Enzo Pineda admits to being jealous of romantic scenes between rumored girlfriend Louise delos Reyes and Alden Richards

Kapuso actor Enzo Pineda on being jealous when he sees Louise delos Reyes in a scene with Alden Richards: “I guess it’s normal, aminado ako sa sarili ko, e, okay nang maging totoo. Kasi kung… ako, I care for Louise, when you care for someone [affected ka].”


Busy daw si Enzo Pineda, pero hindi lamang sa iba’t ibang proyektong kanyang ginagawa kundi sa paglilinang ng bagong image niya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enzo sa presscon ng Together Forever kagabi, Hunyo 14, na ginanap sa The Lounge, sa Tomas Morato, Quezon City.

Ayon sa GMA Artist Center talent, “Siguro iba naman ‘yong pinapakita ko sa mga fans ko, kasi two years na, e.

"So tama na muna ‘yong pa-tweetums, pa-bad boy naman tayo para maiba.

“Hindi naman sexy, macho lang.”

May pagka-“bad boy” daw ang karakter ni Enzo sa bagong weekly youth-oriented show ng GMA-7 na Together Forever; gaganap siya rito bilang half-brother nina Elmo Magalona, Janine Gutierrez, at Renz Valerio.

BASEMENT. Bukod sa bagong youth-oriented show, isa rin sa pagkakaabalahan ni Enzo ang horror film na Basement.

Noong nakaraang linggo naganap ang kanilang story conference, at nalamang makakasama niya rito sina Louise delos Reyes at Sarah Lahbati. Ang pelikula ay ididirek ni Topel Lee.

Bagamat dati pa napapabalitang tila hindi magkasundo sina Louise at Sarah, tiwala naman si Enzo na magagampanan nila nang maayos ang kanilang mga roles, lalo na’t ang dalawang aktres daw ang madalas na magkakaeksena.

WORKSHOPS. Ngayong sunud-sunod ang kanyang acting projects, malaking tulong daw para kay Enzo ang acting workshops na ibinibigay ng GMA-7 sa kanila.

Tuwing Martes ang kanyang workshop, at sa ngayo’y marami na raw siyang natutunan mula dito.

Sabi niya, “Personally it helps me a lot. At saka mas na-appreciate ko ‘yong acting ngayon, kasi it’s not just you acting, it is more about being expressive.

“Ang magaling naman na actor is being expressive, e, you know how to feel.

"Kita ko nga kanina sa akin, e, natutunan ko na ‘yong acting ko ngayon, hindi siya sumusobra, hindi siya kulang.

“‘Yon ang importante, e. Kasi minsan ang tingin ng tao minsan, ‘Kailangan umiyak ako dito,’ that’s too much, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ang itinuro sa amin, kung ano ang nararamdaman mo, don’t overdo it. Kung ito ang lungkot na ipinapakita mo ngayon, ‘yon lang.

"At least totoo siya, hindi siya fake, di ba?

"Kasi ang ano namin, alisin ‘yong mga acting nuances na usual na nakikita na natin sa mga movies at teleserye na kapag iiyak ka, ganito; kapag nagagalit ka, ganito.”

BILLBOARD. Samantala, bukod sa kanyang mga proyekto, usap-usapan din ang “macho” billboard ni Enzo sa may Cubao South bound para sa isang clothing brand.

Tuwang-tuwa raw ang kanyang mommy at mga kaibigan sa naturang billboard nang makita nila ito.

Kuwento ni Enzo, “Siyempre natuwa siya, first time ‘yong anak niya, ‘Yes! May billboard anak ko!’

“Kahit ‘yong friends ko no’ng high school, e, nag-post sa Facebook, ‘Sino ‘tong macho na ‘to?’

“Siyempre nahiya din naman ako, taga-La Salle Greenhills ako, all boys, so baka awkward naman ‘yong isipin ng mga barkada ko, di ba?

“Pero okay naman, proud sila sa akin.”

Dagdag pa ng Kapuso actor, isa sa bucket list niya ang magkaroon ng solo billboard sa EDSA bago pa man siya pumasok sa showbiz.

Aniya, “I guess siguro… it really took a long time for me, let’s say two years, to be part of the Bench family.

“Pero I guess dreams do come true, kung gusto mo talaga, someday maa-achieve mo.

"And siguro, itong mga susunod kong pangarap, ma-achieve ko na rin.”

JEALOUS OF ALDEN? Masaya rin daw ang rumored girlfriend ni Enzo na si Louise sa solo billboard nito.

Bagamat walang inaamin ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon, kapansin-pansin ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.

“Lets see, lets see,” sagot ng Kapuso actor nang tanungin kung kailan ba sila aamin ni Louise.

“Trabaho muna. Kasi sabagay, we both respect our work."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya rin daw si Enzo para kay Louise dahil may billboard na ito sa harap ng GMA Network dahil sa primetime series nila ni Alden Richards na One True Love.

“Kasi alam ko matagal na niyang pangarap na sabi niya, ‘Gusto ko magkaro’n ng billboard sa harap ng GMA.’

"Sabi ko, ‘Ayan, may billboard ka na, o, ang laki!’”

Tinanong na rin namin si Enzo kung totoo ang nabanggit ni Louise na ayaw raw niyang manood ng mga eksena ng young actress kasama ang leading man nitong si Alden.

Matatandaan na nagpahayag din ng paghanga noon si Alden kay Louise.

Paglilinaw ni Enzo, “Hindi naman sa ayaw ko manood.

“Pero I admit, minsan nagseselos ako.

“I guess it’s normal, aminado ako sa sarili ko, e, okay nang maging totoo.

"Kasi kung… ako I care for Louise, when you care for someone [affected ka].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN