Ogie Alcasid on GMA-7 giving him shows so he won’t transfer to TV5: "Noon ako pina-pirate. Ngayon, hindi naman."

"I think, kaya rin naman sila nag-decide na bigyan ako ng show, dahil sa Daldalita. Parang maganda ang naipakita namin, maganda ang feedback. Well, yung Boy Pick-up, kaya rin naman siya naging pelikula dahil matunog siya sa Bubble Gang.Yung Pare & Pare, e, kumpare ko naman si Bitoy," says Ogie Alcasid when asked if his numerous shows on GMA-7 is the network’s way to keep him i


Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie Alcasid sa press conference ng bago niyang show na My Daddy Dearest sa GMA-7 ay biniro ang singer-comedian na siya na ang "bagong walang tulugan."

Baka nga ma-insecure na raw sa kanya ang Master Showman na si German Moreno, na siyang mas kilala para sa katagang nabanggit.

Sunu-sunod kasi ang ginagawang mga proyekto ni Ogie ngayon.

Sa pelikula, palabas pa rin sa mga sinehan ang Boy Pick-up The Movie at tinatapos niya ang shooting I Do Bidoo Bidoo.

Sa telebisyon naman ay apat ang kasalukuyang shows niya sa GMA-7: Bubble Gang, Party Pilipinas, Pare & Pare, at ang kakasimula pa lamang na My Daddy Dearest.

Kaya ba siya binibigyan ng maraming projects ngayon ng GMA-7 dahil pina-pirate siya ng TV5?

"Hindi naman ako pina-pirate ngayon, noon ako pina-pirate. Ngayon, hindi naman," sagot ni Ogie.

"I think, kaya rin naman sila nag-decide na bigyan ako ng show dahil sa Daldalita.

"Parang maganda ang naipakita namin, maganda ang feedback.

"Well, yung Boy Pick-up, kaya rin naman siya naging pelikula dahil matunog siya sa Bubble Gang.

"Yung Pare & Pare, e, kumpare ko naman si Bitoy," na ang tinutukoy niya ay si Michael V. na kasama niya sa show.

"So, nadala lang na nandiyan ang opportunity at nagpapasalamat naman ako sa GMA dahil palagi nila akong iniisip."

May pahinga pa ba siya sa dami ng ginagawa niya?

Saad ni Ogie, "Ang pahinga ko ngayon, e, magmula tuwing Sabado na pag-start ng July.

"Sa Sabado ako walang trabaho.

"Pagdating ng September, magbabakasyon naman kaming mag-asawa.

"At ipinapangako ko sa kanya, kung hindi man ngayong December, magbakasyon ulit kami.

"Gusto ko sana sa ibang bansa, pero depende sa kanya kung saan niya gusto.

"Pero ang huling sabi niya sa akin, sa bahay na lang daw kami!"

Siyempre, ang tinutukoy ni Ogie ay ang misis niyang si Regine Velasquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masuwerte siya ngayon lalo na sa career.

"May baby kasi," nakangiti niyang sabi.

"Sabi nga nila baby is blessing. Although ang totoo niyan, bine-bless talaga tayo ng Panginoon, palagi naman.

"I mean, Nate alone is a big blessing," pagtukoy niya sa panganay nila ni Regine.

"Sa aming mag-asawa, magmula nang dumating siya sa amin, walang humpay na naidudulot talaga ni Nate, lalo na sa asawa ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN