Eric Quizon requests prayers for Comedy King Dolphy

“He’s hanging on. But according to the doctors, he’s very critical,” says Eric Quizon about his father, Comedy King Dolphy, who is currently under observation at the Intensive Care Unit of the Makati Medical Center.


Muling hiniling ni Eric Quizon ang pagdarasal para sa ikabubuti ng kalagayan ng kanyang ama—ang King of Comedy na si Dolphy.

Ito ang kanyang naging pahayag nang humarap siya sa mga miyembro ng media na nakaantabay sa labas ng Makati Medical Center kanina, Hunyo 20.

“At this point, talagang kailangan namin ng dasal,” sabi ni Eric sa panayam sa kanya ng 24 Oras anchor na si Mike Enriquez.

“Alam ko na for the last couple of days ay nagdadasal ang ating mga kababayan at lahat ng mga nagmamahal sa kanya.

“Alam ko na ito ang nagpapalakas sa kanya, so sana ipagpatuloy lang nila ang kanilang pagdarasal.

"At sa lahat ng mga nagmamahal sa daddy ko, maraming-maraming salamat.”

“LUMALABAN SIYA.” Sa kanyang update, sinabi ni Eric na “very critical” na ang kundisyon ng kanyang ama.

Ito ay sanhi ng Chronic Obstructive Pulmonary Disorder (COPD) na unang nakita kay Dolphy limang taon na ang nakalilipas. Ito ay isang kundisyon na naglilimita ng paglabas-masok ng hangin sa baga, na nagiging sanhi ng paninikip nito.

“It’s a progressive disease. Para siyang cancer pero hindi kasing grabe ng cancer.

"When you say progressive, ‘yong body niya, basta patuloy lang siyang manghihina,” karagdagang paglalarawan ni Eric.

Sa ngayon, ayon kay Eric, “He’s hanging on. But according to the doctors, he’s very critical.”

Hindi naman daw masabi ng mga doktor kung ilang oras ang gagawing obserbasyon nila sa kalagayan ni Dolphy.

Sabi ni Eric, “Ang sinabi lang nila, ‘Let’s see his condition if his vitals are the same for a certain number of hours at magpatuloy lang ito, then magandang senyales ito.’

“But they said that it can change any time.”

“LAHAT KAMI AY VULNERABLE.” Samantala, sa hiwalay na panayam ni Korina Sanchez sa TV Patrol, inamin ni Eric na nasa maselang sitwasyon ngayon ang kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Right now, just like any family, lahat kami ay vulnerable. We’re all emotional lalo na kapag nakakausap namin ang mga doktor.

“The doctors naman are very truthful to us. Talagang sinasabi nila sa amin ang kanyang kondisyon, ang mga puwedeng mangyari, mga possibilities.

“Siyempre, ‘yong mga doktor, ginagawa nila ang mga trabaho nila. Talagang pinapanatili nila na pahabain ang buhay niya.”

Ito raw ang dahilan kaya siya na lamang ang humaharap sa publiko para magbigay ng update tungkol sa kanyang ama.

Saad ni Eric, “Sa dami kasi namin, baka magkahalu-halo ang statements namin, di ba? Gusto lang namin sana na isa lang ang pinanggagalingan.

“Kumbaga, para isa lang ang pinanggagalingan ng balita, hindi ‘yong salit-salitan na balita.

“As it is, nitong mga nakaraang araw, maraming lumalabas na patay na ‘yong daddy ko or may ganito, ganito, na wala namang nangyayaring gano’n.

“Because of that, gusto naming ma-avoid ‘yon kaya, as much as possible, gusto naming manggaling ang balita sa iisang tao lang. Kumbaga, napag-uusapan din naming pamilya ‘yon.”

Diin niya, “Like I said, they’re all very vulnerable and emotional.

“‘Yon lang, to subject them to this kind of situation at ‘yong ganitong klase ng pakikipagpanayam, baka maging emotional ang mga pamilya ko, ang mga kapatid ko.

"Kaya pinag-usapan namin na isa na lang ang magsasalita.”

NETIZENS PRAY FOR DOLPHY. Sa pamamagitan ng #PrayForDolphy na hashtag sa social networking site na Twitter, bumuhos ang panalangin ng mga Pilipino para sa ikabubuti ng kalagayan ng Comedy King.

Ilan sa mga kasamahan sa industriya na nakibahagi dito ay sina Sharon Cuneta at Gary Valenciano na ng-retweet ng hashtag na #PrayForDolphy

Ito naman ang post ng music artist na si Jim Paredes: “To Mang Dolphy, lab ka ng buong bayang sambayanang Pilipino.”

Ang It’s Showtime host naman na si Anne Curtis ay humiling sa kanyang three million followers na ipagdasal si Dolphy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya sa kanyang post, “Just read updates about Tito Dolphy. Prayer warriors let’s all pray for him....Get well soon Tito Dolphy.”

Nagpaabot na rin ng pakikiisa para sa pagdarasal kay Dolphy ang Malacañang Palace.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN