Janine Gutierrez on acting with dad Ramon Christopher: “Natatawa po ako."

Janine Gutierrez on why she can’t help but laugh at her dad Ramon Christopher in a scene together: "Kasi, ang role po niya do’n, parang masama, goons, naka-cowboy hat. Parang natatawa po ako kapag tinitingnan ko siya.”


Bukod sa kauna-unahan niyang primetime series na Makapiling Kang Muli, isa pang bagong show ang dumating kay Janine Gutierrez.

Ito ay ang bagong youth-oriented show ng GMA-7 na Together Forever na papalit sa Tween Hearts tuwing Linggo ng hapon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine sa first taping day ng kanyang bagong show noong Linggo, June 10, sa Sienna College sa Taytay, Rizal.

BIG PRESSURE? First time niya sa isang youth-oriented show?

“Opo. Nakakatuwa nga po, kasi I really wanted to be a part of something like this. Yung lahat [halos] kaedad mo.

"At saka, sinasabi nga po nila na excited sila dito kasi yung mga ganitong show yung tumatatak—yung mga Tween Hearts at Click.

“Kaya hinahangad nga po naming lahat na galingan po. Pinag-usapan po namin.”

Alam naman ni Janine na ang papalitan nilang show, ang Tween Hearts, ay matagal ang inabot sa ere.

Sabi niya, “Siyempre, gusto po namin na talagang galingan at gandahan po ang show.

“Yung Tween Hearts po kasi, maraming naka-relate kaya pumatok.

"Basta gusto rin po sana namin na maging ganoon kami. Tumagal po kami at saka tumatak.”

BEAUTY QUEEN. Kung sa totoong buhay ay marami ang nag-uudyok sa kanyang sumali sa isang beauty contest, pero ayaw niya, dito sa Together Forever, ay isa raw siyang beauty queen bilang si Jasmin Trinidad.

Natatawang sabi niya, “Beauty queen po, pero humble!”

Baka naman nilalapit talaga siya na maging beauty queen ‘tulad sa role niya ngayon?

Sa height, beauty, at maging sa talino, puwedeng-puwede kasi siyang ipanlaban.

Pero natatawang sabi ni Janine, “Oo nga po! Pero at least dito po, mata-try ko kung ano ang feeling.”

Maging ang mommy ni Janine na si Lotlot de Leon ay sinasabing talagang ayaw raw sumali ng anak sa beauty contest.

“Talagang hindi ko po hilig talaga. Dito [pag-aartista] na lang po,” sabi rin ni Janine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BENEDICT CAMPOS. Mukhang ang tambalan nina Janine at Benedict Campos ang isa sa mga ipinu-push ngayon ng Kapuso network. Sila ang magkatambal sa Makapiling Kang Muli at Together Forever.

Ano ang masasabi ni Janine dito?

“Okay naman po, kasi parang masaya na meron akong nakakausap dito about sa kabilang show rin.

“Nagkakatanungan kung may taping ba, ano [na] nangyari sa mga kinukunan nila, nakakatuwa po.”

Okay raw kay Janine na si Benedict ang ipinapareha sa kanya.

“Okay po siya sa akin,” sambit ng dalaga.

“We have a lot of things in common. Meron kaming common friends.

“Kilala niya ang mga kaibigan ko. ‘Tapos taga-La Salle po siya, ako taga-Ateneo.

“Yung mga ganoong maliliit na ano lang po, parang madaling makasundo.”

ACTING WITH HER DADDY. Sa Makapiling Kang Muli ay unang pagkakataon daw na magkasama sila ng kanyang ama na si Ramon Christopher.

Kuwento ni Janine, “Natatawa po ako. Kasi ang role po niya do’n, parang masama, goons, naka-cowboy hat.

"Parang natatawa po ako kapag tinitingnan ko siya.”

Mabuti at hindi sila inaabot ng ilang takes ng daddy niya dahil natatawa siya?

“Hindi po kasi, siyempre po, dapat professional. Sinasanay ko na lang po sarili ko.

“Natatawa po kasi ako kay Papa. Kasi po, di ba minsan, rehearsal, ‘tapos maghihintay po ng ’Action!’ si Papa, nagme-make face sa akin, kaya nakakatuwa po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN