

“Kasi ang bagong rule ng Quezon City, hindi na kasi puwede na pang-defer or suspend ng arraignment ang pending motion for reconsideration.”

Kaya naman ang hamon ni Nadia kay Annabelle: “Humarap ka!

“Ako, dumarating ako on time, dumarating ako kapag may hearing na kailangan.

"I mean, you know, ‘wag nating sayangin ang oras ng mga tao.

“Kung wala ka talagang kasalanan, humarap ka. ’Asan na ‘yong tapang mo, di ba?”

ANNABELLE REACTS. Kaugnay ng pagpapa-aresto sa kanya, nagbigay ng reaksiyon si Annabelle sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

Noong Hunyo 12, kinumpirma ni Annabelle na wala siya sa bansa, at siya’y nasa Amerika.

“(1) Hi to all my twitter followers missed u so much. Here in Phil embassy in Sanfo helping alexa applying for report of birth.”

Matapos nito’y nagbigay siya ng mensahe para sa mga nag-alala dahil sa balitang pagpapaaresto sa kanya.

Sinabi niya’y huwag silang mag-“panic” at sa sunud-sunod na posts ay sinabing “Malinis ang konsensya ko. Di ako criminal, at di ako pumapatay ng lechonin na baboy masama yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ako involved sa mga illegal transactions.

“Ang masama lng ginawa ko: tumulong sa isang pamilyang naghihirap at gustong makatikim sa swerteng binigay sa akin ng mahal kong Sto Nino

“Ito na ang natanggap kong ganti demanda ng libel.”

Pahabol na pahayag pa ng talent manager: “Sa lahat ng taong walang utang na loob darating din ang matinding karma sa inyo.

“Wala kayong ginawa kundi sundan ang mga kilos ko. Palibhasa wala kayo mga trabaho.”

Narito ang lahat ng mga posts ni Annabelle noong Hunyo 12 sa kanyang Twitter account kaugnay ng pagpapaaresto sa kanya:

(1) Hi to all my twitter followers missed u so much. Here in Phil embassy in Sanfo helping alexa applying for report of birth...

(3) Sa lahat ng mahal ko sa buhay, don’t panic reg news yesterday. Im ok. Maraming Salamat sa lahat ng nagdadasal for me.

(4) Malinis ang konsensya ko. Di ako criminal, at di ako pumapatay ng lechonin na baboy masama yun.

(5) Di ako involved sa mga illegal transactions.

(6) Ang masama lng ginawa ko: tumulong sa isang pamilyang naghihirap at gustong makatikim sa swerteng binigay sa akin ng mahal kong Sto Nino

(7) Ito na ang natanggap kong ganti demanda ng libel.

(8) Sa lahat ng mga supporters ko maraming 2x salamat sa support nyo.

(9) Sana wag kayo maniniwala sa mga taong naninira at nagimbentong salita tungkol sa akin. Love you all.

(10) We are here now: Karilagan resto. Thank you Chona miranda and Tess sa super sarap na Filipino food.

(11) Pinapak ko ang lechon kawali super taba kinagatkagat ko yung balat ng baboy.

(12) Sa lahat ng taong walang utang na loob darating din ang matinding karma sa inyo.

(13) Wala kayong ginawa kundi sundan ang mga kilos ko. Palibhasa wala kayo mga tabaho.

Samantala, hindi rin nakadalo si Annabelle sa preliminary investigation para sa reklamong libel at unjust vexation na isinampa ni Macario “Boy” Asistio, partner ni Nadia, laban sa kanya sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay ito ng mga sinabi diumano ng talent manager na “Alyanna was raped by her father Boy Asistio when she was 10 and Anykka had STD.”

(CLICK HERE for related article.)

Dahil dito’y na-reschedule ang preliminary investigation sa Hunyo 25, upang mabigyan ng pagkakataon ang kampo ni Annabelle na makapagpasa ng counter affidavit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN