Solenn Heussaff on possibility of being linked to Vic Sotto: “E, ako may boyfriend!”

“Hindi. Alam naman niya na gano’n talaga sa showbiz. At saka super-supportive siya. Gano’n din naman ako sa kanya,” says Solenn Heussaff when asked if her boyfriend Nico Bolzico gets affected if she’s linked to other men.


Enjoy raw si Solenn Heusaff bilang karagdagang miyembro sa Dabarkads ng Eat Bulaga!.

Tungkol dito ang una niyang naikuwento nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas noong Linggo, June 17.

“Okay naman,” masigla niyang pahayag.

“Enjoy ako kasi mabait silang lahat. ‘Tapos natututo ako ng Tagalog do’n.

“Mas better na ang Tagalog ko ngayon. Hindi pa masyadong fluent yet, pero baka in the long time...

“Pero at least ngayon, naiintindihan ako ng lahat. May mga malalim na Tagalog words na itinuturo sina Ruby [Rodriguez] at Julia [Clarete], ganyan.

“So, masaya talaga ako sa Eat Bulaga!.”

Pero nag-a-adjust pa rin daw si Solenn kasi nasa pangalawang linggo pa lang siya sa pagku-co-host para sa toprating and longest-running noontime show on Philippine television.

“Right now, kapag may prompter or something, puwede kong mabasa in Tagalog.

“Pero ‘pag adlib-adlib, medyo Taglish pa ako!” nangiting sabi niya.

“Pero talagang silang lahat sa Eat Bulaga!, mabait sa akin. Parang pamilya silang lahat.

“So, kapag may newcomer, hindi sila ‘yong, ‘Ay, sino ‘yan?’ ‘Yong gano’n? Super welcoming silang lahat.”

Ano ang naging reaksiyon ni Solenn nang malaman niya na magiging miyembro na rin siya ng Eat Bulaga! family?

“I was a bit nervous kasi alam ko puro Tagalog. ‘Tapos ‘yong show na ‘yan, more than three decades nang pinaka-watched na television show sa Philippines.

"Bata pa ako, may Eat Bulaga! na. So, I never thought that I will be in Eat Bulaga! ever!

“Pero ngayon na nando’n na ako, I’m super happy.”

VIC SOTTO. Kapag may bagong female co-host na pumapasok sa Eat Bulaga!, hindi maiwasang intrigahin at i-link kay Bossing Vic Sotto.

“No one links me!” agad-agad na reaksiyon niya. “It’s just the press that makes something like that.”

Hindi nga malayong maugnay siya kay Vic, lalo’t balitang single na naman ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maugong ang usap-usapan na break na raw ang TV host-comedian at ang rumored girlfriend niyang si Pauleen Luna.

“E, ako, may boyfriend!” sabay tawa ni Solenn patungkol sa kanyang boyfriend na si Nico Bolzico.

Hindi kaya i-connect ang pagpasok niya sa Eat Bulaga! sa rumored breakup nina Vic at Pauleen? May tsismis na nga recently nagselos daw sa kanya itong si Pauleen.

“A, no! That’s also some people are starting to talk about.

“Pero nag-usap kami ni Pauleen. And I said, ‘Ano ba ‘yan? Bakit may gano’n?’

“’Tapos, ‘Hindi ko alam baka para sa news lang,’” sagot daw ni Pauleen.

“So we know how showbiz is. There’s really a lot of tsismis-tsismis.”

Paano nagri-react ang boyfriend niyang si sa mga pagkakataong may kung anu-anong intriga about her?

“Uhm, wala siyang paki. And I keep my private life private. So whatever happens in work, I take care of it.”

Hindi ito nagtatanong kahit halimbawa ay may nali-link sa kanya?

“Hindi. Alam naman niya na gano’n talaga sa showbiz. At saka super-supportive siya. Gano’n din naman ako sa kanya.”

NEW PROJECTS? Aside from Eat Bulaga!, ano pa ang mga bago niyang nakatakdang pagkaabalahan?

“May movie akong gagawin. In the talks na ang tungkol dito. Pero hindi pa ako puwedeng magsalita about it yet.

“Basta may dalawang movie ako this year. Isang love story, isang horror. Ako ang female lead," sabi niya.

Sino ang kanyang magiging leading man sa dalawang pelikulang inihahanda for her?

“Secret muna. Basta co-prod ito ng GMA Films at ng Regal.

“TV show? For now, ‘yong Fashbook [on GMA News TV] lang.

“At saka nga ‘yong Eat Bulaga! three times a week hanggang August, I think. ‘Tapos itong Party Pilipinas.”

Choice ba niya na magpahinga muna sa paglabas sa mga drama series pagkatapos ng Legacy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi. I’m waiting lang pa. Kapag merong bago, go ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN