Part 2. Paulo Avelino on comparison to Coco Martin: “Pasensiya na po, napakahusay lang ni Coco.”

“Si Coco, mapagbigay ‘yan. Kung may maisip siyang ikagaganda ng eksena, tumutulong siya kahit hindi sa character niya. At marami akong natutunan kay Coco. Kahit i-observe mo lang siya, hindi niya kailangang magsalita, matututo ka na,” says Paulo Avelino when asked about Walang Hanggan co-star Coco Martin.


Bago ang 35th Gawad Urian kagabi, June 13, sa AFP Theater sa Camp Crame, Quezon City ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Paulo Avelino.

Isa si Paulo sa mga nominado sa kategoryang Best Actor para sa pagganap niya sa pelikulang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.

Saad ng Kapamilya actor, “I never expected that I will be nominated for Urian. Knowing Urian, medyo istrikto talaga yung manunuri nila.

“Noong malaman ko na na-nominate ako, I was very happy. Actually, yung nomination pa lang, parang award for me.”

Kinakabahan ba siya?

“Kinakabahan din. Pero ayoko kasing malungkot ako after kaya hindi ko na inaangat yung expectation ko.”

Pero bago matapos ang gabi ay si Paulo ang itinanghal na Best Actor.

(CLICK HERE to read related story.)


IMPROVED ACTING SKILLS. Sa panayam pa rin ng PEP kay Paulo bago magsimula ang seremonyas kagabi, nadako ang usapan sa kanyang serye sa ABS-CBN na Walang Hanggan.


Marami kasi ang nakakapansin na pagaling siya nang pagaling sa pag-arte.

“Talaga?” nakangiti niyang sabi.

“Masaya dahil hindi rin naman biro ang karakter ko sa Walang Hanggan.

“At hindi rin naman biro yung parte ng sarili ko na ibinibigay ko kay Nathan... para ma-portray si Nathan," pagtukoy niya sa papel na ginagampanan.

"So, I’m happy na napapansin naman kahit paano.”

Ano ang masasabi niya na tila magaganda ang nangyayari sa career niya ngayon?

“Okay naman. Okay naman. Siguro ngayon lang ang time na namumulat din ako pakunti-konti.

“Namumulat sa sining ng pag-arte at nag-e-enjoy ako sa paggawa ng mga character.

“Siguro ito rin ang perfect time na gumawa pa ng marami pang pelikula,” sabi niya.

Pero naniniwala si Paulo na marami pa siyang dapat patunayan bilang aktor.

“Sobrang kulang pa. Marami pang dapat matutunan.

"Marami pang dapat ma-experience sa buhay para siguro pumasa ko sa kalidad ng mga mahuhusay nating artista.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magiging mapili na ba siya ng mga proyektong tatanggapin pagkatapos niyang tumanggap ng award?

“Hindi naman. Never naman po akong naging choosy.

"Basta maganda ang script. Actually, basta maganda ang script, yun lang talaga.”


ANOTHER INDIE FILM. Umaasa si Paulo na sa 2013 ay makagawa siyang muli ng indie film, gaya ng Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa na nagpanalo sa kanya ng award.

Sa kasalukuyan, dalawang pelikula sa Regal Films ang ginagawa niya—ang Bride and the Lover at isa pang walang title.


PAULO VS. COCO? Dahil sa mga karangalang natatanggap sa larangan ng pag-arte, malamang ay mas lalo silang pagkukumparahin ng kanyang co-star sa Walang Hanggan na si Coco Martin, na isa ring award-winning actor.

Ano ang reaksiyon niya rito?

“Wala naman,” sagot ni Paulo.

“Si Coco, mapagbigay ‘yan. Kung may maisip siyang ikagaganda ng eksena, tumutulong siya kahit hindi sa character niya.

“At marami akong natutunan kay Coco. Kahit i-observe mo lang siya, Hindi niya kailangang magsalita, matututo ka na.”

Ano ang masasabi niya sa pagkukumpara ng acting nila?

“Pasensiya na po, napakahusay lang ni Coco!” natatawang sabi niya.

“Well, siguro dumidikit lang kami sa character niya, hindi nakukumpara.

“May kanya-kanyang highlights lang sa istorya. May mga highlights din sa Walang Hanggan na lumitaw si Nathan. Yun lang siguro.”


JULIA MONTES. Kumusta naman sila ng leading lady nila ni Coco sa Walang Hanggan na si Julia Montes, na gumaganap bilang si Katarina?

“Well, si Katarina, napakabait at bukod sa napakabait, napakahusay na babae.

“Parang kapag mag-isip siya, parang hindi siya sa age niya,” pagtukoy niya sa 17-year-old actress.

“Very mature siyang mag-isip, e. Napakamagalang.”

Posible bang umibig siya kay Julia Montes?

“Na-in love na si Nathan kay Katarina, e," pagtukoy niya sa kanilang roles.


LOVELIFE? Wala ba siyang panahon sa love?

Sabi naman ni Paulo, “Very busy ako ngayon. I’m trying to focus muna sa... medyo mahirap din kasi ang mga roles na gagawin ko like this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maraming oras sa akin, maraming emosyon, mapapagod ako.

"So ngayon, concentrate muna ako sa mga ginagawa ko," paiwas na sagot ni Paulo.

Ngunit sa pagkakaalam ng PEP ay sila pa rin ng Kapuso actress na si LJ Reyes, kunsaan mayroon siyang anak.


BONA. Dati ay nabalitang sina Paulo at Edgar Allan Guzman ang mag-a-alternate para sa stageplay ng PETA na Bona kasama si Eugene Domingo.

Ano na ang nangyari dito?

“Gusto ko nga pong gawin, kaso hindi na po kaya ng schedule ko. Medyo ngayon pa lang po, wala nang tulog,” sagot ni Paulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN