Edu Manzano not receptive to idea of being paired with younger actresses: “I will tell them to give it to Luis.”

Who’s the better game show host? Edu Manzano or his son Luis? “Siyempre naman, tinatanong pa ba yan?....Si Luis! Ha ha ha ha! [sabay tawa ng malakas]. Ang importante kay Luis, e, he has to challenge himself, e. Kaya lagi kong sinasabi sa kanya na he needs to read, learn and watch other shows," Edu says.


Kung ang mga nakasabayan niyang aktor ay naipapareha sa mga mas batang aktres, iba naman ang pananaw ni Edu Manzano tungkol dito.

“I will tell them to give it to Luis," ang sambit ng Game N’ Go host sa isang mini-press conference na naganap noong June 13 sa Mario’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Ang pinanggalingan ng komentong ito ay ang panayam ni Vilma Santos, ina ng kanyang panganay, kung saan tinanong ang veteran actress tungkol sa posibleng movie project nila ni Derek Ramsay.

"Puwede" ang sagot ng gobernadora nang usisain siya kung papayag ba siyang magkaroon ng kissing scene kasama ang aktor na inilarawan din niyang "yummy."

Ang mabilis na reaksiyon ni Edu, “Wow! Ah talaga?"

Dugtong ng host, "For the record ha, I would say, never never akong gagawa ng pelikulang may kissing scene with Derek Ramsay. Never! Ibahin niyo ko, ha. Ibahin niyo ko...”

Nasa plano ba niya ang gumawa ulit ng pelikula?

“The last movie, I made is Tanging Yaman... Very proud ako sa film na ’yan, e..." aniya.

At para mapapayag siyang lumabas ulit sa big screen, "Kailangan ma-capture mo interest ko, tulad nga niyang Tanging Yaman na maganda yung istorya. It has a beautiful cast, fantastically directed, and it touched many hearts.”

Paano kung ipareha siya sa younger actress gaya ni Angelica Panganiban?

“I’m sorry, ilang beses na ako nakagawa ng pelikula with Angelica Panganiban na kung saan anak ko siya, so, hindi na maganda.

Nagkomento rin si Edu tungkol sa mga anak niya.

“I wanna spend [more time with] my children. Ang dami kong sinasabing I bring acts of love, [but] I let too many years pass, kung saan ay binigyan ko ng priority ang trabaho.

"Kumita [ako] ng pera… but I did not spend enough time with my children. Kaya ngayon, any time I have I spend it with Stephanie.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


NO TO POLITICS. May balak pa ba siyang tumakbo sa susunod na eleksiyon?

“I did this morning sa UP, bago ako pumunta rito [sabay tawa!]

"Joke lang, kasi I run talaga every day now. About public service, I think, I proved myself already.

"At this point, I will still do the same thing—extend public service [but] as a private citizen na lang muna siguro.”

ON SON, LUIS. Tila nagbago din ang tono ng anak niyang si Luis Manzano sa pagpasok sa politika. Nakapag-usap na ba sila tungkol dito?

“Nag-uusap kami madalas, pero ang sinabi ko sa kanya, ’Ako ay naging public servant. I don’t believe in serving two masters.’"

Binigyan ba niya ng advice si Luis sa lovelife nito? Girlfriend ni Luis si Jennylyn Mercado.

“I never give advice unless I’m asked. Saka, bakit mo pakikialaman yung isang bagay na kung alam mo namang okay sila, di ba? I think they should be allowed to enjoy themselves.”

As a father, nakikialam ba siya sa lovelife ng anak niya?

“If [I] see something wrong, saka ako magbigay ng unsolicited advice.

"You know, sometimes, you allow things to happen naturally, hindi mo kailangan impose yung sarili mo, e.

Humihingi ba ng advice si Luis sa kanya bilang game show host?

“No! I think in born kay Luis ang pagiging magaling na host. Of course, lahat tayo may learning experiences.

"Ngayon, habang tumatagal, mas marami kang experience. Experience is still the best teacher.

"Saka Luis is comfortable. Hindi ganun kadali yung hosting pag di ka maka-connect sa kausap mo, babagsak yung buong eksena.”

BETTER HOST. Sino sa palagay niya ang mas magaling na host—si Luis o siya?

“Siyempre naman, tinatanong pa ba yan?....Si Luis! Ha ha ha ha! [sabay tawa ng malakas].

"Ang importante kay Luis, e, he has to challenge himself, e. Kaya lagi kong sinasabi sa kanya na he needs to read, learn and watch other shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May ibang ugali tayo na dumarating ilang minutes lang before the show. Hindi sila handa.

"Tapos kung ano yung tinatanong, yun din nang yun ang tanong. Paulit-ulit, minsan nakaka-boring na rin ang mga talk show natin, e. Kaya research is very important.”

Posible bang mag-guest siya sa show ni Luis and vice versa?

“No, actually, very hard. Kasi ang patakaran dito sa ating bansa, pag nasa isang network ka na, di ka na iimbitahan sa kabila e.

"Nung birthday nga lang ni Luis e, pwede naman sana ako pumunta dun personally to greet my son, pero wala e, pinasulat lang nila ako ng message for Luis e, di ba?

"What we are talking about bilang mag-ama ay sana magkaroon kami ng project together.”

GREATEST ACHIEVEMENT. Ano sa palagay niya ang greatest achievement niya bilang ama?

“You will find out kung ano yung greatest achievement mo as a father pag laki na nila and they start leading their own personal lives.

"Makikita mo kung ano yung mga influences mo sa kanila, how they handle their own family. Dun ko lang masasabi na na-achieve ko na ang greatest achievement ko as a father.”

Ano ang mao-offer ng bagong game show niya na Game ‘N Go?

“Fun! The idea there is just fun!”

Anong difference nito sa ibang game shows?

“Walang namang masyadong pinagkaiba sa ibang game shows.

"Dito we will try our best... na maiba naman sa usual game show. We will make sure it’s more funny.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN