Part 1. Eugene Domingo still gets nervous when her film opens; likes the idea of doing Part 3 of Kimmy Dora

Eugene Domingo on box-office success of Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme: “Napatunayan namin na we really trust this project and we had fun doing it. Siguro ganun ang nararamdaman ng audience habang nanonood, na ‘Masaya sila, o!’ Na bukod sa pinaghirapan, we really enjoyed doing it.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mahusay na aktres na si Eugene Domingo sa block screening ng Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme na ginanap sa Newport Cinema 2 ng Resorts World Manila, kagabi, June 17.

Ang screening ay sponsored ng PASIONISTAS, ang fans club nina Piolo Pascual and KC Concepcion, bilang ang isa sa mga producer ng pelikula ay si Piolo.

Ang block screening na ito ay nagsilbi ring fundraising event para sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

Ano ang feeling ni Uge (palayaw ni Eugene) na nakaraos na ang shooting at ngayon nga ay showing sa mga sinehan ang Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme?

“Naku, ano pa rin kami, ‘pag nag-uusap kami ngayon, hindi pa rin kami makapaniwala na natapos na namin at naipalabas…

“At puwede ko na bang sabihin na talagang tinangkilik nang wagas na higit pa sa inasahan namin?

“Pero I cannot deny na malaki talaga yung puhunan dito, that’s why kapit na kapit pa rin kami sa panalangin na sana yung word of mouth… kasi gusto mo naman siyempre makabawi ang lahat ng nagsugal, sumugal, para makagawa ulit, di ba?

“Negosyo naman ito, aside from the fact na it’s really ano… buung-buo yung entertainment value nung pelikula at hagip natin lahat ng miyembro ng pamilya.

“So bukod dun, natutuwa din kami dahil ang ganda rin ng timing, na nakabayad na ng tuition fee ang lahat-lahat, ‘tapos sumakto sa suweldo and Happy Father’s Day.

“E, pang-family at pambata itong pelikula namin, talagang ang bait-bait, ang bait, ang bait ng Panginoon!

“Ang bait ng panahon.

“Nai-inspire talaga kami na gumawa pa ng susunod na Kimmy Dora,” saad niya.

PART 3? Papayag ba siyang magkaroon ng Part 3 ang Kimmy Dora?

“Of course! Of course, yes!

“Agad-agad na kasi baka ‘pag naghintay ulit kami ng three years, bale ano na ako nun…” sabay tawa ni Uge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Alam mo naman very physical ito, di ba? Though mas healthy ako ngayon kasi bawas-bawas na ang mga bisyo.

“Papunta na sa zero na!” at muling tumawa ang komedyana.

Siya, kaya pa niya; pero may ilalabas o itotodo pa ba ang kuwento ng Kimmy Dora? Story-wise, kaya pa ang Part 3?

“Oh, yes! Magaling at we really trust Chris Martinez at saka nagsimula na tayo nun sa adventure na, hindi ba?

“Like this, yung sequel na ito, pa-open na ito sa iba’t ibang kuwento, lumalabas na sila, e.

“Kasi kabisado na natin ang ugali nung dalawa [Kimmy at Dora], di ba?”

STILL NERVOUS. Honestly, may mga agam-agam o kaba pa ba siyang nararamdaman kapag may pelikula siyang ipinalalabas, knowing na malakas ang hatak niya sa takilya?

Sagot ni Uge, “Lalo dito, lumabas lahat ng allergies ko! Sumakit ang likod ko.

“There was a time na nagte-text ako kay Piolo, sa lahat sa kanila…

“Alam ko alam nila yun ‘pag nagte-text ako kahit anong oras, lalo na kay Piolo.

“‘Please pray,’ ganyan, naiiyak na ako sa nerbiyos, ‘tapos magte-text siya sa akin ng mahabang-mahaba, maiiyak na naman ako kasi…

“’We are here to support you, we trust you, I am a fan…’ ‘Pag gumaganun si Piolo, naiiyak ako, e.

“’Tsaka talagang kung close kami nung first Kimmy Dora, yung buong Kimmy Dora team, mas naging close kami ngayon—it’s like a family now.

“Kasi ang dami na naming pinagdaanan, e.

“Nag-shooting pa kami sa Korea… hindi ba, mas tumitibay ang relasyon pagka nag-travel together?

“Dun mo masusukat e, di ba kung talagang… grace under pressure, yung ganun.

“Napatunayan namin na we really trust this project and we had fun doing it.

“Siguro ganun ang nararamdaman ng audience habang nanonood, na ‘Masaya sila, o!’

“Na bukod sa pinaghirapan, we really enjoyed doing it,” nakangiting sabi ni Eugene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO MMFF ENTRY. Walang entry sa Metro Manila Film Festival ngayong taon si Eugene, hindi gaya nung mga nagdaang taon na minsan pa nga ay higit sa isang pelikula ang entry na kasama siya.

Pero ayos lang ito dahil, ayon kay Uge, “Ibig sabihin nun, meron akong Paskong mapayapa.”

Pareho sila ni Ai-Ai delas Alas na walang entry this coming December.

“Oo, pareho kaming walang entry ni BF [best friend] ngayon, pero pagpasok ng 2013…

“Actually, bago pa mag-Pasko, magsu-shooting na ako for a film na showing ng first quarter ng 2013.

“Hindi ko pa alam kung alin doon sa dalawang pinirmahan ko ang mauuna,” banggit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN