Daniel Padilla on rumor that Kathryn Bernardo spends long hours in his house: "Ewan ko sa trip ninyo!"

Daniel Padilla reacts on rumor that his loveteam partner Kathryn Bernardo spends long hours in his house. “Okay lang naman, baka lalo pa kaming sumikat sa mga sinasabi ninyo.”


Pinarangalan si Daniel Padilla kahapon, June 17, sa ASAP 2012 ng Gold Record Award para sa kanyang first album na Hinahanap-hanap Kita.

Ayon sa Star Records, sa loob lamang ng daw ng sampung araw na nag-release ng album ay naabot na agad ng album ni Daniel ang gold-record status.


ACTOR-SINGER! Patunay lamang daw ito na hindi lang tanggap bilang isa sa pinakasikat na young actors sa kasalukuyan si Daniel kundi bilang isa ring recording artist.

“Nakakatuwa kasi siyempre pinaghirapan natin. Lumabas naman na maganda at solid ang suporta ng mga fans.

“Sila [fans] ang may gawa nito. Yung kanta, trabaho ko yun, pero sila, wala naman silang obligasyon.

“Kahit hindi nila bilhin, pero binili pa rin nila kaya nakakatuwa.”


SONG FOR KATHRYN? Sa mga kanta sa kanyang album, alin dito ang pinakapaborito niya at inaalay niya sa kaparehang si Kathryn Bernardo?

“Ang pinakagusto kong kanta dito ay yung ’Ako’y sa Iyo,’ pero ang song ko para kay Kathryn ay yung ’Grow Old With You.’

“Anong mayroon sa album? Siguro may feelings ang mga kanta ko dito,” kaya raw marahil tinangkilik ng kanyang mga tagahanga.


INSPIRED! Sa init ng pagtanggap kay Daniel bilang aktor at recording artist, aminado siya na inspirasyon para sa kanya ang mga magagandang nangyayari sa kanyang showbiz career.

Sabi niya, “Sobrang laking bagay na nag-gold yung album ko. Mas gaganahan ako para gumawa pa ng bagong albums.

“Nandiyan ang mga inspirasyon ko, ang mga fans ko.

“Hindi pa rin ako kumportable, siyempre limited lang naman ang mga fans ko.

“Ayoko lang maging kumportable kasi puwede namang magsawa ang mga fans, pero sana ‘wag naman.”


THANKS GGV! Hindi ikinakaila ni Daniel na medyo hirap at kinakabahan siyang kumanta nang live.

“Hindi naman ako biglang gumaling nung nag-gold yung album ko. Nandun pa rin yung kaba.

"Mas kumakanta ako more ngayon para mas mahasa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko pinangarap na maging singer.

"Nung nangyari nga yung sa GGV [Gandang Gabi Vice], dati pa sinasabi na sa akin ng mama ko, “DJ, maganda ang boses mo, kumanta ka.

"Ako, ayoko kasi mahiyain ako. Pero nung kumanta ako sa GGV, yun na, dun na nagsimula.”

STAMPEDE. Nabalitang hindi raw natapos ang kanyang show sa Isetann, Manila dahil nagkaroon ng stampede sa dami ng tao. Ano ang reaksiyon niya rito?

“Hindi ako natuwa sa nangyari. Kasi siyempre, nagpunta ang mga tao dun para mapanood akong kumanta, ‘tapos hindi natapos at may mga nasaktan.

"Trinay ko na ayusin kaso wala na akong nagawa," sabi niya.


KATHRYN BERNARDO. Kumusta na ang samahan nila ni Kathryn Bernardo?

“Masaya, solid naman kami. Hindi kami [ni Kathryn], pero yung friendship namin, solid talaga."

Bakit may isyung nakikita raw si Kathryn na nagbababad sa bahay nila?

“Kung sinuman ang gumawa ng isyu na yun, ewan ko sa trip ninyo!" medyo seryoso niyang sabi.

Dagdag pa niya, “Okay lang naman, baka lalo pa kaming sumikat sa mga sinasabi ninyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN