Daniel Matsunaga denies ex-girlfriend Heart Evangelista is reason why he left GMA-7 and moved to TV5

Daniel Matsunaga on rumors linking Heart Evangelista to Senator Chiz Escudero: "I have nothing to say kasi buhay yun ni Heart. So, siya na ang mag-decide kung ano ang gusto niya. So, masaya ako para sa kanya. Kung masaya siya, masaya rin ako, di ba? So, walang problema. We end up as friends."


Certified Kapatid na ang dating Kapuso na si Daniel Matsunaga.

Kaagad isinabak ang Brapanese model-actor sa bagong Sunday noontime show ng TV5, ang Game ‘N Go, na nag-pilot telecast nang live kahapon, June 17, sa Delta Studios sa Quezon Avenue, Quezon City.

Si Daniel along with Monica Sta. Maria, Century Tuna Superbods 2012 winner, ang mga bagong dagdag sa nauna nang ipinakilalang mga host ng show na sina Joey de Leon, Edu Manzano, Arnell Ignacio, Gelli de Belen, at Shalani Soledad-Romulo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daniel pagkatapos ng Game ‘N Go.

Kaagad namin siyang tinanong kung kumusta naman ang naging experience niya sa first day ng show nila lalo na ngayong isa na siyang Kapatid?

Sagot ni Daniel, “It was amazing, super excited and super masaya. Kasi I wasn’t expecting to have a show like this.

“Kasi yung dating shows dati sa akin [sa GMA-7] drama lahat, di ba? Yung show dito, very different and for me, it’s amazing experience.

“So, sobrang masaya ako ngayon,” sabi ng Brazilian Japanese hunk na pinipilit mag-Tagalog kahit biro niya ay nagno-nosebleed na siya.

Malaking honor daw sa kanya na makasama ang mga batikang hosts, lalo na sina Joey at Edu.

“I’m very honored to be in this show kasi, di ba, si Edu, si Joey, magaling sila, e. It’s a huge experience to work with them and to learn with them.

“So, for me, ito yung pinakamagandang experience sa buhay ko ngayon.”

THE TRANSFER. Bakit niya naisipang lumipat sa TV5 mula sa GMA-7?

Sabi ni Daniel, “Of course, yung mga work sa akin, yung mga trabaho. Gusto kong ma-experience yung different networks, di ba?

"At saka ibinigay nila sa akin yung malaking opportunity sa aking buhay.

“Meron akong dalawang shows ngayon—itong Game ‘N Go ‘tapos kasama rin ako sa Third Eye with Ms. Lorna Tolentino. Horror yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natapos ba ang kontrata niya sa GMA-7?

“Oo, tapos na,” tugon niya.

Hindi ba nagkaroon ng counter-offer ang GMA-7 sa kanya o ni-renew ang kontrata niya?

“Hindi ko alam. Kasi yung manager ko, si Jonas [Gaffud ng Mercator Model Management Inc.] na ang bahala.”

ARNELL IGNACIO. Biniro naman ng PEP si Daniel na sa lahat ng co-hosts niya sa Game ‘N Go, tila ang nagiging close talaga sa kanya ngayon ay si Arnell Ignacio.

Biruan nga ng mga press na nanood ng pilot episode, hindi kaya ni-request ni Arnell na silang dalawa ni Daniel ang magkasama sa dressing room?

Kapansin-pansin kasi na ang ibang hosts ay may sariling mga dressing room. Sila lang yung magkasama.

At sa pintuan naman ng dressing room nila ay nakalagay ang mga pangalan nila, pero may naka-drawing na puso sa pagitan ng mga pangalan kaya kung babasahin ito ay “Arnell Ignacio loves Daniel Matsunaga.”

Ano ang masasabi ni Daniel dito?

Tumawa muna nang malakas ang actor-TV host bago siya sumagot, “Hindi ko alam, e. Pero ano, super nakakatawa siya.”

Okay lang ba sa kanya na ma-link kay Arnell?

“Link? Okay lang naman. Kasi alam ko na walang problema.

“Friends naman kami at saka biro-biro lang naman, di ba? Professional kami, e.”

Ano naman ang reaksiyon niya sa sinabi ni Joey na tila “nilapastangan” o na-harass siya ni Arnell sa isang game nila sa show kung saan niyakap siya ng co-host niya?

“Okay lang naman. Masaya naman yung game. I didn’t feel harassed naman.”

Sa gitna ng usapan ay biglang pumasok si Arnell sa dressing room at nagkomento ng, “O, ako na naman ang pinag-uusapan n’yo, ha! Siya nga itong naglagay ng puso sa labas e.”

Sabi naman ni Daniel, “Oo nga, may puso sa labas.”

So, ibig sabihin ang puso niya ngayon ay para kay Arnell?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo!” birong sagot naman ni Daniel na ikinatuwa ni Arnell.

HEART EVANGELISTA. Samantala, hindi rin pinaligtas ng PEP si Daniel na matanong tungkol sa ex-girlfriend niyang si Heart Evangelista.

Diumano ayaw na raw niyang makita at makasama si Heart sa GMA-7 kaya nagpasya siyang lumipat sa TV5. Ano ang masasabi niya rito?

“Hindi. Kasi ano… friends kami, e. So, walang ganung isyu.

“No problem. Walang problema.”

Biru-biruan na ayaw na raw niya ng Ka-Heart o Kapuso dahil Kapatid na siya ngayon.

“Oo, Kapatid na ako ngayon!” natatawang sabi ni Daniel.

May komunikasyon pa ba sila ni Heart?

“Oo, minsan. I mean, text yung ganun.”

Naka-move on na ba siya sa breakup nila?

“Oo naman.”

Sa ngayon daw ay ayaw muna ni Daniel na bigyan ng atensiyon ang lovelife. Gusto muna niya kasing mag-focus sa kanyang trabaho lalo na at kalilipat niya lang ng network.

“Ngayon meron ako nung mga workshops. So, may focus ako sa trabaho.

“So, I’m not really looking for romance, di ba, yung ganun.

May workshop ako ng hosting, acting, Tagalog, singing, and even guitar lessons.”

Ano naman ang komento ni Daniel sa isyu na nali-link sa Heart sa mga pulitiko katulad ni Senator Chiz Escudero?

“Well, narinig ko yung tsismis. Pero hindi ko alam kung totoo o hindi.

“I have nothing to say kasi buhay yun ni Heart. So, siya na ang mag-decide kung ano ang gusto niya.

“So, masaya ako para sa kanya. Kung masaya siya, masaya rin ako, di ba?

“So, walang problema. We end up as friends,” saad ni Daniel.

GLAIZA DE CASTRO. Nilinaw rin ni Daniel ang isyu ng pagkaka-link niya kay Glaiza de Castro.

Marami kasi ang nag-aakalang si Glaiza na ang ipinalit ni Daniel kay Heart dahil madalas umano niyang tinu-tweet si Glaiza.

Paliwanag ni Daniel, “Yung kay Glaiza nagtrabaho kami dati, di ba, sa Grazilda?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yung tweet ko sa kanya, sabi ko, ‘Hey Grazilda, kumusta ka na? Long time no see. God bless.’

“Ganun lang. Wala namang sweet doon, di ba?”

Pero wala siyang gusto sa aktres?

“Kaibigan lang kami ni Glaiza. We became good friends sa Grazilda. Yun lang talaga.

“Maganda si Glaiza, of course, at saka mabait. Pero friends lang talaga kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN