Katrina Halili asks Marian Rivera to be godmother to her baby

Katrina Halili on settling issue with Marian Rivera: “Nagkausap kami mga months na. Last taping day namin, dalawa na lang kasi kami, e. Medyo okay na kami. Nagyakapan kami, medyo naiyak lang.”


Mahigit anim na buwan na ang ipinagbubuntis ni Katrina Halili at malaki na ang tiyan nito nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng GMA News TV show na Mars kahapon, June 14.

Ayon kay Katrina, nagdagdag na siya ng ten pounds at nalalakihan na siya sa kanyang sarili.

Kaya naglalakad pa rin daw siya minsan o kaya nagti-treadmill para medyo mabawasan siya ng timbang.

Pero masaya siya kahit nagdagdag siya ng timbang dahil mas excited daw siya sa nalalapit na panganganak niya sa anak nila ng singer na si Kris Lawrence.

Kuwento ni Katrina, “Kagagaling ko lang po sa check-up, okay naman po.

“Kaya lang, baligtad ang baby. Kailangan mabago ang posisyon para hindi raw ako ma-CS [caesarean section].

“Gusto ko talaga sana normal delivery para ma-feel ko raw talaga ang panganganak.”

Balak pa ni Katrina na magbakasyon sa susunod na linggo dahil sa susunod ay hindi na raw siya puwede.

“Next week po, punta ako ng Hong Kong, siguro mga three days lang.

"Kasi after nito, hindi na ako puwedeng magbiyahe,” sabi niya.

Nakahanda naman daw siya sa kanyang panganganak, dahil halos kumpleto na ang mga gamit niya.

MARIAN AS NINANG. Napag-usapan na rin daw nila ni Kris kung kailan ito bibinyagan at kung sino ang mga kukuning ninong at ninang.

Sabi ni Katrina, “Sa January siguro ang binyag kasi yun ang dating ng mommy ni Kris galing States."

Isa si Marian Rivera sa kukuning ninang ni Katrina dahil okay na raw sila talaga bago natapos ang taping ng pinagsamahan nilang priemtime series, ang My Beloved.

Masayang kuwento ni Katrina, “Nagkausap kami mga months na.

“Last taping day namin, dalawa na lang kasi kami, e.

"Medyo okay na kami. Nagyakapan kami, medyo naiyak lang.”

May komunikasyon na raw sila ngayon ni Marian. Nagtatawagan at nagti-text daw sila minsan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa baby shower nga raw ni Katrina, iimbitahin niya si Marian kung nandito ang aktres.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Marian sa PEP Talk ang pagkuha sa kanya ni Katrina bilang ninang sa anak nito.

Ilan pa raw sa mga nakausap ni Katrina na mag-ninang sa baby girl niya ay ang ka-batch niya sa StarStruck na sina Jennylyn Mercado at Cristine Reyes, at si Sunshine Dizon.

Balak din daw ni Katrina na kuning ninong si Mark Herras, pero hindi pa raw niya ito nakausap.

Tiyak daw na kukunin naman ni Kris si Jay-R na mag-ninong.

BACK TO WORK. Dagdag pang kuwento ni Katrina, pagkatapos niyang manganak ay magpapapayat agad siya para makabalik na siya sa trabaho.

Medyo magbabawas lang siya sa pagtanggap ng trabaho dahil gusto naman daw niyang personal na maalagaan ang kanilang baby ni Kris.

Pagdating sa pagpapayat ay hihingi daw siya ng tips kay Jennylyn dahil na-maintain nito ang kapayatan pagkatapos niyang manganak.

“Si Jennylyn kasi nag-sports. Kung hindi umepek ang gagawin ko, sasali na rin ako sa sports!” natatawang sabi ni Katrina.

BABY NAME. Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nila napagkasunduan ni Kris kung Katrence o Kristine ang ipapangalan nila sa kanilang baby.

Halos araw-araw ay dinadalaw raw siya ni Kris at binabantayan.

Hindi raw totoong nagli-live in na sila. Wala raw silang balak na mag-live in at wala pa raw talaga sa plano nila ang magpakasal.

“Magkapitbahay lang kami. Lagi naman niya akong tinitingnan,” sabi ni Katrina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN