Maxene Magalona admits she is not close to Bubbles Paraiso anymore: "It’s because kasama niya ang ex-boyfriend ko. Kasi dahil mas magkaibigan sila."

Maxene Magalona on naming who among her exes cheated her: “Ay, huwag na baka mabulabog silang lahat!”


Kakaiba para kay Maxene Magalona ang papel na ibinigay sa kanya ng GMA-7 sa bagong afternoon soap na Faithfully; kasama sina Isabelle Daza, Michelle Madrigal, Vaness del Moral, Isabel Oli, Mike Tan, at Marc Abaya.

Hindi raw ito gaya ng mga nauna niyang serye na inaapi siya sa kuwento.

“Palagi naman akong kawawa, pero sa show na ito later on, lalaban din ako. Magiging palaban.

"Kasi in real life, hindi ka naman papayag na api-apihin ka.

“And I can say na this show is more relatable in all the shows that I’ve done before.

“Parang masasabi mo, ‘Ay, nangyari na ito sa akin!’” paglalarawan ni Maxene sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa karakter niya sa soap.

ACTING AND HOSTING! Mestisahin si Maxene na aakalain mo ay hindi paaapi sa totoong buhay, pero epektibo sa mga papel na api-apihan.

Sabi niya tungkol dito, “Ay, siyempre, ganun talaga! Nag-e-enjoy ako sa ganito.

"Kasi siyempre, gamay ko na and parang sanay na akong ganun ang role na ginagawa ko.

“Basta, natutuwa lang ako na palaging ganito ang ibinibigay nilang role sa akin dahil natsa-challenge rin ako on how to make it different every show.

“And meron din naman talagang… like in this story, marami kaming babae at makikita mong each of us will fight for what we believe in.

"So, talagang exciting.

“I really enjoyed acting, pero gusto ko rin ng hosting in Party Pilipinas.”

CHANGING PARTNERS? Isang mahirap ang role na pinu-portray ni Maxene sa serye bilang asawa ni Marc Abaya at kaibigan ng papel ni Michelle Madrigal na isa namang mayaman.

Kaibigan nito ang mga mayayaman ding karakter nina Isabelle at Vaness. At sa magiging takbo ng kuwento, magiging kaibigan din ni Maxene sina Isabel at Michelle.

Si Isabel ay lumaki naman sa mundo ng syndicate member na si Mike Tan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mai-involve si Maxene kay Mike at dito niya maeengkuwentro si Isabel.

Magkakaroon ng relasyon sina Mike at Maxene dahil niloko siya ng asawa niyang si Marc.

“Changing partners? Of course! Di ba, ganyan naman talaga sa tunay na buhay!” bulalas ni Maxene habang tumatawa.

Naranasan na ba niyang lokohin siya ng kanyang boyfriend sa totoong buhay?

“Oo naman, darating at darating tayo sa buhay natin. Hindi natin maiiwasan ‘yan,” pag-amin ni Maxene.

Nagpahulaan tuloy ang PEP kung sino sa mga ex niya ang tinutukoy niyang nanloko sa kanya.

“Ay, huwag na, baka mabulabog silang lahat!” tumatawang sabi ni Maxene.

JC TIUSECO. Nabanggit si JC Tiuseco na na-link kay Maxene, pero ang siste, mukhang hindi ito kasali sa nanloko sa kanya dahil hanggang ngayon raw ay wala pa itong kasintahan.

Ang balita pa nga, si JC raw ang na-trauma kay Maxene noong sila pa ng binata.

“Bakit siya na-trauma? Echosero siya, ha!” hindi naniniwalang reaksiyon ni Maxene.

“Hindi, siyempre for me, what’s meant for you is meant for you. Ganyan akong mag-isip sa totoong buhay.

“Kung may taong meant to be with you, yun talaga ang mapupunta sa iyo. Kung may trabaho man na mapupunta sa iyo, ganun talaga.

“Kung kaibigan ganyan-ganyan, yun ang mangyayari.”

HER EX BOYFRIEND AND BUBBLES? Tungkol sa kaibigan, friends na ba sila ni Bubbles Paraiso?

“Ay!” tawa niya nang malakas.

"Siyempre, ‘Hi, hello friend,’ ganun. Pero hindi na kami as close as before.

“Kasi dati… naku, ayaw ko sanang gawing issue ito, e. Pero... alam mo na, ganyan talaga sa showbiz.

“Pero ang masasabi ko lang, we’re not as close as we used to be.

"And it’s because kasama niya ang ex-boyfriend ko. Kasi dahil mas magkaibigan sila.

“Ako, hindi ko na siya friend,” pagtukoy niya kay Bubbles.

“I mean, hindi na kami close as before. So, hi, hello na lang. And even kami ng ex ko, hi, hello na lang kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Because lagi na silang magkakasama ng ex ko. Alangan namang sumama pa ako doon?

"E, di ba, now… ay, I’ve already moved on from my ex.

“I’m meeting new people, I’m meeting new friends,” esplika niya.

Close na ba sina Bubbles at ang kanyang ex noon pa?

“Naging close kami ni Bubbles before na naging close sina Neil at saka si Bubbles.

“So, naging close kami ni Bubbles then hindi na kami nag-hangout, and then biglang si Neil na ang nagha-hangout sa kanila.

“Kasi nagkakilala kami ni Neil nung ipakilala kami ni Paolo Paraiso,” na kapatid ni Bubbles.

“And then no’ng ipakilala ko si Neil, naging mas close ang buong barkada.

“Kasi, ‘Ay, kaibigan rin namin si Neil. Ay, kaibigan rin namin si Maxene let’s all hang out together.’ Ganun ang peg namin.

“’Tapos, no’ng nag-break kami ni Neil, sila-sila na lang yung close. Mas minabuti ko na lang na umiwas ako.

“Kasi ano pa ang gagawin ko? Kailangan ko rin namang mahalin ang sarili ko at mag-move on.

“But I always believe na it’s the quality not the quantity.

"Kahit nauna kami ni Bubbles, kung sila talaga yung close, e, di sila ang close. But I don’t take it against her.

“Hindi naman dahil sa gano’n hindi ko na sila friends… dahil lang sa hindi na ako nakakapag-hangout with them, hindi na ako naging close sa kanila.

“Not just Bubbles, pati sila Paolo. Hindi na kami as close as before.

“And I always believed na if we’re meant to be friends, kahit gaano katagal ‘yan, how much will it take bago maging friends uli?

"If we’re made to be friends and meant to be friends, magiging magkaibigan pa rin kami.”

Sino pa ba ang ibang mga kaibigan niya na hanggang ngayon ay kaibigan pa rin niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Angel [Locsin] is still my friend. Basta, si Angel kaibigan ko pa rin siya.

“Busy si Gel [tawag niya kay Angel], e. Hindi na namin siya nakakasama. But she’s still a good friend of mine.

“Si Mitch [Michelle Madrigal], friend ko rin kasi may barkada kami. Yung mga non-showbiz friends namin.

“Sina Glaiza [de Castro], sina Rich [Asuncion] nandiyan pa rin, close pa rin kami,” pagbanggit niya sa ilang artista pang kaibigan.

Hindi na masama ang loob niya kay Bubbles at sa ex niya?

“Hindi. Bakit pa? Why live life in a negative way? Bakit pa ako magtatanim ng sama ng loob?

“Kung dramatic na ang ginagawa ko sa TV, dramatic pa ba ang gagawin ko sa tunay na buhay? Di ba?

“Dapat happy-happy lang tayo lahat. There will always come a time na hindi magkakasundo ang magkakaibigan .

“But you know, it’s always how you look at things and how you handle things… it’s the most important thing.”

Paano kung hindi na close si Bubbles at ang ex niyang si Neil Arce? Balik friends na naman sila ni Bubbles?

“Well, like I always say, hindi ko kayang tumalikod sa isang kaibigan.

"So, if she needs me and if any of my friends need me, I’m always here .

“Tumalikod ako, umiwas ako sa kanila, but you know I’m always here for them.

“Kinakailangan ko lang gawin yung physical detachment.

"If they wanna be my friend and can be my friend and want me to be there, I’ll be there for them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN