Matteo Guidicelli credits new look to triathlon; prepares for new character in upcoming soap

Matteo Guidicelli has become slimmer and now sports a tan—a look he got from competing weekly in triathlon events. Matteo says the look he got from his new sport compliments the new character he is going to portray in an upcoming soap.


Kapansin-pansin ang very slim at kayumangging kulay ngayon ni Matteo Guidicelli.

Ito agad ang inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa racer turned TV personality sa launch ng bago niyang show sa ABS-CBN, kasama sina Dimples Romana at Xian Lim bilang co-hosts.

“What’s with the new look?” tanong ng PEP sa isa sa mga hosts ng Promil Pre-School i-Shine Talent Camp na magsisimula na ng airing sa Sabado, June 23, sa timeslot na 9:30 a.m.

“Basically, I started doing triathlon, so medyo pumayat tayo and everything.

"Di ba, I’m always into sports? And now I found a new sport.

“I’ve been competing every week, may race ako. Galing lang ako sa Hawaii, and all… the race,” sagot agad ng 23-year-old Filipino-Italian.

Ang triathlon ay isang “multi-sport” event na kinapapalooban ng tatlong magkakaibang sports na susubok sa endurance at stamina ng mga competitor. Iba’t iba ang versions ng triathlon, pero ang pinakapopular na version ay ang triathlon na may swimming, biking, at running events.

Ang ama raw ni Matteo na si Gianluca Guidicelli ang nakaimpluwensiya sa kanyang subukan ang sport na ito. Isang aktibong competitor sa triathlon ang Cebu-based businessman father ni Matteo.

Limang buwan nang nagte-training at sumasali sa triathlon events si Matteo.

“I just did it, and I started training, and then every race, I do better and better and beat my personal record, until nag-top five na ‘ko and everything.

"So, talagang nakaka-addict talaga. You wanna get better.

“And it’s also good for the health. It changed my lifestyle,” patotoo pa ni Matteo tungkol sa kinahihiligan niyang sport ngayon.

Sobrang dedikasyon ngayon ni Matteo sa triathlon. Sa katunayan, nanalo siya noong Linggo, June 17, sa isang triathlon event sa Cebu.

“I did a sprint triathlon. So, this is 1.5 [kilometer] swim, 40 k [kilometer] bike, 10 k run. I finished first. I won my first race,” bida ni Matteo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HIS BEST EXPERIENCE SO FAR. Pero kung meron daw siyang hindi malilimutang experience sa pagko-compete sa triathlon, ito ay nang sumali siya sa Half-Ironman triathlon sa Hawaii na ginanap noong June 3.

“I can say it’s the best race I’ve ever done,” pagmamalaki ng binata.

“That’s a 4 k swim, 90 k bike, and 21 k run. And it was the best experience I’ve had.”

Para kay Matteo, kaya naging “best experience” ang pagsali niya sa triathlon competition na ito ay dahil kabilang sa mga nagsisali ay ang 7-time Tour de France champion na si Lance Armstrong.

Si Armstrong ang nagkampeon sa 70.3-mile (113 kilometer) race na ito sa Hawaii sa oras na 3 hours 50 minutes and 55 seconds, na sumira ng dating record ng Half-Ironman by less than six minutes.

Pero naipagmamalaki pa rin ni Matteo ang achievement niya sa race na ito.

“I did mine in six hours. It’s average, but I finished around 600thout of 3,000 guys. So…amazing!” nakangiting sabi ni Matteo.

Pero hindi naman daw ibig sabihin na kalalimutan na ni Matteo ang mga commitment niya sa showbiz.

“Siyempre, priority po natin ngayon yung showbiz, di ba? Yung mga shows natin.

“If I have shows, I will concentrate on my shows.

"But sports is always gonna be there with me. And I’m never gonna lose that.”

CREATING A NEW GUY. Sa bago pa ring hitsura niya ngayon, pinaghahandaan din daw ni Matteo ang bago niyang drama show.

Bago raw sa kanya ang character na gagampanan sa Precious Hearts Romance Presents: Isla.

“I’ve never done it before. I just wanted to create a new guy, a new me, a new character for the soap.

“So, I wanted to turn everything around and just show something completely different.”

Isa raw rich boy na na-stranded sa isang isla ang gagampanan niyang role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At dahil nasa isla, madalas na madi-display ang katawan niya sa show. Malamang na magpapakita siya rito madalas ng kanyang matipunong dibdib at well-sculpted abs.

Natawa ang binata bago nakapagsalita,"A lot...very much... So, nakakatakot din.

"It’s new for me, but this is a new challenge na talagang handa ako. I’m very excited!"

Isa pang bago para kay Matteo ay ang characteristics o pag-uugali ng magiging role niya.

“Basically, Brennan [pangalan ng role niya] is from a rich family. He’s married already, astig na guy, walang takot, and he gets stuck in an island with a girl. But he’s married.

“So, makikita po natin dito yung conflict kung ano ang mangyayari sa kanya with another girl na married na siya,” kuwento ni Matteo.

Ang tinutukoy ng actor-host na makakasama niyang na-stranded sa isla ay si Jessy Mendiola.

Kalakaran na sa showbiz ang i-link ang magkapareha sa isang proyekto sa isa’t isa. Ngayong kay Jessy maipapareha si Matteo, nagparamdam na ba ng pag-aalala sa kanya ang real-life girlfriend niyang si Maja Salvador?

“Wala naman. Alam naman niyang professional… Alam naman niya ang trabaho at real-life. We are able to separate both,” sagot ni Matteo.

VERY HAPPY FOR MAJA. Nabanggit na rin lang si Maja, nasa Cebu daw si Matteo noon—bilang isa sa mga competitor sa triathlon na pinagkampeonan niya—nang manalong Best Actress ang kasintahan sa Gawad Urian para sa pelikulang Thelma.

“Nasa Cebu ako noon, pero pagbalik ko, talagang kino-congratulate siya.

“Alam ko talaga, gustung-gusto talaga niya [ang manalo]. ’Tapos, hindi pala niya na-expect, e. Na makukuha niya yung award.

“So, talagang masaya ako para sa kanya. Sobra, sobra.

"Natutuwa ako, kasi talagang she gave her 100 percent for that project, and I’m very, very happy for her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN