Kris Bernal does prod number with couple Mark Herras and Ynna Asistio to end jealousy issue

Mark Herras after production number with Kris Bernal and his girlfriend Yna Asistio: “Sana matuldukan na ‘yong issue. Normally kasi, pinapalaki lang naman ng mga tao. So, ‘eto na ‘yon. Nakita naman na okay kaming tatlo at nag-uusap naman talaga ‘yong dalawa.”


Sa pagsasama nilang tatlo sa isang production number sa Party Pilipinas noong Linggo, June 17, inaasahan ng magkasintahang Mark Herras at Ynna Asistio na matutuldukan na ang intrigang nagdadawit kay Kris Bernal sa kanilang relasyon.

May balita kasi na hindi raw nag-uusap sina Kris at Ynna.

Nagsimula ito sa balita tungkol pagseselos umano ni Ynna nang magbigay ng pagkain si Mark kay Kris kamakailan.

Nagatungan ito kaya naging isyu.

THE TRUTH! Sabi nga nina Kris, Ynna, at Mark nang magkakasabay silang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang nasabing production number, nagkalinawan na raw silang tatlo tungkol dito.

Pahayag ni Mark, “Actually, nagsimula iyon sa hindi pagkakaintindihan, e.”

“Na kasalanan niya! Hindi, joke lang!” pabiro namang pagtukoy ni Ynna kay Mark.

Si Kris naman, ikina-excite daw ang pagkakaroon nila ng production number.

Mula kay Kris, “Kasi first time iyon na magsama kami. At saka wala talagang tension.”

Ayon pa kay Mark, “Actually ‘yong production number na ibinigay sa amin, para makita ng lahat na… kasi nga sinasabi na hindi raw nag-uusap ‘yong dalawa [Kris and Ynna].

“’Tapos nagiging magulo daw ‘yong sa team-up namin ni Kris [sa afternoon series na Hiram Na Puso]. Na hindi naman talaga totoo.”

Si Ynna, aminadong sa umpisa ay medyo kinabahan siya nang malaman ang tungkol sa production number na gagawin nilang tatlo.

Aniya, “Kasi parang ang weird lang. After na gawan kami ng issue and all, bigla kaming nagkaroon ng production number together.

“No’ng una kasi, parang, ’Ano ito? Wala naman ako sa Hiram Na Puso para makasama nila sa production number.’

“So no’ng una, awkward siya. Pero no’ng nag-rehearse na kami, okay na.

“Kaya lang, during our performance, sobrang kinabahan pa rin ako. Pero happy naman ako sa ginawa namin.”

Kuwento naman ni Kris, “Masaya naman no’ng rehearsal namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natutuwa ako na siyempre, feeling ko, inabangan din ng mga tao na makita kaming tatlo sa isang production number.”

Dagdag ni Ynna, “Sana maulit pa. Kung gusto ng tao, e, di go! And wala naman ngang problema sa aming tatlo. ”

END OF ISSUE! Inaasahan ni Mark na, “Sana matuldukan na ‘yong issue. Normally kasi, pinapalaki lang naman ng mga tao.

“So, ‘eto na ‘yon. Nakita naman na okay kaming tatlo at nag-uusap naman talaga ‘yong dalawa [Ynna at Kris].

“Malinaw naman na in real life ay kami ni Ynna. At ‘yong sa amin ni Kris ay onscreen lang kasi nga magkapareha kami sa Hiram Na Puso.”

Dagdag paglilinaw ni Ynna, “Ang sa akin naman, kahit sinong kapareha ni Mark, nakasuporta lang ako.

"So, sila ni Kris, suportado ko sila sa Hiram Na Puso.

“Kaya sana huwag na kaming intrigahin pa. Kasi ever since naman na naging kami ni Mark, lahat naman ng naka-loveteam niya, okay sa akin, e.”

Si Kris, kahit matagal na silang break ni Jay Perillo, nananatiling single pa rin hanggang ngayon.

Siguro kung may lovelife lang siya, hindi malalagyan ng kulay ang magandang samahan nila ni Mark na ibinunga ng pagtatambal nila.

Inaasahan na rin daw ni Kris na mali-link siya ulit kay Aljur Abrenica sa pagbabalik-tambalan nila, lalo na at hiwalay na rin daw ang binata kay Kylie Padilla.

Aminado si Kris, excited daw siya sa muling pagsasama nila ni Aljur.

“Opo. Ang hinihintay ko na lang ay ang pagsisimula na magsama kami ulit sa trabaho,” sabi ng young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN