Leni Robredo denies asking Bongbong Marcos to concede in VP race

May 19, 2016
<p>Presumptive Vice-President Leni Robredo on Sen. Bongbong Marcos's fraud accusation: "Kung mayroon silang ebidensiya ng ganun, interesado rin akong makita. Mas mabuting ilabas."</p>

Hindi natitinag si presumptive vice president Leni Robredo sa plano ng kampo ni vice-presidential candidate Sen. Bongbong Marcos na maghain ng kaso sa electoral tribunal hinggil sa diumano’y dayaan sa bilangan para sa vice-presidential race.

“Hindi ako nagdepensa ng sarili, dahil ako, alam ko na parating sa katapusan naman lahat, yung katotohanan yung lalabas,” pahayag ng outgoing Camarines Sur Third District representative nang umuwi ito sa kanyang hometown na Naga City noong Martes, March  17.

Sabi pa ni Robredo tungkol sa banta ni Bongbong, base sa ulat ng GMA News, “Hindi ko talaga alam kung papaano madadaya iyong automated.

“So, kung mayroon silang ebidensiya ng ganun, interesado rin akong makita. Mas mabuting ilabas.”

Sa hiwalay na panayam naman ng CNN Philippines, pahayag ni Robredo, “Pero if I had my way, mas mabuting mag-move on na tayo lahat, kasi ang daming trabahong gagawin.”

Continue reading below ↓

Itinanggi rin ni Robredo na tinawagan nila ang kampo ni Bongbong upang sabihan na mag-concede na ito sa vice-presidential race.

Gayunpaman, hinikayat ng lone woman vice-presidential candidate ang tagasuporta ni Bongbong na igalang ang resulta ng eleksyon.

“Parati naman niyang sinasabi na kaya siya kumandidato dahil mahal niya ang bansa.

“Kung mahal niya ang bansa, dapat tumulong siya na hikayatin ang tao na galangin kung ano ang resulta ng eleksyon.”

Sinagot din ni Robredo ang pahayag ng abugado ni Bongbong na si former Commission on Elections Chairman Sixto Brillantes na pinapa-concede na ng Camarines Sur representive ang senador.

“Wala namang ganoong statement. Nakita ko ang pahayag ni Chairman Brillantes na pinapa-concede daw namin si Sen. Marcos.

“Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling, pero sa kampo namin, walang ganoon,” diin ni Robredo.

As of May 18 ng gabi, base sa partial and unofficial tally of votes, si Robredo ay mayroon nang 14,023,093 votes habang si Bongbong ay mayroon namang 13,803,966 votes.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
2016
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Presumptive Vice-President Leni Robredo on Sen. Bongbong Marcos's fraud accusation: "Kung mayroon silang ebidensiya ng ganun, interesado rin akong makita. Mas mabuting ilabas."</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results