Marvin Agustin clarifies transfer to TV5 just coincided with that of former GMA-7 executive Wilma Galvante

“Itong Artista Academy, ito yung when they offered this to me, sabi ko, masarap mag-host ng isang show na ganitong klase," says Marvin Agustin.


Isa nang Kapatid ang dating Kapuso actor na si Marvin Agustin.

Ang una nga niyang proyekto dito ay ang biggest reality talent search ng TV5, ang Artista Academy. Makakasama niyang mag-host dito ang dati ring Kapuso na si Cesar Montano.

Punung-puno ng energy at tawa nang tawa si Marvin nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na sinaksihan ang naganap na one-day grand audition ng Artista Academy, kahapon, June 19, sa Smart-Araneta Coliseum.

Bakit nagdesisyon siyang lumipat sa TV5?

Paliwanag ni Marvin, “Kasi itong Artista Academy, I like the show.

“Since naman last year, I’ve been working sa TV5 as a producer for Kanta Pilipinas.

“’Etong opportunity na ito, itong Artista Academy, nung maisip nilang gawin muna ito, then they offered it to me, in-explain nila sa akin yung show, parang naramdaman ko kung ano yung nararamdaman ng mga future artista nila.

“Sabi ko, parang masarap i-host, ang ganda e.”

Ilang taon ang pinirmahan niyang kontrata sa TV5?

“Two years. Well, it’s a non-exclusive contract,” banggit niya.

Non-exclusive pero guaranteed daw ang kontrata ni Marvin. Paano nangyari ito?

“E, nangyari, e. May manager ako, si Annabelle [Regalado-Borja]. Yung manager ko, magaling.”

So, puwede pa siyang gumawa ng ibang project sa ibang network?

“Bakit hindi? Pero alam n’yo naman na yung mga kontrata. Basta hindi kasabay ng shows ko dito sa TV5.”

Posible bang gumawa rin siya ng teleserye sa TV5?

“Meron ding offer. Pero may gagawin akong cooking show dito sa TV5, abangan nila yun.”

WILMA GALVANTE. Malaki ang involvement ng dating GMA-7 executive na si Ms. Wilma Galvante sa pagbuo ng Artista Academy.

Isa nga si Ma’am Wilma sa mga umupo sa audition kasama ang bagong Talent 5 Talent Center head na si Direk Mac Alejandre, si Roselle Monteverde-Teo ng Regal Entertainment, at si Gello Jamias.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naitanong tuloy ng PEP kay Marvin, totoo ba yung usap-usapan na diumano’y “where Wilma Galvante go, Marvin goes”?

“Uy, nauna naman ako dito. Where I go, Tita [Wilma] goes!” tawa niya.

“Actually, baligtad kayo. Hindi, nagkataon lang. Nauna ako kasi last year pa ako dito, e.”

HOSTING ARTISTA ACADEMY. Paano siya napili bilang host ng Artista Academy?

Saad ni Marvin, “Ang bilis ng mga pangyayari.

“Actually, nauna talaga yung Kanta Pilipinas, which I’m producing but I’m not hosting. Dito sa Artista Academy ako host.

“We’ve been working on Kanta Pilipinas since September-October of last year pa. ’Tapos, ewan ko ba, bigla akong tinawagan.

“Itong Artista Academy, ito yung when they offered this to me, sabi ko, masarap mag-host ng isang show na ganitong klase.”

Bakit daw siya ang napili?

Tila pabiro naman ang naging sagot dito ni Marvin:

“Mabait daw ako. I have the right attitude daw, ’naka na!

“I have stradom daw, wow! I have fame daw and fortune.

“I have the looks daw and the talent. Sabi! Ewan ko ba talaga.”

Ano ba ang kaibahan ng Artista Academy sa ibang talent search?

“Yung pinaka-big difference na sinasabi nila, sa ibang reality search natatapos yung reality doon sa academy o doon sa bahay, di ba?

“’Eto, lumalabas yung mga bata, umuuwi sa kanilang mga bahay at susundan sila, masusubaybayan ng mga viewers kung ano ang nangyayari sa kanila.”

Ano ang hinahanap nila sa mga nag-audition?

“At the end of the season, there would be one best actor and one best actress. Yun ang hinahanap namin.

“So, dito sa mga nag-audition pipili ng 300, ‘tapos magiging 100 hanggang makuha yung 16 finalists.”

Ano ang mangyayari sa mga mananalo pagkatapos ng search bukod sa mga premyong makukuha nila?

“Kaya nga sinabing best actor at best actress, siyempre may soap opera kaagad na naghihintay sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH CESAR. Sa tingin niya ba ay maghi-hit ang tandem nila ni Cesar bilang hosts ng Artista Academy?

“Idol ko yun, e. Pareho naman kaming pogi, di ba?” biro ni Marvin.

“Pareho naman kaming… I believe we both love our craft.

“At saka kami yung sinasabi nga nilang hindi lang talent at pagmamahal sa craft, but you have to have the right attitude, di ba? So, kami yun, feeling ko.

“Si Cesar as a director, a producer, alam niya kung paano kumilos nang tama bilang isang artista. Nag-uusap naman kami ni Cesar.”

Ano ang matotoka sa kanya sa paghu-host ng Artista Academy? Sa studio ba siya o lalabas din?

“Nandun ako Monday to Saturday, kasama ako sa reality, ‘tapos magkasama rin kami ni Cesar sa gala.”

PROCESS OF ENTERING SHOWBIZ. Overwhelmed nga si Marvin nang makita niya kung gaano karami ang nag-audition sa Artista Academy.

Tinatayang humigit-kumulang sa 10,000 mga kabataan na edad mula 16 hanggang 22 ang pumila at nag-audition.

Ayon kay Marvin, sa pagdating ng mga talent search nag-iba raw ang proseso ng pagpasok ng mga artista sa showbiz. Inalala pa nga niya kung paano siya nagsimula noon sa Star Circle ng ABS-CBN Star Magic.

Sa tingin niya ba pahirap na nang pahirap na makapasok bilang artista ngayon?

“Yes, pahirap nang pahirap dahil ang dami, e.

“Parang sinuwerte pa nga kami, yung batch namin dati. Wala pa yung mga ganitong klaseng reality shows.

“Kami noon, ni-launch kami bilang artista; ngayon, may mga reality shows na.

“But okay na rin, kasi yung show entertains people, at the same time, discover talents. So, okay na rin.

“Actually, fan ako ng mga reality shows, e. Kaya noong in-offer sa akin ito masayang-masaya ako.”

Siya ba naranasan niyang mag-audition noon?

“Nag-audition po ako dati sa comedy ng ABS. Natanggap ako.

“Nag-audition po ako doon sa Midnight Madness na naging Super Laff-In.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, na-discover ako, ‘tapos nag-audition ako doon sa show.

“Grabe yung audition na yun, kasi may mga artista na kaming kasama noon. Kasi pinaghalu-halo, e, nandun si Robin da Roza,” pag-alala pa ni Marvin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN