PEP FORUM: Celebrities recall best memories of dad

(Top, L-R) Jolina Magdangal, Elmo Magalona, Julie Anne San Jose, and Janine Gutierrez; (below, L-R) Mike Tan, Derek Ramsay, Carla Abellana, and Alden Richards share sweet moments with their fathers.


Kung tutuusin, wala naman talagang isang araw lamang o partikular na araw para masabing yun lang ang araw na dapat nating ipagdiwang o bigyang halaga ang tinatawag na padre de familia.

Ngayong Linggo ang tinatawag na Father’s Day.

Pero siyempre pa, araw-araw naman talaga, nandoon ang pagpapahalaga at pagmamahal dapat ng anak sa kanyang mga magulang.

Bida nga ngayong araw na ito si Tatay, Daddy, Dada, Papa, Pops o kahit anumang paraan ng pagtawag natin sa ating ama.

Kaya naman dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tinanong namin ang ilan sa mga artista kung ano ang pinaka-best memory nila ng kanilang Tatay.

ALDEN RICHARDS. Ang dad ko, sa lahat ng ginawa ko, very supportive. Basta alam niya na nasa tama ang ginagawa ko, hindi niya ko pinipigilan. "Basta anak, ingat ka lang palagi." Like sa showbiz po, binibigyan niya ako ng mga advice na hindi magiging madali. Maraming magiging sacrifices na gagawin mo.

Sa mga simpleng bagay na yun, kahit ganoon ka-simple, big deal na sa akin yun just to know na supportive ang father ko in everything that I do. Kuntento na ko ro’n at palagi lang siyang nandiyan. Minsan kapag wala akong driver, nag-a-absent sa trabaho, yung effort na lang na yun. Sobrang mahal ko ang daddy ko. Sobra.

JACKIE RICE. Noong sinabi niya sa akin na proud siya sa akin. Kasi, yun ang achievement ng isang anak na marinig mo yun sa ama mo.

CARLA ABELLANA. Kapag nagpupunta kami sa Bulacan noon. Nagpi-fishing kami... Tapos, palagi niya kaming pinapakain ng mga lamb chops, yun ang forever ko na iche-cherish. Siguro grade school ako noon hanggang high school.

JOLINA MAGDANGAL. Siguro noong elementary ako, binubuhat niya akong pababa kasi, ayokong gumising. So, ang gagawin niya, bubuhatin niya ako at iuupo niya ako roon kahit doon ako natutulog tapos, itinatayo niya yung ulo ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuwang-tuwa ako kapag ginagawa niya yun. Minsan, niloloko ko na lang siya na nagtutulog-tulugan ako o kaya minsan, gising na gising ako pero pagpasok ko ng banyo, doon ako sa toilet natutulog. Tapos, nagugulat ako na nahuhuli niya pa rin ako. Yun ang [memory na] babalik-balikan ko palagi.

JULIE ANNE SAN JOSE. Si Papa siguro ang pinaka-best para sa akin. Of course, spending time with each other, everytime na lalabas kami, bonding. At yung tinuruan niya akong mag-piano. Sabi nga ni Mama, parang "ouido" nga lang siya. Siguro sa kanya ko namana yung pagpi-piano [na] playing by ear.

Siya rin ang nagturo sa akin na mag-guitar. Ang dami niyang itinuro sa akin na ang ganda at alam ko na para sa ikabubuti ko yun.

ROCHELLE PANGILINAN. Bago mamatay ang daddy ko, madalas ko siyang ipasyal sa Tagaytay. Tapos natatandaan ko noong bata ako, ipinagtitimpla ko siya ng kape. At saka, sabay kami kung mag-miryenda. Nakaka-miss.

GLAIZA DE CASTRO. Hindi ko makakalimutan yung mga simpleng kuwentuhan namin. Hindi kasi talaga madalas mangyari yun. Pero every time na nagaganap yun, sobrang saya. ’Tapos minsan, may impromptu jam kami. Ang sarap ng feeling na makasama mo siya sa mga ganoon.

DEREK RAMSAY. The best memory about my dad is that, he loves us—his kids—equally.

NIKKI VALDEZ. The best memory about daddy was when he would attach our mini-salbabidas to his then bring us to the middle of the beach so we could go swimming. He wouldn’t mind his cramps as long as we enjoyed every moment at the beach.

MARC SOLIS. My dad taught me how to drive. He taught me everything from basic to advance stuff. We used to drive around the park and [go] out-of-town so we could practice. I’m the one driving for him now whenever I get the chance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KRISTOFER MARTIN. Noong tinuruan niya akong mag-drive. Ang sarap lang ng bonding namin. In terms of trust, sobrang tiwala niya sa akin kasi, pina-drive niya ako agad sa SCTEx (Subic-Clark-Tarlac Expressway) hanggang sa bahay. It’s a unique father-and-son bonding.”

BARON GEISLER. My best memory about my dad is my dad being a great provider and bringing us love, laughter and inspiration. I miss him being funny. He is such a prankster. I miss my dad.

LJ REYES. When I was really, really down, he would take me for a very nice vacation. No questions asked.

CHYNNA ORTALEZA. Best memory? Naku, marami ha. Pero siguro, pinaka-gusto ko yung times na nakakausap niya akong mabuti about life. He knows when I feel really down and he sits down and talks to me and gives me the best advice.

I know his lessons by heart.

GEOFF EIGENMANN. Yung bonding namin when we were younger. Noong nagpi-frisbee [pa kami]. Sports and movies. Yung mga time na ganoon. Best memory? Wala e. They are all cool. Not one really stands out. More on bonding moments lang.

IWA MOTO. Hindi siya memory, it’s more like, kinuwento sa akin ng mom ko. Mula pagkabata ko, daddy ko ang nag-aalaga sa akin. Hanggang three years old ako. Kapag naglalakad ang daddy ko, palagi akong nasa shoulder niya. Nakapatong ako sa kanya.

Hanggang sa lumaki ako, bumalik siya after nine years na nawala siya. Ang una niyang ginawa sa akin, pinatong niya ako sa balikat niya. E, 12 years old na ko noon, ang laki ko na.

EDGAR ALLAN GUZMAN. Mahilig kami sa PBA, Ginebra. So, hindi ko makakalimutan... yung time na nanood kami sa Ultra. Siguro po, 2001 yun. E, ano yun, sobrang wala kaming pera. Pero, nanood pa rin kami. Bumili siya ng tickets talaga.

Tapos ang pagkain namin, bumili siya sa Jollibee ng peach mango pie. E, hindi ako kumakain no’n. Sabi ko sa kanya, ’Dy, ayoko niyan.’ Tapos sabi niya, ’Kainin mo. Pagdating mo do’n, hindi na tayo kakain. Busog na tayo.’ Pero, hindi ko kinain. E, nagutom ako, nakita ko hotdog. Kaso, sakto na lang ang pera. Gutom na rin siya, pero, ako lang ang binili niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After no’n, wala ng pamasahe. Naglakad na lang kami from Ultra hanggang Pasig. Para sa akin, kung buhay lang siya ngayon, ako naman ang gagawa sa kanya no’n. Kung ngayon, pupunta kami ro’n, naka-kotse siya.

LOUISE DELOS REYES. Marami po e, kasi, siya ang unang-unang nagturo sa akin na mag-bike. Siya rin ang nagturo sa akin na mag-swimming. Marami siyang naituro sa akin. Tapos, siya rin ang nagturo sa akin na mag-drive.

Ang daddy ko rin ang nagluluto ng breakfast. Pagka-gising ko, may breakfast na agad. Parang inaasahan namin na ‘pag umaga, meron na agad breakfast. Nakakakuha na siya ng pandesal. At saka, sobrang ano siya sa akin, kunwari meron akong gustong bilhin at ayaw ni Mommy, bibilhin niya sa akin.

Naaalala ko pa noong sa Port Area siya nagta-trabaho, gabi-gabi, meron siyang dalang Dunkin’ Donuts sa akin.

ALJUR ABRENICA. Si daddy kasi, ever since, siya na ang naging role model ko sa buhay. Buong career ko sa buhay, si daddy na yung naging inspirasyon ko para mag-trabaho nang husto. Yun ang isa sa pinagpapa-salamat ko sa tatay ko, kung paano niya ko pinalaki.

Maayos niya akong dinisiplina. Maayos niya akong inalagaan. Ang hindi ko makakalimutan sa kanya, palagi siyang nandiyan para sa ‘yo. Yung makukulitan ka na. Maiirita ka na sa kanya. Pero sa bandang huli, maiintindihan mo siya dahil ang iniisip niya lang, ang kapakanan mo at kinabukasan mo.

Siya rin ang mentor ko at nagpapa-realize sa akin na ang lahat ng bagay sa mundo ay hindi permanente.

MELAI CANTIVEROS. Yung best memory ko sa tatay ko yung after niya akong disiplinahin, ipagluluto na niya ako ng pagkain. Parang bumabawi. Pero, yun ang best memory ko. At saka, yung Papa ko, masarap magluto. Kapag umuuwi ako ro’n, palagi niya akong ipinagluluto.

Nami-miss ko rin siya, saka ang mama ko dahil nandoon sila sa Gensan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MIKE TAN. Para sa akin, ang naalala ko talagang pinaka-maganda, bago pa ako lumaki, he’s a very good provider. Yun talaga ang inaalala ko. Siyempre, nagkahiwalay rin ang parents ko. Pero yun ang pinaka-inaalala ko.

Basta para sa akin, ang palagi kong naalala kung ano ang magagandang nagawa ng tatay ko, hindi yung pangit. Palagi akong ganoong mag-isip.

ELMO MAGALONA. Ako kasi, every time na naiisip ko si Papa, palagi kong naiisip ang pagiging makulit niya at saka pagiging one of the kids ng family. Mas nakaka-vibes niya kami kesa kay Mama. Ngayong Father’s Day, inaalala ko ang pagiging tatay niya sa amin.

At the same time, talagang very supportive sa amin at inaalagaan talaga kami. Every Sunday, ilalabas niya kami. Kakain sa restaurant. Manonood ng sine. Bonding kami ng family. Yun ang nami-miss ko sa kanya, yung pagiging leader niya ng pamilya.

JANINE GUTIERREZ. Marami…si Papa po kasi makulit. Parang bata na tumatakbo sa bahay, naka-boxers lang. Tapos magre-wrestling-wrestling, manggugulat, aakyat sa bintana. May pagka-kulit talaga. At saka, dati po kasi, nangangarera siya.

So, every weekend, nasa Subic kami. Sobrang favorite ko siyang pinapanood.

ALESSANDRA DE ROSSI. Walang best-best memory talaga. Pero kung paano niya mahalin ang nanay ko, every day yun, that’s the best. Kapag bumababa ang mommy ko ng hagdan, pagkagising, sasabihin niya, "Nenita, ang ganda mo.’ Kapag nagluluto, "Ang ganda mo."

"Ang ganda nito, pero, wala ng gaganda pa sa ‘yo." Binubuhat niya ang mommy ko. At palagi niyang sinasabi sa akin na, "Hindi kita mahal dahil anak kita. Mahal kita dahil anak ka ng nanay mo. Kung anak kita sa ibang babae, hindi kita ganoon kamahal."

Tapos, sasabihin niya sa akin, "Hirap [kang] maghanap ng lalaki." Malamang!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN