Gabby Eigenmann on rumored romance between brother Sid Lucero and Heart Evangelista: "Pabagu-bago kasi. Puwedeng sila, puwedeng hindi pala."

“Honestly, wala naman kaming magagawa riyan. Ke boto kami, ke hindi. Sabi ko nga, at the end of the day, sila pa rin," says Gabby Eigenmann when asked if it’s true that his familly does not favor Heart Evangelista to be Sid Lucero’s girlfriend.


Bukas, June 15, na ang finale episode ng panghapong teleserye ng GMA-7 na Broken Vow.

Kamakailan ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa bida ng serye na si Gabby Eigenmann.

Bida hanggang sa maging bida-kontrabida ang naging transpormasyon ng karakter ni Gabby sa naturang serye.

Ayon kay Gabby, “Hanggang ngayong linggo na lang ang Broken Vow.

“Siyempre, hindi naman mawawala sa istorya ang may kamatayan, may happy ending.

“Ako naman, lahat naman ng proyektong ginagawa ko, I always trust the writers kung anuman ang magiging takbo ng istorya.

“Siyempre, kung tatanungin mo ako kung nagugustuhan ko ba ang mga kaganapan, okay naman sa akin.

“To me, it was challenging because I thought for day one, after Munting Heredera na kontrabida ako, akala ko ay tatahakin ko ang pagiging mabait. Hindi na nga bida, yung pagiging mabait.

“Okay lang, it lasted for a couple of weeks. Four, five weeks of being a good guy."

Dagdag niya, “But then again, siguro para umandar ang istorya, maybe it would be easier for the writers to incorporate me to a role that I truly excel.

"I guess, I really excel in being a kontrabida.

“Pero sabi ko nga, given the fact na na-prove ko naman yun, siguro kung sinustain siguro ako na pagiging mabait all throughout, hindi natin alam kung saan tatakbo ang istorya.

“Hindi ko sinasabing ako ang nagpapatakbo, but how else can they make the story longer, e, na-extend.”

IS HE DISAPPOINTED? Diretsahang tinanong ng PEP si Gabby kung kahit paano ba nakaramdam ba siya ng disappointment sa nangyari.

Sabi niya, “It’s not disappointment from my part. It’s just that, natuwa naman ako kahit paano.

“Kasi, nagtiwala naman sa akin ang GMA. Hindi naman nila ako binigyan ng proyekto na, ’Diyan ka magaling, e, di diyan ka lang.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They gave me a taste of being nice guy.”

Sa Broken Vow, silang dalawa ni Luis Alandy ang madalas na napupuri pagdating sa pag-arte.

Ano naman ang masasabi niya rito?

“Sa akin lang naman ‘to, I never work alone. Secondary lang sa akin yung I came to work because I’m called to work, it’s my duty.

“Ang sa akin, camaraderie. Yung pakikisama sa mga co-actors, staff, crew... kasi doon ko bine-base.

“At kami naman sa Broken Vow, as much as possible, we try to support each other.

“Hindi naman namin matatapos ang show na ito kung hindi kami nagtulungan.”

Ano pa ang naibigay ng magtatapos na nilang serye sa kanya?

“Ako, honestly, itong sa Broken Vow, it gave another—kumbaga, every actor naman will learn from each project.

“Marami naman silang natutunan. Ako, masasabi ko, may mga natutunan din ako sa Broken Vow.”

DADDY’S ADVICE. Sabi pa ni Gabby, “Kasi, hindi ko makakalimutan yung turo ng daddy ko [Mark Gil]—na gawin ko yung alam kong tama pagdating sa pag-arte.

"It’s like, ‘Let them learn but don’t teach them. Let them learn from you but don’t teach them.’

“May iba kasi na willing to learn, willing to go all out and if they give you that opportunity, mas madali para sa isa’t isa.

"So far, nakakamit naman namin yun.”

Nakuha namang magbiro ni Gabby nang tanungin namin siya kung ano ang next project niya pagkatapos ng Broken Vow.

“Feeling ko, The Farm. Magtatanim muna ako!” natatawang pagbibiro niya.

“Hindi, pahinga muna siguro ako. Hoping for a new project, probably for the next cycle.

"Kasi, naglabasan na yata ang mga bago.”

Kahit nagkasunud-sunod ang mga teleserye niya, personally, kung may bagong project, mas gusto pa rin daw niyang tuluy-tuloy lang ang trabaho.

“Honestly, siyempre, I’d rather work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"‘Ika nga, sa isang artist o sabihin natin sa isang actor, maaaring magpahinga ka o maaaring tuluy-tuloy para hindi ka nangangalawang.

“So, kapag nakapagpahinga ka kahit ilang linggo lang, minsan nakakalawang yun.

“Pagbalik mo, parang nangangapa ka ulit, trying to fit in.”

TRAINING TO FIT. Sa ngayon, naka-focus naman daw siya sa pagte-training.

“Nagba-boxing ako, nagdyi-gym, Muay Thai. Ngayon ko naman masasabi na mapo-focus ko ang physical appearance ko this time habang may time akong magpahinga.

“At the same time, yun nga, mas maaalagaan ko ang sarili ko.

"Kasi, the past few years, pagsara ng 2011 at pagbukas ng 2012, sunud-sunod, e.

“Hindi ako nakakapag-gym, hindi ako nakakatakbo. Puro trabaho.

“But I mean, okay lang. Papiliin mo ’ko, mas gusto kong magtrabaho pa rin.

“But now, they gave me this opportunity na to lead, quote, and unquote!” natatawang sabi niya.

Dagdag din niya, “Pero might as well do something. Nakakatuwa na rin na nabigyan ako ng oportunidad.”

SUPPORTIVE BROTHER. Alam ng lahat, lalo na ng malalapit kay Gabby, kung gaano siya ka-supportive sa mga kapatid niya.

Nang maging kontrobersiyal ang kapatid niyang si Andi Eigenmann noong mabuntis ito, isa si Gabby sa all-out ang pagsuporta rito.

Nang masangkot muli sa kontrobersiya ang kanyang kapatid dahil sa nangyaring gulo sa pagitan nila ni Albie Casiño sa isang bar sa Makati, mas pinili na lang ni Gabby na huwag magsalita kahit marami ang nag-attempt na makuha ang reaksiyon niya.

Paliwanag ni Gabby, “Hindi naman sa ayoko nang makialam. But I said my piece, I said everything.

“Lahat naman ng pinagdaanan ng kapatid ko, nasabi ko na ang gusto kong sabihin.

"Basta nandito ako bilang kapatid niya, na kung anuman ang mga kabutihang nagagawa niya, suportado ako.

“Sa lahat naman ng mga mistakes na nagawa niya at gagawin niya, hindi ko sinasabing susuportahan ko siya, but I’m here to guide her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m here to tell her, ‘This is not right, this is wrong.’ Pero hanggang doon lang ako.

“Honestly, I cannot really control my other siblings’ lives.

"Nandiyang tinatawagan ko rin si Sid [Lucero] from time to time, nagkakamustahan kami.

“May pinagdadaanan din siya. Nandiyan din ako to give advice.

“Pero at the end of the day, sila-sila rin ‘yan.”

Sinasabing may kinalaman daw si Andi sa nangyaring pambubugbog kay Albie. Ano ang reaksiyon niya rito?

“Well, nagkataong she was there. But other than that... sana, hindi na lang nangyari.

“Kung nangyari man, I don’t know, baka... to me, it’s probably we can consider it as a closure sa matagal nang nag-iipunan na sama ng loob, galit o ano.

“Kasi, I don’t think... probably siguro only time can tell that the two; Andi and Albie can probably have time to sit down and talk.

“And siyempre, it came to a point na nandoon pa rin ang hurt. Hindi lang para kay Andi.

“I’m sure kung may hurt din ang lalaki na hindi naman natin malalaman kung ano yun, nandodoon pa rin naman yun.

“It was uncalled for, yung nangyari. It was unexpected.

"Pero yun nga ang sinasabi ko, if we were in the situation, it could have been different.

“Kasi kahit paano, masama ang loob ng pamilya. Masama ang loob namin.

"Pero, bakit tumagal nang ganoon katagal na wala naman kaming ginagawa?

“We never talked about it. Hindi naman namin siya binadmouth.

“Ang sa akin lang, tumahimik din naman kami. Tumahimik din sila.

"It’s just the situation wherein it happened.”

SID & HEART. Ano naman ang masasabi ni Gabby sa pagkaka-link ng half-brother niyang si Sid Lucero kay Heart Evangelista, at ang kapatid niya ang lumalabas na diumano’y third party sa naging breakup ng aktres at ni Daniel Matsunaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Gabby, “No, no... I think they were doing Legacy for six months, I’m sure naman, magkakaroon sila ng closeness sa isa’t isa.

“I’m happy. I think, it came to a point na my brother is inspired. Inspired to work with each other, work together.

“Kung anuman ang maging beyond niyan, e, we’ll just cross the bridge when we get there.”

Naniniwala ba siya na sina Sid at Heart na nga?

“Kahit ano naman ang paniwalaan ko, pabagu-bago kasi. Puwedeng sila, puwedeng hindi pala."

May lumabas na report na tila hindi pabor o boto ang pamilya nila kay Heart. Totoo ba ito?

“Pamilya namin?” tila nagulat na sagot ni Gabby.

“Honestly, wala naman kaming magagawa diyan. Ke boto kami, ke hindi.

“Sabi ko nga, at the end of the day, sila pa rin. That goes also with my sister.

“Si Andi, minahal niya itong lalaking ito kahit ayaw namin, kahit gusto namin. Wala naman kaming magagawa.

“All we have to do is be supportive and we try to correct what is needed to be corrected.

“Yun lang naman. At the end of the day, ang palagi naming sinasabi, buhay ng may buhay ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN