Part 2. Eugene Domingo wants to do historical film about a Filipino heroine

Eugene Domingo on her dream role: “Naisip ko nung isang araw, gusto kong… kasi siguro dahil Independence Day, gusto ko talagang gumawa ng isang pelikula na tungkol sa isang Pinoy heroine. Parang si Tandang Sora, mga ganyan. Na ala-Rizal ang pagkaka-mount. Di ba, napakaganda nung Rizal na pelikula, ang laki-laki, ‘tapos ang sarap nun kasi tinangkilik din yun ng maraming tao. So I think it would also be good for us a


Isa nang ganap na malaking artista si Eugene Domingo kung pagbabasehan ang hatak niya sa takilya.

Sa kasalukuyan nga ay humahataw sa takilya ang kanyang pinakabagong pelikula—ang Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme.

Sa kasikatan niya, tiyak na didikit sa kanya ang mundo ng pulitika.

Pumasok ba sa isip niya na balang-araw ay pasukin ang mundong iyon at maging isang public servant?

Pahayag ni Uge, “Iyon din ang naiisip ko, kung bakit ang karamihan sa ating mga artista, lalo pa at yung ating mga sinasabing mga beterano, beterana, nauuwi sila sa public service.

“Hindi ka makakapagsalita ng tapos kasi baka talagang dumarating sa estado ng isang artista na napapalapit sa mga tao dahil ano natin ito, e, mundo natin ito, e.

“Talagang we try to please other people.

“Baka dadating din sa iyong consciousness na bukod sa pag e-entertain sa kanila, gusto mo din silang matulungan in all aspects, as much as you could.”

May nag-alok na ba sa kanya na tumakbo sa isang public position?

“Wala naman, wala.”

Wala rin daw pulitiko sa pamilya nila.

Pero hindi niya isinasara ang pintuan ng pagkakataon.

Saad ni Uge, “Wala naman tayong isinasarang door. Ako talaga, hindi ako mapagsara ng door.

“Ang sa akin, I just speak for today, I am thankful for yesterday and I’m very hopeful for tomorrow.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, June 17, Linggo, sa block screening ng Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme sa Newport Cinema 2 ng Resorts World Manila.

NO TO BEING A DIRECTOR. Kung bukas ang pintuan niya para sa pulitika someday, sarado naman ito sa pagiging isang direktor…

“Dun pala nagsasara na ako!” at napatawa si Uge.

“Ang hirap ng trabaho nila! ‘Tsaka hindi ako ganun katiyaga at katalino.

“Nakita ko kasi kung papaano tumakbo ang utak ni Direk Joyce [Bernal], ni Direk Chris [Martinez], Direk Marlon [Rivera], Direk Joey [Javier Reyes], Direk Joel [Lamangan]…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ang kilos at galaw ng bawat tao, ng bawat artista, ng bawat staff, ng bawat crew, lahat ‘Direk! Direk! Direk!’ Ayyy!

“Ang sarap-sarap ng buhay ko bilang artista.”

UGE AS BONA. Gagawin ni Eugene ang theater version ng Bona, ang 1980 film ni Lino Broacka na pinagbidahan nina Nora Aunor at Phillip Salvador.

Si Uge ang gaganap sa dating papel ni Ate Guy, at si Edgar Allan Guzman naman ang gaganap sa papel noon ni Ipe.

Nilinaw ni Uge ang isyung pinalitan si Paulo Avelino ni Edgar Allan…

“Hindi siya napalitan, hindi lang kaya ng schedule [ni Paulo] kasi extended ang kanyang soap opera [Walang Hanggan].”

Contemporary o moderno raw ang gagawin nilang version ng Bona.

Pero dagdag din ni Uge, “But it’s still about being a fan.”

May sexy and daring scenes kaya sila ni Edgar Allan?

“I hope so!” at humalakhak ang aktres.

Masaya si Uge dahil panonoorin daw ni Ate Guy mismo ang stage play nila.

DREAM ROLE. May dream role pa ba si Eugene?

“A, yung dream ko for this year, natupad naman—yung musical na I Do Bidoo Bidoo ng Unitel,” sabi niya.

Wala na siyang ibang dream role or project?

“Naisip ko nung isang araw, gusto kong… kasi siguro dahil Independence Day, gusto ko talagang gumawa ng isang pelikula na tungkol sa isang Pinoy heroine.

“Parang si Tandang Sora, mga ganyan. Na ala-Rizal ang pagkaka-mount.

“Di ba, napakaganda nung Rizal na pelikula, ang laki-laki, ‘tapos ang sarap nun kasi tinangkilik din yun ng maraming tao.

“So I think it would also be good for us again to have a film na historical.”

Ang tinutukoy ni Uge ay ang pelikulang Jose Rizal ng GMA Films na pinagbidahan ni Cesar Montano noong 1998.

GMA-7-TV5 MERGE. Ano ang komento at reaksiyon ni Eugene sa sinasabing merging ng GMA-7 at TV5, bilang si Uge ay nakakapagtrabaho pareho sa Kapuso at Kapatid networks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unang-una, totoo ba ‘yan?” tanong muna niya.

If ever totoo?

“If ever totoo, alam mo kasi, ang kailangan talaga natin ngayon, quality. Quality TV entertainment.

“Kung magme-merge sila, and they can assure us that they can produce quality TV entertainment, why not?

“Why not?”

Ano ang magiging epekto nito sa kanya bilang artista?

“Ako kasi, malikot ako, di ba? Ke mag-merge sila, ke hindi, I’m sure mae-experience ko sila.

“Humanda sila sa akin! Merge pala, ha! Pati TF ko, merge!” natatawang sabi ni Uge.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN