Bianca Gonzalez apologizes to Amalia Fuentes

“I understand where she’s coming from and hopefully maayos ’to. If she got hurt, or if any one got hurt, I’d like to apologize," says Bianca Gonzalez (right) about the libel complaint filed against her by former movie queen Amalia Fuentes (left).


“I was shocked.”

Ito ang naging reaksiyon ng TV host-columnist na si Bianca Gonzalez nang mabalitaan niyang kasama siya sa inireklamo ng dating movie queen na si Amalia Fuentes noong Miyerkules, Hunyo 13.

Naghain si Amalia ang 11 counts of libel complaint laban sa talent manager na si Annabelle Rama.

Isinama rin ni Amalia sa kanyang reklamo si Bianca dahil sa isinulat nitong artikulo sa kanyang kolum sa The Philippine Star noong Pebrero 12, 2012, na may titulong “Love, Laughter & Intrigues with Eddie & Annabelle.”

Ang nilalaman ng artikulo ay base sa panayam ni Bianca sa mag-asawang Annabelle Rama at Eddie Gutierrez. Sa isang bahagi ng artikulo ay nabanggit ang pangalan ni Amalia.

(CLICK HERE to read related article.)

Sa ulat ng ABS-CBN News na lumabas sa website nito kahapon, Hunyo 15, inihayag ng Pinoy Big Brother host ang kanyang reaksiyon tungkol sa inihaing reklamo ni Amalia laban sa kanya.

Aniya, “Napaisip talaga ako kung kailan kaya ako may nasabi, may nasulat. So shocked talaga, more than anything else.

"At first, actually, surreal sa ’kin, hindi ko nga alam na she knows who I am.

"Sad na it had to be this way. I totally respect yung naging pahayag niya.”

BECOME A BETTER WRITER. Bukod sa reklamong libelo, pinayuhan din ni Amalia si Bianca na “take a seminar on writing."

Hindi naman ito minasama ng TV personality, na nagsimulang magsulat ng kanyang kolumn sa Philippine Star noong 2011.

Sa halip, itinuring pa niya itong isang paalala para mapabuti ang kanyang karera bilang manunulat.

Pahayag ni Bianca, “I’m only starting out as a writer and I take it very seriously. I’m really trusted by my editors, gina-guide nila ako.

"For me, I took it in a good context. Meaning, lesson learned na hopefully this will help make me be a better writer, a better host sa mga susunod ko pang interviews and write-ups.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinaliwanag din niya na ang kanyang mga naisulat tungkol kay Amalia sa partikular na kolum ay mga pahayag mismo ni Annabelle.

Paliwanag niya, “Basically, yung article ko ay Valentine piece on Tita Annabelle and Tito Eddie, and Tita Annabelle, you know, she makes candid kuwentos, and so the part about Ms. Amalia was a direct quote.

"Nakuwento lang ni Ms. Annabelle, so it was just in passing like that.”

Subalit ang naging reklamo ni Amalia ay hindi siya hiningan ng anumang pahayag ni Bianca.

Dahil ito ang unang pagkakataong masampahan ng reklamong libelo, agad na kumonsulta si Bianca sa abugado.

Salaysay niya, “I honestly had to talk to a lawyer, kasi first time ko since I started working, to receive itong libel suit.

“So I consulted a lawyer, on the grounds of... hindi ko naintindihan, e, kung ano yung technicality nito, o gusto ko maintindihan ano yung consequence nito sa ’kin, ano ang puwede ko gawin.”

“I’D LIKE TO APOLOGIZE.” Bagamat naihain na ang reklamong libelo laban sa kanya, umaasa si Bianca na maaayos pa ito sa labas ng korte.

Aniya, "Nobody likes na may kaaway, na may masaktan, so I’m hoping na magkaayos, like Ms. Amalia, whom I’ve never had the honor of meeting.

“So if given the chance, oo naman, I’d love to [make amends].”

Kasunod nito ay humingi ng paumanhin si Bianca kay Amalia.

"I had no intention whatsoever na ilagay siya sa masamang posisyon.

“I highly respect everything she said, yung opinion niya.

“I understand where she’s coming from and hopefully maayos ’to.

“If she got hurt, or if any one got hurt, I’d like to apologize.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN