Warrant of arrest against Annabelle Rama lifted by QC court; talent manager reacts to Amalia Fuentes’s libel complaints against her

The arrest order against Annabelle Rama was lifted by Judge Eleuterio Bathan of Quezon City Regional Trial Court. Yet, she’s about to face another libel complaint, filed this time by Amalia Fuentes. But the talent manager holds her ground and said, “Lalabanan ko na lang sila.”


Binawi na ang arrest order kay Annabelle Rama.

Matatandaan na noong Hunyo 11 ay nag-isyu si Judge Eleuterio Bathan ng Quezon City Regional Trial Court ng warrant of arrest para sa talent manager.

Ito’y matapos hindi dumalo ni Annabelle sa nakatakdang arraignment para sa 14 counts of libel na isinampa laban sa kanya ng aktres na si Nadia Montenegro noong Hunyo 11.

(CLICK HERE for related article.)

Ayon sa artikulo ni Ginger Conejero na lumabas sa ABS-CBN News ngayong hapon, Hunyo 18, nakiusap daw si Annabelle at ang kanyang abugado kay Judge Bathan.

Ani Atty. Howard Calleja, “Warrant lang ’yon kasi may time, ’yong isang beses na hindi nakadating si Miss Annabelle.

“Hindi naman niya ito sinasadya... humingi lang kami ng pag-intindi kay Judge Bathan. Nagpapasalamat [kami] sa kanyang pag-lift ng warrant.”

Hindi naman ikinaila ni Annabelle na nagulat siya sa paglabas ng naturang arrest order laban sa kanya.

Sabi ng talent manager, “Nagulat ako, shocked talaga.

“Super shocked noong sinabi may warrant... kaya sabi ko, uwi na lang ako diyan, kaya nandito ako ngayon para humarap sa judge.”

Dagdag pa nito, hindi “puntos” para kay Nadia ang utos na pagpapaaresto sa kanya, lalo na at na-lift na ito.

“Sa nangyari ngayon, walang puntos para kay Nadia.

“Ito, nagkaroon ako ng warrant kasi hindi ako sumipot.

“Sabi niya kasi sa TV, doon malalaman ng taumbayan kung sino ang nagsasabi ng totoo.

"Papa’no nangyari, wala pa kaming hearing, papa’no naging totoo ang sinasabi niya?”

Samantala, sa Hunyo 25 naman ay haharapin ni Annabelle ang asawa ni Nadia na si Macario “Boy” Asistio para sa reklamong libel at unjust vexation na inihain nito laban sa talent manager.

ON AMALIA FUENTES. Samantala, nagbigay na rin ng reaksiyon si Annabelle tungkol sa 11 counts of libel complaints na inihain laban sa kanya ni Amalia Fuentes.

Noong Hunyo 13 ay naghain ng 11 counts of libel complaints si Amalia laban kay Annabelle sa Quezon City Prosecutor’s Office.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito’y kaugnay umano ng “demeaning” tweets at statements ng talent manager laban sa kanya sa tuwing magpapa-interview ito.

(CLICK HERE for related article.)

Depensa naman ni Ananbelle, “‘Yong mga tweet ko, totoo lang naman ’yon, wala akong inimbento.

“Lalabanan ko na lang sila.

“Nakita ko siya sa Internet, umiiyak siya sa interview niya sa TV Patrol.

“Ano ’yan, luha ba ’yan ni Satanas o luha ni Hudas? Ba’t ka pa umiyak?

“Akala ko matapang siya, iyak siya nang iyak.”

Ipinagtanggol din ni Annabelle si Bianca Gonzales, na sinampahan din ni Amalia ng libel complaint noong araw na isinumite rin nito ang reklamo laban sa talent manager.

Ani Annabelle, “Nabasa ko nga ’yong kanyang interview laban kay Bianca.

“Kawawa naman ’yung bata. In-interview lang ako ni Bianca, sinabit-sabit niya pa sa ganung gulo.

“Pinagmamalaki niya pa na nag-aral siya ng six years sa Amerika. E, ano ngayon?

"Gamitin mo yung pinag-aralan mo, ‘Day. Ba’t wala kang trabaho?

“Gusto mo sumikat, sumikat ka sa sarili mo. Magpapayat ka.”

Samantala, humingi na ng tawad si Bianca kay Amalia.

Bagamat na-“appreciate” daw ng former Movie Queen ang kanyang paghingi ng tawad, itutuloy pa rin daw niya ang reklamo laban sa TV host-columnist.

(CLICK HERE to read related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN