Eric Quizon on Dolphy’s condition: "His vital organs are all in order and he is responding to treatment very well. However, he is under close observation... to make sure that he recovers well."

Eric Quizon confirms visitors are not allowed inside Dolphy’s room: “Right now, pinagbabawal ng doktor na bisitahin siya. Puwede siyang silipin sa window [ng ICU], pero bawal siyang puntahan kasi nga ang problema is madali siyang kapitan ng virus."


Sa ulat ng StarTalk TX kanina, June 16, Sabado…

The family of Mang Dolphy reassured the public that the Comedy King’s condition is closely being monitored in an undisclosed hospital.

In his most recent tweet, Eric Quizon disclosed…

“My dad was sent to the hospital last Saturday because of his pneumonia.”

Ang dahilan umano ng panghihina ng kanilang ama ay sanhi ng COPD o Chronic Obstructive Pulmonary Disease.

Kinailangan na kabitan si Mang Dolphy ng respirator upang makahinga.

Eric added…

“Currently, his vital organs are all in order and he is responding to treatment very well. However, he is under close observation and round-the-clock intensive care to make sure that he recovers well.

“Thank you for your love and prayers, maraming salamat from the bottom of our hearts.”

Matapos ang report na ito ay live na nakausap ng StarTalk TX hosts si Eric via phone patch na kasalukuyang nasa Hong Kong.

Si Eric ang ina–update ng doktor tungkol sa kalagayan ng kanyang ama.

DIFFICULTY BREATHING. “He was checked in last Saturday, so bale isang linggo na ngayon.

"Because he was having difficulty breathing at the same time during that time he has a slight pneumonia so… with his condition kasi dapat the slightest pneumonia or yung nahihirapang paghinga, dinadala agad siya sa ospital, apart from his regular check-ups, and then iyon, for the longest time he was having difficulty breathing.

“Tapos hanggang mga Tuesday and then at the same time we had a little bit of a scare because he was having difficulty… nahihirapan siyang mag-poo-poo at nahihirapan rin siyang mag- wee-wee so his other organs are also affected.

“So what happened was… sa sobrang hirap niyang… kumbaga nahihirapan talaga siyang huminga, yung carbon dioxide level niya tumaas, umabot sa 81 percent and that is really high… ang normal para sa kanya dapat nasa 40 lang, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ang nangyari was, naiiwan yung carboin dioxide sa kanyang katawan so naging unconscious siya so we were like trying to put him back to the normal range since he’s unconscious... so ang ginawa ng mga doktor they had to respirate him.

“Iyon na nga yung kinakatakot ng family kasi pagka ni-respirate siya medyo delikado yun so…

GOOD NEWS. "But after Tuesday, nung Wednesday na it came to a point na… he became better all of a sudden. Naka-release na siya both urine and fecal, so at the same time kumbaga parang naginhawahan siya.

“All of a sudden his vital signs are up, his organs are starting to function again.

“It’s actually very good news! As of today, they are thinking of removing or lowering the oscillator and binabawasan na lahat ng binibigay na gamot sa kanya.

“He’s responding to treatment at sa lahat ng mga gamot na binibigay sa kanya, so it’s really positive news for the family.

“So ang inaantay na lang namin nga is, the doctors are going to try na if he is going to respond well, they will remove the respirator.

“So if he responds well, he is going back to his normal state na nakaka-breathe na siya sa regular oxygen.

“Ang pinakaimportante talaga is sana…. yung bypass is a machine that lowers the carbon dioxide level of the body.

"So ine-expect talaga namin is pag ginawa sa kanya yung bypass, yung machine na yun na nagpapababa ng carbon dioxide, if he responds well to that, then he’s gonna be okay.”

NO VISITORS. May mga balitang bawal dalawin ang ama niya…

“As of now… kasi nagkaroon siya ng parang… they’re worried kasi ang daming tinusok sa kanya na IV so nagkaroon siya ng infection sa kamay.

“Kasi may pumupunta, hinahawakan siya sa kamay, hinahawakan siya sa ano, so right now pinagbabawal muna ng doktor na may dumalaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puwedeng dumalaw, masisilip siya kasi right now he’s in the ICU. Kumbaga masasabi nating his vitals are improving or he’s normalizing... Yung difficulty niya sa paghinga, it still requires immediate attention.

“So kailangan talaga round-the-clock observation, yung talagang inoobserbahan siya.

“So right now, pinagbabawal ng doktor na bisitahin siya. Puwede siyang silipin sa window, pero bawal siyang puntahan kasi nga ang problema is madali siyang kapitan ng virus.

"Ngayon kasi siyempre mahina na yung kanyang immune system, that’s why iyon ang pinapaano ng doktor, na pinagagaling muna siya, pinapalakas yung kanyang immune system and yung mga sugat niya sa kamay.

“Na because nga dun sa mga tusok ng IV, iyon ang gustong maano ng doctor, pinagagaling muna yun.”

TAKING TURNS. Sino ang nagbabantay ngayon kay mang Dolphy?

“Nagpapalitan kaming magkakapatid. Like right now, I’m just in Hong Kong because I have to file for a leave of absence from my work here.

"Tapos… si Zsa Zsa [Padilla] ang talagang nandodoon and then yung mga kapatid ko nagpapalitan, palitan din sila, nagpapalit-palitan kami actually.”

Ano ang reaksyon ng pamilya niya sa mga malisyosong tsismis na masama na ang nangyari sa daddy niya?

“Well di ba maraming beses na parati siyang natsitsismis na patay na siya, yung mga ganyan.

"Knock on wood. I think siguro yung mga yun lalong pinapahaba ang buhay niya, e.

LOVE AND PRAYERS. “Aside from… I think talagang maraming nagmamahal sa kanya at nagdadasal para sa kanya and I think that really helps, that really helps a lot.”

Ang mensahe ni Eric sa daddy niya ngayong Father’s Day…

“My message for my dad? Well for tomorrow, ang family namin will have a sort of… meron kaming konting celebration or whatever you can call it, just to celebrate Father’s Day with him.

"Si Zia, tsaka yung [ibang] kapatid ko gumawa sila ng mga balloons at placards na ’Happy Father’s Day.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So… well ang sa akin lang, not just to my father I think, but to all the fathers out there, I wish you the best of health.

"Of course para sa daddy ko, of course we want to be with him longer at gagawin namin ang lahat na puwede naming magawa para makasama namin siya.

“At well, ako, at this point gusto ko lang talagang magpasalamat sa lahat ng mga nurses and doctors who’ve been really there for my dad, they’ve been…. Makati Medical has been… they’re doing their best to take care of my dad and sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya, maraming-maraming salamat sa inyong lahat.

“Sa inyong mga dasal at sa inyong pagmamahal and I’m sure alam ni daddy, alam niya na maraming nagpapadala ng kanilang mga prayers at kanilang pagmamahal and I think that’s the one that makes him strong.

“And like I said, I just wish that makasama pa nating lahat yung daddy ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN