Matteo Guidicelli doesn’t mind that girlfriend Maja Salvador forgot his name in her acceptance speech as Urian Best Actress for Thelma

Matteo Guidicelli reveals that he was nervous about doing his first love scene for Precious Heart Romance Presents Isla: "Sa umpisa akala ko, okay lang, first time. I never thought it’s gonna be so challenging. Pinuntahan ko si Matt Evan, ’Bro, ang hirap pa lang mag-love scene.’ Di mo mae-explain, iba talaga ang feeling. Nahihiya ka sa partner mo tapos ang daming tao pero iba talaga ang feeling kasi it’s my first time also,


Magbibida na rin si Matteo Guidicelli at ito ay sa Precious Hearts Romances Presents Isla. Ito raw ang simula para mahilera na ang aktor sa mga hanay ng leading men ng Kapamilya network.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Matteo sa nakaraang story con ng Isla nung nakaraang Lunes sa 13th floor ng Training Hall B sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN, aminado ang aktor na hanggang ngayon ay di pa rin siya makapaniwala na siya ang napili para sa importanteng project.
“Unang-una, sobrang natutuwa ako, sobrang blessing, sobrang honored to be part of PHR Presents Isla. Never kong ine-expect na gagawa ako ng isang PHR.
"I try not to expect it kasi everything that comes to me is a blessing talaga. Nung sinabi nilang, ’Matteo, we will get you for this role,’ it was overwhelming, I’m honered talaga, ang sarap ng feeling.”
“Hanggang ngayon nga di pa rin ako makapaniwala na sa akin napunta ang role na ito kasi sobrang blessing talaga, sobrang excited ako.”
Mala-Blue Lagoon daw ang tema ng Isla, isang pelikula na pinagbidahan dati ni Brooke Shields at Christopher Atkins.
“Yah, similar to that movie. Istorya siya ng dalawang tao. They get stuck on an island.
"Ang kakaiba dito, maraming twists, may malalim na kuwento na dapat talaga nilang panoorin at abangan.”
Kapareha niya dito si Jessy Mendiola, na ayon kay Matteo ay nagpapaalala sa kanya ng dating kapareha na si Andi Eigenmann.
“Yes, I watched her before in Budoy. She’s a wonderful girl, she’s very, very pretty. She reminds me of Andi Eigenmann. I don’t know why.
"Siguro kasi mestiza sila, tapos yung pagsalita nila medyo pareho. Tapos nung nag-promo shoot kami sa dalampasigan, very, very Agua Bendita. It brouhgt back memories.”
PREPARATIONS FOR LOVE SCENES. Kilala ang PHR sa pagiging sexy at daring. Madalas ay may mga kissing scene at love scene. Siniguro sa amin ng aktor na pinaghandaan niya ito kahit nandun ang kaba sa kanya.
“I’m very prepared, I had four months to prepare for the soap. I cut down pounds... I changed my skin color, my body, everything.
"I know it’s very challenging pero handa talaga ako to take this chance kasi gusto ko.
Is he nervous about the love scenes?
“Kinakabahan siyempre. Alam mo we had a mock taping, may isang love scene kami dun.
"Sa umpisa akala ko, okay lang, first time. I never thought it’s gonna be so challenging.
"Pinuntahan ko si Matt Evan, ’Bro, ang hirap pa lang mag-love scene.’ Di mo mae-explain, iba talaga ang feeling.
"Nahihiya ka sa partner mo tapos ang daming tao pero iba talaga ang feeling kasi it’s my first time also.
"I’m very, very lucky, everybody in the Direk Lauren group, they’re very wonderful people, they’re very supportive. Yung cast nila, ang bait nilang lahat.”
NOT JEALOUS. Hindi na naman nililihim ang relasyon nila ni Maja Salvador; hindi raw kaya pagselosan ito ng girlfriend?
“Ay hindi, sobrang professional naman niya. Alam niya na ang work and real life hiwalay, alam niya yun.”
“Alam naman niya, kasi galing siya sa PHR. Alam niya kung ano ang mga gagawin ko.”
Kinumusta namin ang relasyon nila ng girlfriend. Di ba siya nagwo-worry na uso-uso ang hiwalayan ngayon ng mga showbiz couples?
“We’re good, were happy for our projects. She’s happy for my project and I’m happy for her work too. I’m trying to keep it that way, yung tahimik. I think it’s better that way.”
“Hiwalayan? hindi ako nagwo-worry kasi di natin iisipin yan. Think positive, wag nating isipin ang mga negative na mga bagay.”
DID MAJA FORGET HIM? Nanalo si Maja as Best Actress sa nakaraang Urian para sa pelikulang Thelma. Hiningan namin ng reaksyon si Matteo tungkol dito nang maka-usap namin siya sa telepono kanina.
“Sobrang tuwa ko kasi you know she really, really wanted it... I think she really deserve it.
"Nung time na yun nasa Cebu ako nun when she texted me, ’I won! I won!’ parang natulala siya.
"She told me when they called her name, she didn’t react, she couldn’t believe na tatawagin ang pangalan niya.
"I’m very, very happy for her kasi nung Thelma times, talagang na-hospital pa siya for that movie.
"... She’s very happy, hanggang ngayon palaging nagi-smile ‘yan pag nakikita niya yung trophy niya.”
Sa acceptance speech ng aktres ay hindi nito nabanggit ang pangalan ni Matteo. Marami ang nagtataka kung bakit hindi nito pinasalamatan ang boyfriend.
“No problem kasi alam kong she was so overwhelmed, so many things were going on in her head that time so naiintindihan ko yun," ani Matteo.
Isa sa relasyong natuldukan kamakailan ay yung Bianca Manalo at John Prats na mga kaibigan at dating kasamahan ni Matteo sa Happy, Yipee, Yehey. Di naman tinago ng aktor na nalulungkot siya sa nangyari sa mga kaibigan.
“I don’t know what to say, siyempre I’m sad also kasi I’m friends with both of them. It’s kinda sad kasi they went their separate ways.
"I respect their decisions, we’re still friends naman, we’re all friends, we still hang out. Di pa kami nag-uusap, both of them are wonderful people and I know magiging friends sila.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN