PEP TALK EXCLUSIVE. Marian Rivera on working with Angel Locsin: "Looking forward din ako..."

How does Dingdong Dantes handle those who are "nagpapantasya kay" Marian Rivera? The latter quips, “Water lang..."


Isa sa mga napag-usapan sa PEP Talk, ang online show ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ay kung paano hina-handle nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang selos.

Taong 2009 nang hinirang na sexiest Pinay si Marian ng FHM Philippines.


Sa kasalukuyan, siya ang pumapangalawa sa ongoing voting para sa FHM 100 Sexiest Women of the World.

Ang tanong ng PEP associate editor na si Rommel Llanes kay Marian, paano hina-handle ni Dingdong ang mga "nagpapantasya" sa kanya?

“Marami ba? Parang wala naman…” ang pabirong sagot ng aktres na umaktong nag-pose nang pa-sexy.

At habang nakangiti, humirit ito ng, “Water lang,” na umani ng malakas na tawanan mula sa grupo na kinabibilangan nina Jo-Ann Maglipon (editor-in-chief), Karen Pagsolingan (managing editor), Erwin Santiago (associate editor), at Monching Jaramillo (section editor).

Sa pagpapatuloy ni Marian, “Gano’n lang. ‘I’m all yours, okay?’ Water lang. ‘I’m all yours.’

“’Tsaka ang buhay ng tao, kahit saan naman, pagkakaunawaan lang naman at tamang pag-uusap.

“Lahat naman ng bagay napag-uusapan nang maayos, naniniwala ako do’n.”

ANGEL LOCSIN. Nadako rin ang usapan kay Angel Locsin, na itinuturing ng karamihan bilang karibal ni Marian.

Simula noong naging successful ang Marimar (2007), na nakatakda sanang gawin ni Angel, hindi na tumigil ang fans sa pagkukumpara sa dalawa.

Mas lalong umigting ang rivalry noong ginawa rin ng Filipina-Spanish star ang Darna, na siyang unang title role ni Angel sa Kapuso network.

Pero tila wala namang epekto kina Marian at Angel ang pag-aaway ng kanilang mga fans. Sa katunayan, noong 2009, sinuportahan ng una ang socio-civic project ng huli para sa mga biktima ng Ondoy.

(CLICK HERE for related article.)

“Hindi naman super close,” sagot ni Marian nang tanungin kung nagkalapit ba sila ni Angel pagkatapos ng naturang proyekto.

“Pero at least alam namin sa isa’t isa na kaming dalawa ay walang problema talaga. ‘Yon yung mahalaga para sa aming dalawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okay lang ba sa kanya kung magkaroon sila ng pelikula ni Angel?

Ayon sa Kapuso actress, magandang ideya raw kung magkakasama sila ng 27-year-old Kapamilya.

“For sure, sana... looking forward din ako, di ba? ’Tsaka walang problema naman, e, kahit sinong makasama mo.

“’Yon nga yung maganda ngayon, e. Parang ‘yong taga-Channel 2 puwedeng makasama ng taga-Channel 7.

“So, mas maganda. Mas okay para sa atin na nanonood na, puwede pala.

“’Yong taga-kabila magsama sa kabila, na maganda ‘yon para sa amin na mga artista," ang pahayag ni Marian.

Sa huli, nagbigay siya ng garantiya na okay sila ni Angel: "Walang problema sa amin, sa totoo lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN