PEP EXCLUSIVE. Amalia Fuentes says she “appreciates” Bianca Gonzalez’s apology; reveals she’s filing another case against Annabelle Rama

Amalia Fuentes (left) says she “appreciates” Bianca Gonzalez’s (right) apology. However, “it doesn’t mean that she’s already off the hook because hindi matutuloy ‘yong one count na ‘yon ng libel without involving her only because, only because, ha… first of all she wrote something that is irresponsible journalism."


Na-appreciate daw ni Amalia Fuentes ang paghingi ng tawad ni Bianca Gonzalez sa kanya.

Matatandaan na humingi ng tawad si Bianca ang dating movie queen, matapos nitong magsampa ng libel complaint laban sa kanya noong Hunyo 13, sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Ani Bianca, “I had no intention whatsoever na ilagay siya sa masamang posisyon.

“I highly respect everything she said, yung opinion niya.

“I understand where she’s coming from and hopefully maayos ’to.

“If she got hurt, or if any one got hurt, I’d like to apologize.”

(CLICK HERE for related article.)

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono si Amalia ngayong gabi, Hunyo 16, at aming tinanong ang kanyang reaksyon sa paghingi ng tawad ni Bianca.

“I appreciate na [nag]-apologize siya,” malumanay na sagot ng former Movie Queen.

“But still, it doesn’t mean that she’s already off the hook because hindi matutuloy ‘yong one count na ‘yon ng libel without involving her only because, only because, ha… first of all, she wrote something that is irresponsible journalism, sumusulat pa naman siya sa isang broadsheet na hindi naman tabloid ang pinagsulatan niya.

“E, dapat she should be more responsible than the usual... dahil hindi naman niya ako kilala and I’ve been out of the limelight for so long.

“I felt demeaned na isusulat niya ‘yong ako sinagawan ni Annabelle Rama..."

Ang tinutukoy dito ni Amalia ay ang artikulong “Love, Laughter & Intrigues with Eddie & Annabelle,” na lumabas February 12, 2012, sa column ni Bianca "10 Things You Should Know About" sa Philippine Star.

’IT NEVER HAPPENED.’ Nilinaw ni Amalia: “Number one, that incident—paki highlight mo nga—that incident never happened.

“Everything that Bianca wrote is not true, it is a big lie.

“Do you think an Amalia Fuentes will accept ‘yong mura ni Annabelle Rama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, everything that Bianca wrote on that Valentine issue kuno is not true.

“Ngayon, she should have been more discerning about her subject—kung talaga bang nagsasabi siya ng katotohanan or if that’s just for media mileage?”

Dagdag pa niya, “Matagal na itong article na ito. Itinabi ko lang sa isang tabi because I did not enjoy... reading about this.

“So, inilagay ko lang doon. Mabuti hindi naitapon ng mga maid iyon, like an old newspaper, di ba?

“Mabuti at nakita ko ‘yan, naihabol ko ‘yan.”

Ngunit, kung mayroon man daw higit na naapektuhan sa mga naglalabasang isyu na ito, iyon ay walang iba kundi ang kanyang pamilya.

Sabi ni Amalia, “But Bianca is so scared to say na, ‘I’m sorry na nasaktan ko ang kanyang mga kapamilya,’ mga apo ko ang nasaktan niya.

“Let her know this, pamilya ko, si Liezl nasaktan, pati apo ko because parang immoral ang kanilang grandmother na at this late stage of my life in-involve pa niya [Annabelle] ako kay Eddie Gutierrez.

“Wala naman kaming love team ni Eddie Gutierrez, ang love team ko si Romeo Vasquez. Bakit ako ang in-involve ni Annabelle Rama sa asawa niya?”

SHE SHOULD HAVE KNOWN BETTER. Katulad daw si Bianca ng ibang kolumnista na kinasuhan niya, na umano’y nadamay lamang dahil sa paglalathala nila ng mga “demeaning” na pahayag tungkol sa kanya.

Hindi naman daw niya pinepersonal si Bianca, katunayan ay “naaawa” pa nga raw siya dito.

“I have nothing against her. As a matter of fact I have never met her. I used to watch her kapag nagho-host.

“Ngayon, sabihin mo, hindi porke’t in-interview mo, may sinabing gano’n ka-libelous, e, isusulat mo na?

“Hindi naman lahat ng sinasabi ng interviewee... kailangan kayong mga press mayro’n din kayong discernment na, ‘Magagawa ba ‘to ni Annabelle kay Amalia Fuentes noon?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I want Bianca to know better—that I’m not a pushover, Bianca.

“I am intelligent. Like you, I studied in the States for six years.

"I will debate with you on any topic because ang balita ko sa kanya, masyado siyang mayabang, na magaling siya, na matalino siya—I will debate with her with on any topic, in any forum.”

THREE POINTERS. Kaya naman sa pagsasampa niya ng reklamo kay Bianca, mayroon itong tatlong paalala para sa host-columnist:

“Please, make sure who you are naming names in your article.

“If you don’t want any more libel suits, please mag-ano siya sa tao, if she wanted to name me, she should have called me first. Because number one, it is a lie, a big lie.

“Everything that she wrote there is a big lie.

“Number two, I don’t want to be in any way, involved with Eddie Gutierrez.

“If she wants, involve niya si Pilita [Corales], dahil si Pilita wala siyang magagawa, tatanggapin niya ‘yon dahil may anak siya kay Eddie, o si Liza Lorena.

“But to involve me? Why me? Siguro kasi gusto ni Annabelle ‘yong mas sikat kay Pilita at kay Liza Lorena, kaya ako ang napili niya.

“Pangatlo, dapat nagtanong-tanong muna si Bianca, ‘Sino ba itong Amalia Fuentes na ito na isusulat ko ang pangalan? Ito ba talaga ay na-involve kay Eddie?’

“Kasi ‘yon lang naman ang masama, nilagay niya pa ‘yong complete name ko...

“There’s no such incident; that is a big lie because nobody—not even Annabelle Rama—can do that to me.”

NO TO RECONCILATION? Ang pagkakademanda kay Bianca ay umano’y nag-ugat dahil sa artikulong isinulat niya tungkol kina Annabelle Rama at asawa nitong si Eddie Gutierrez.

Naging matunog ang gulo sa pagitan nina Annabelle at Amalia nang pumunta ang talent manager sa burol ng asawa ng former Movie Queen na si Joey Stevens nuong Abril na nakasuot umano ng “red” na blouse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE for related article)

“Noon dapat ‘yon,” sagot ng tinaguriang Elizabeth Taylor ng Pilipinas, nang tanungin kung maaari pa kayang magkabati sila ni Annabelle.

“Noong time na ‘yon na nasa telepono ako, na hindi ako [kinausap] ni Eddie.

“‘Tapos instead, pinasa pa niya kay Annabelle Rama, when Annabelle heard my name, ‘Oh, sino ‘to?’ sabi niya, ‘Si Amalia,’ sinarado niya ang telepono.

“Pero according to her, kaya daw siya nagtu-tweet kasi minura-mura ko daw siya, paano ko siya mumurahin, e, sinarado niya agad ang telepono?

“Alam niyang may kasalanan silang dalawa ni Eddie, for allowing that article to come out and not correcting it.

“All I wanted was to talk to Eddie para maayos na.

“E, ito ngang article ni Bianca which appeared February 12 in Philippine Star. This article appeared in Philippine Star, but I did not act on it kasi first time pa lang naman ito, sabi ko baka nagkamali lang si Annabelle kung bakit ako na-mention, gano’n.

“Hinahanap ko si Eddie, ‘yong phone number, but hindi ako sinasagot ni Eddie.

"I think Eddie already knew, na after February 12, tumatawag ako sa kanya. Alam na niya siguro na ‘yon ang magiging complaint ko kay Eddie, kaya hindi niya sinasagot.

“So finally, nakita nga sila ni Gloria Diaz doon sa restaurant.

"Sabi ni Gloria, ‘Hey, you know, they’re ganyan, ganyan,’ sabi ko, ‘Bigay mo ang telepono kay Eddie.’

“Si Eddie, nang malaman niya na ako, ‘Annabelle, can you talk?’ Ginano’n lang ni Eddie, parang nabastusan ako kay Eddie.

"Dapat do’n, siya ang gusto kong kausapin, kausapin niya muna ako.”

Ang naging kilos daw na ito ni Eddie ang naging dahilan para isipin niya na, “He doesn’t want to do anything about this issue between me and his wife.

“Parang, ‘Pabayaan mo na. Bahala kayo diyan,’ parang gano’n, ‘tapos pinasa niya ng gano’n ang telepono.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Wag niya ipasa kay Annabelle, dahil si Annabelle is, and was, never my friend.”

ONE MORE CASE. Bago magtapos ang usapan, aming tinanong kung may iba pa ba siyang reklamo na isasampa laban kay Annabelle.

Ang maikling tugon nito’y, “Yes, mayro’n pa, darling.”

Gayunman, hindi pa niya muna sinabi kung ano pa ang reklamong isasampa niya laban sa talent manager.

Bukas ang PEP sa paglalathala ng reaksyon mula sa mga taong kasangkot sa naturang isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN