Maja Salvador on her Urian Best Actress award: “Siyempre po, lahat ng artista, naghahangad ng ganoong award.”

Maja Salvador recalls her first few years in showbiz as very rewarding as she received prestigious awards along the way. She won an award in her first and introducing film Sukob. With her Urian award, she says: “At siguro, kaya rin po ako nanalo ng award na ‘yan dahil sa dugo ko na isang Salvador.”


Live na nag-guest si Maja Salvador sa The Buzz kahapon, June 17, dala-dala ang napanalunang Best Actress trophy sa katatapos 35th Gawad Urian.

Ano ang pakiramdam na pagkatapos ng sampung taon sa showbiz, hawak na niya ang tropeyo ng pagiging Best Actress para sa pagganap nita sa Thelma?

“Yun nga po ang sabi ko, dati po kasi, sa first film ko po, yung introducing film ko po na Sukob, nanalo po ako do’n.

“Siguro yun po, mga five years ago, nanalo po akong Best New [Actress] at Breakthrough Actress,” pagbabalik-tanaw ni Maja sa mga napanalunan niyang awards.

SURPRISED AWARDEE. Sinabi ni Maja na sorpresa sa kanya ang pananalo niyang yun sa Urian. Bakit?

Paliwanag niya, “Kasi po, napakahuhusay na aktres po ang ibang nominado.

"Si Ms. Cherry Pie Picache, napakahusay na aktres. Si Alessandra de Rossi and Ms. Eugene Domingo...

"’Tapos, yun po, ine-expect ko po na si Ms. Eugene ang mananalo, si Ate Uge.

“Kasi ako po, para sa akin, napakahirap patawanin ng mga manonood, di po ba? Sobrang galing niya at sobrang iniidolo ko siya.”

Nominado si Eugene para sa pagganap niya sa pelikulang Ang Babae Sa Septic Tank.

Patuloy niya, “Kaya noong tinawag ang pangalan ko, hindi po ako makatayo. Sobrang nanigas ako.

“’Tapos yung RM [road manager] ko, kinakalabit ako. Sabi niya, ‘Ate, ikaw ang nanalo. Tayo ka na.’

“’Tapos yung camera, naka-pan na sa akin. Hindi pa rin ako makatayo.

"‘Tapos noong nakatayo na ako, hindi pa rin ako makahinga.”

DISBELIEF. Bakit nga ba siya umiiyak habang lumalakad papuntang stage?

“Siyempre po, lahat ng artista, naghahangad ng ganoong award—bBest Actress award, Urian pa.”

Ano ang naglalaro sa isipan niya noong naglalakad at umiiyak siya?

“Bakit ako?” ang tanong niya raw sa sarili.

Pero bakit niya kinukuwestiyon ang sarili?

“Yun din siguro ang mali ko. Feeling ko po siguro, marami pa akong kailangang matutunan dito sa trabaho ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya naman po nang tinawag ang pangalan ko, talagang…” overwhelmed na pahayag niya.

DEDICATION. Isa sa hinandugan ng award ni Maja ay ang kanyang namayapang ama, ang dating actor na si Ross Salvador.

Kung nagkataong buhay pa ang ama at nandito ngayon, ano ang gusto niyang sabihin dito?

Emosyonal niyang tugon, “Kasi, siya rin po ang dahilan kung bakit ako nandito. Siya ang bumuhay sa akin. Siya ang bumuo sa akin.

“At siguro, kaya rin po ako nanalo ng award na ‘yan dahil sa dugo ko na isang Salvador.

“At nagpapasalamat din po ako sa kanya ng marami. Yun… alam ko naman na kahit nandoon na siya, alam ko na proud siya sa akin.

“Yun nga lang, hindi ko po naririnig na sabihin niya, pero ramdam ko naman po.

“Alam ko na isa siya sa nakiusap sa Diyos na ibigay ’yang award na ‘yan sa akin.”

Tinanong ng host na si Boy Abunda si Maja kung nandoon pa ba ang batang Maja na nakausap niya sa bahay nito, ten years ago.

Sa pagitan ng pagluha, nakangiting sagot ni Maja, “Opo. Palagi pa ring nangangarap.”

Dugtong niya, "Gusto ko pong pasalamatan si Ma’am Charo [Santos-Concio].

“Nagkita kami yesterday. ’Tapos yun, niyakap din po niya ako nang mahigpit.

“After po ng The Buzz, unang labas ko po ang The Buzz, doon po ako napanood ni Ma’am Charo.

“Pinatawag niya po ako kasi gusto raw po niya akong makita. Siya po ang nag-open ng window na maging artista po ako.

“Kaya ang sarap po na marinig kay Ma’am Charo na, ’Hindi ako nagkamali.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN