Christian Bautista joins cast of Princess And I; clarifies reported walkout of Gretchen Barretto

Christian Bautista has built a niche in singing with fans from as far as other Asian countries who enjoy his kind of music. Being a good actor himself, he is back to acting in Princess and I: “Pero nag-e-enjoy ako uli to be back in a serye. Kabado din… naninibago din uli para sa mga call time, sa mga bagong eksena.”


Isang bagong karakter ang idinagdag sa seryeng Princess and I na gagampanan ni Christian Bautista—si Priam.

Inamin ni Christian sa recent interviews na gusto niyang bumalik sa pag-arte sa dahilang anim na taon na ang nakalilipas nang huli siyang mapanood sa Kampanerang Kuba.

Nabigyang-katuparan ang hiling na ito ng singer na magbalik-acting sa seryeng pinagbibidahan ni Kathryn Bernardo.

WALKOUT ISSUE. Sa patuloy na mga taping ng Princess and I na kasama na si Christian, lumabas minsan ang issue na nag-walkout diumano si Gretchen Barretto, isa sa main cast ng serye.

Ayon sa lumabas na report, hindi raw nagustuhan ng aktres ang location nito sa Tagaytay kung kaya’t nag-pack up ang taping. Isa raw si Christian na walang nagawa at bumalik na lang sa Manila.

Agad naman itong binigyang linaw ni Christian nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ASAP 2012 noong Linggo, June 17.

Aniya, “Wala naman lately. Hindi ko alam ang recent incident, pero wala naman akong narinig dahil hindi niya gusto ang location ay umalis.

“It’s basically rainy season kasi ngayon, so kapag naghihintay kami ng hours just to wait for the rain to stop… minsan napa-pack up talaga or minsan may other schedule.

"Pero yung reason na ayaw niya… wala naman.

“Saka if ever there was an incident like that, I’m not the person to give comment. I think it won’t be right if I would say something."

Maraming eksena si Christian na makakasama si Gretchen, kaya’t tinanong namin ang singer-actor kung hindi ba siya naiilang o nai-intimidate sa aktres.

Aniya, “Noong una medyo nate-tense ako, pero na-meet ko na kasi siya.

“Before, kumanta kami sa ASAP, she had an album, so naalala nga niya yun. Okay naman kami."

BACK TO ACTING. Ikinuwento rin ni Christian sa PEP ang karakter na ginagampanan niya sa Princess and I.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Medyo kakaiba ang hitsura ko dun, long hair ako para ‘pag nakita ng tao, ‘Sino ba ito?’

“Pero nag-e-enjoy ako uli to be back in a serye. Kabado din… naninibago din uli para sa mga call time, sa mga bagong eksena.

“I’m happy na kasama ko sila Art Acuña, nakasama ko sa Kitchen Musical, si Enrique [Gil] na Stages [management] din.

“At si Direk Francis Pasion kasi, siya yung nag-direct ng Beautiful Girl namin ni Carmen Soo before. So I’m in good hands.

“I did workshops and talagang rebelde ang role ko dun na bida/kontrabida na hindi mo ine-expect kung ano ang mangyayari.

“I’m fighting for something ‘tapos yung kingdom, may iba ring plano.

“Si Gretchen Barretto, partner ko before. Sa story kasi, Gretchen and me had a past.”

NEW SPECIAL. Samantala, mapapanood ang isang special ni Christian this coming July 8 sa Sunday’s Best ng ABS-CBN titled, The Way You Looked At Me.

Nilinaw niya na sa ABS-CBN ito mapapanood at hindi sa GMA-7 gaya ng lumabas.

“It was moved on July 8 on ABS-CBN, sa Sunday’s Best of ABS-CBN.

“Supposed to be, dapat this June, coming June 24, but they’re still collecting and editing the show’s VTRs [videotape recordings].

“There’s many aspects of my life and performances within those ten years that we have to put sa special.

“It’s my 10thyear celebration with the live performance, documentary.

“I don’t know... hindi totoo na sa GMA siya, dito siya sa ABS.

“Baka nagkaroon lang ng ganung issue kasi Rachelle Ann [Go] is guesting, but definitely ABS siya ipapalabas.”

HAPPY WITH NEW RELATIONSHIP. Naging bukas naman si Christian sa relasyon niya sa Singaporean-Romanian girlfriend na si Carla Dunareanu.

Masaya ang singer dahil kasalukuyang nasa bansa ang girlfriend because of work at mag-i-stay ito ng bansa for a year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Her name si Carla D. She’s staying here for a year ‘coz of Magic [89.9 FM], so very happy din.

“Medyo kailangan ng lipad-lipad dun, ngayon traffic na lang ng EDSA ang katapat.

“Mas malalim, mas marami kayong time together. We’re very happy…

“My family is very happy with Carla and I.

"Siya rin very happy kasi siya lang nandito, yung family ko, parang family na rin niya."

OPM ICONS CONCERT. Isa si Christian sa nag-perform sa concert ng OPM singers na may titulong Icons At The Arena: Masters of OPM last Saturday, June 16, sa SM Arena.

Masaya si Christian sa suportang ibinigay ng mga tagahanga ng OPM dito.

“Maganda, 80 percent-90 percent… marami, maraming tao sa SM Arena, and medyo kinakabahan ako kasi first time kong mag-perform dun.

“Pero naging proud ako yesterday kasi nakasama ko yung mga icons ng music industry.

“Hindi kami kumpleto, pero most of us, nandun. It’s a good day for OPM.

“Most importantly, na-appreciate ng tao yung music.

“Thanks sa mga producers na nag-mount ng sariling atin na concert sa Arena mismo kung saan nagko-concert ang mga international [artists].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN