Kylie Padilla on being compared with father Robin Padilla: “Hindi naman ako pino-produce as bad girl.”

Kylie Padilla says she takes it as a compliment whenever she’s being compared with her father Robin Padilla. The young actress says, “It’s nice naman kasi wala naman ako dito kung saan ako nakatayo kung wala naman si Papa."


Pahinga muna sa ngayon si Kylie Padilla.

Natapos na kasi ang teleseryeng pinagbidahan niya, ang The Good Daughter, at ang youth-oriented show na Tween Hearts.

Sobrang mami-miss daw niya ang mga nakasama niya sa parehong programa.

Katulad halimbawa sa Tween Hearts, kung saan gumanap siya bilang Heidi, sabi ni Kylie, hindi niya malilimutan ang kulitan nila sa set.

“Hindi mo mararamdaman ang stress kasi ang kukulit lang namin sa set,” sabi niya nang makapanayam siya ng PEP.ph sa opening ng Soulstice Spa sa Greenhills Town Center, Brgy. Valencia, Quezon City, noong Sabado, Hunyo 16.

Halos ganito rin daw ang mararamdaman ni Kylie sa pagtatapos ng The Good Daughter, na naging daan daw upang mas maipakita pa niya ang kakayahan niya sa pag-arte.

Sabi niya, “Sa The Good Daughter, mami-miss ko doon ‘yong environment lang, ‘yong taping.

“Kasi, sobrang pagdating ko sa set, it’s always a learning experience.

“Walang araw na wala akong natututunan. Sobrang dami ko talagang natutunan sa show na ‘yon.”

At dahil wala siyang ibang trabaho ngayon, bukod sa regular niyang performance sa Party Pilipinas, sinusubukan ng dalagang aktres na maging abala sa iba’t ibang acting workshops at training.

“Ayaw ko nga ng ganun. Ayaw ko nga ng may free time, e!” natatawang sabi ni Kylie

Ang mga ito umano ay bilang paghahanda na rin sa susunod niyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula. Subalit tumanggi si Kylie na magbigay pa ng anumang detalye tungkol sa mga ito.

BEING COMPARED WITH HER DAD. Dahil unti-unti na ring napapansin si Kylie, hindi na rin naiiwasan ng ilan na ikumpara siya sa kanyang action star na ama—si Robin Padilla.

Kung pag-uusapan daw ang image, hindi ito alintana ni Kylie dahil, “Hindi naman ako pino-produce as bad girl.”

Pero pagdating sa pag-arte, madalas daw ay nakukumpara siya sa kanyang tatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang madalas na reaksiyon niya sa ganitong sitwasyon?

“Parang gusto kong sabihin na iba ako sa tatay ko,” sabi ni Kylie.

Pero nagpapasalamat na rin daw ang young actress dahil napapansin na ang kanyang kakayahan sa pag-arte.

“It’s nice naman kasi wala naman ako dito kung saan ako nakatayo kung wala naman si Papa.

"So, it’s nice for them to know that he’s my dad,” pagtatapos ni Kylie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN