Part 2. Isabel Oli tells close friend Claudine Barretto to "pray"; admits getting an offer from Willie Revillame to transfer to TV5

Isabel Oli on previous offer from TV5: “Maganda, sobrang maganda yung offer dun sa kabila. Actually, mas maganda dun. Kaso, mas pinili ko lang dito [sa GMA] kasi nagkaproblema lang before. Ngayon, naging okay na nung nag-usap-usap kami so dito muna ako. Dito naman ako happy pa, e.”


Matalik na magkaibigan sina Isabel Oli at Claudine Barretto.

Kaya sa presscon ng Faithfully last Monday, June 11, sa Studio 7 ng GMA Network, ay tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Isabel kung nagkausap na ba sila ni Claudine tungkol sa eskandalong kinasangkutan ng huli noong isang buwan.

Matatandaang nagkaroon ng away sa pagitan ng mag-asawang Claudine at Raymart Santiago at ng broadcaster na si Mon Tulfo sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong May 6.

Saad ni Isabel, “Nag-usap kami the day after nung nangyari.

“Sabi ko, ‘Anong nangyari? Hoy, anong nangyari sa ‘yo?’

“Sabi niya, ‘Hay naku!’

“So, nagkuwento na siya. So, parang hindi ako masyadong nag-worry kasi nakausap ko siya, pero umiyak siya nung bandang huli ng pag-uusap namin sa phone.

“’Tapos hindi natuloy yung pagkikita sana namin kasi busy na sila noon sa kaso.

“Okay naman siya, basta sabi lang niya, ipag-pray lang siya lagi.

“Sabi rin niya, tawagan ko siya every day.”

May ibinigay ba siyang advice kay Claudine?

“Sinasabi ko lang, ‘Magpe-pray ka lang palagi kung ano ang mangyayari. Wala namang imposible talaga, e, basta magdasal ka lang.’”

LEAVING GMA-7? Samantala, nilinaw ni Isabel ang napabalitang muntik na siyang umalis sa Kapuso network.

Inamin ni Isabel na muntik na siyang lumipat sa TV5 dahil in-offer-an siyang maging co-host ng Wil Time Bigtime, na show ni Willie Revillame sa Kapatid network.

“May offer talaga! Alam ng GMA yun,” sabi niya.

Bakit hindi natuloy?

“Kasi siyempre, ang dami mong iwe-weigh, di ba?

“Una, kung sino yung nagbigay sa iyo ng break ‘tapos…

“Okay naman si Kuya Willie, sobrang bait niya sa akin, sobrang bait niya sa manager ko, okay naman din.

“Pero parang ano lang… diyan papasok yung offer.

“Maganda, sobrang maganda yung offer dun sa kabila. Actually, mas maganda dun.

“Kaso, mas pinili ko lang dito [sa GMA] kasi nagkaproblema lang before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, naging okay na nung nag-usap-usap kami so dito muna ako.

“Dito naman ako happy pa, e.”

Kaya kahit malaki ang offer kay Isabel ng TV5 ay mas pinili niyang manatili sa Kapuso network.

Dumating ba siya sa punto na muntik na niyang tanggapin ang nasabing offer?

“Hindi, e, hindi talaga. Parang hindi pa ako at peace nung time na yun so parang… hindi talaga.”

Hindi ba siya nagsisi na nag-stay siya sa GMA-7?

“Hindi naman, hindi naman.”

Three years ang pinirmahan ni Isabel sa GMA-7 at matatapos na ito sa 2013.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN