Xian Lim on relationship status with Kim Chiu: "We’re taking things slow... We’re not in a rush.”

Xian Lim on negative comments about his hosting skill: “Hindi ko naman kasi masyadong ini-entertain yung mga negatives, e. Marami rin naman ang natuwa, so doon ako sa mga natuwa siyempre... Of course, palagi namang there’s always room for improvement para tuluy-tuloy.”


Panibagong avenue na naman sa career ni Xian Lim ang ipinagkaloob sa kanya ng ABS-CBN—ang pagiging host.

Pagkatapos ng kanyang hosting gig noon sa Binibining Pilipinas 2012, mukhang ginu-groom na talaga ng Kapamilya network si Xian bilang isang host.

Kasama si Xian nina Matteo Guidicelli at Dimples Romana bilang hosts ng Promil Pre-School i-Shine Talent Camp, na magsisimula nang mapanood sa ABS-CBN sa Sabado, June 23, 9:30 ng umaga.

“Yes, okay naman, enjoy,” nakangiting sabi ng young actor tungkol sa kanyang hosting career.

Dagdag niya, “Enjoy kaming lahat—kami ni Dimples, Matteo.

“Kasi, nakakahawa yung mga bata, e. Happy sila. Nag-e-enjoy sila. So, kami rin.

“Nag-e-enjoy ako sa hosting and hopefully, it turns out well.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine tertainment Portal) si Xian noong Martes, June 19, sa 14thfloor ng ELJ Building sa ABS-CBN compound.

NEGATIVE COMMENTS. Nang mag-host si Xian ng Binibining Pilipinas 2012, iba’t iba ang naging feedback sa ginawa niya. Ngunit hindi maikakaila na merong hindi masyadong na-impress sa ginawa niya.

Ano ang masasabi niya sa negative comments sa kanyang paghu-host?

Ayon kay Xian, “Hindi ko naman kasi masyadong ini-entertain yung mga negatives, e.

“Marami rin naman ang natuwa, so doon ako sa mga natuwa siyempre.”

Ngunit nilinaw ng Star Magic talent na itinuturing niyang “constructive criticisms” ang mga nakarating sa kanyang negatibong komento.

“Of course, palagi namang there’s always room for improvement para tuluy-tuloy,” sabi niya.

TRIPLE THREAT. Dahil sa pagsabak niya sa paghu-host, maituturing nang multi-media artist si Xian dahil umaarte at kumakanta rin siya.

Ganito ba talaga ang packaging na ginagawa sa kanya ng ABS-CBN—ang maging isang triple threat?

Napangiti ito sabay sabing, “Wow, puwede! Ang sarap marinig no’n.

“Actually, ngayon ko lang narinig yun. Ang sarap pakinggan.

“Pero sana, successful.”

Sa lahat ng genre na nabanggit, saan niya mas gustong mag-focus?

“Ako kasi, basta sa lahat, gusto ko talaga ang lahat ng yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, bakit ako pipili ng gusto kong piliin lang ang isa kung puwedeng lahat?” sagot ni Xian.

Isa si Xian sa busiest Kapamilya stars ngayon. Ano ang nararamdaman niya na isa siya sa pinu-push at binibigyan ng mga oportunidad ng kanyang home network?

“Masaya, excited. Excited sa mga paparating. Excited akong makita kung ano pa ang mga kaya kong gawin,” sagot niya.

BIRTHDAY BOY. Sa July 12 ay ipagdiriwang ni Xian ang kanyang 23rd birthday. Ano ang plano niya sa espesyal na araw na ito?

“Siguro just a small bonding with family and friends, ganoon lang.”

Iimbitahin ba niya ang nali-link sa kanyang si Kim Chiu?

“Kung hindi siya busy, why not? Kung willing siyang pumunta, why not?” sagot ni Xian.

Pero kumusta na ba sila ni Kim ngayon?

“Okay naman po kami. We’re good friends and we’re enjoying each other’s company.”

Hindi pa ba umaakyat sa next level ang pagiging magkaibigan nila ni Kim?

“Wala pa naman. Kasi, we’re taking things slow.

“Hindi naman kami nagmamadali. We’re not in a rush.”

Pero hindi ba’t naging open naman siya na nanliligaw siya kay Kim?

“I’ve been open na. Sinasabi ko, I always wanna make her feel special. I just want her to be happy all the time.”

Hindi ba siya naiinip kung totoo ngang hindi pa sila?

“Of course not. Wala naman akong dapat ikainip, di ba?” tugon ng binata.

May nabago ba sa friendship o closeness nila ni Kim magmula noong magsama sila sa primetime series na My Binondo Girl?

“Well, siyempre, habang tumatagal ang pagsasama, nag-i-improve. Mas nakikilala namin ang isa’t isa.

“It’s not the same as before. Siyempre, mas marami na kaming alam sa isa’t isa.”

Ano ba ang alam niya kay Kim ngayon na hindi niya alam noon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami, e,” sambit niya.

“Parang mas alam ko na ang ugali niya.

“Actually, mahirap i-enumerate, e. Mas alam mo lang yung kilos ng isang tao.”

May bagong teleserye na pagsasamahan sina Xian at Kim—ang Ina Kapatid Anak.

Sabi ng young actor tungkol dito, “Excited na ako. Sana mag-start na siya.

“Kasi, parang noong My Binondo Girl na nagtuluy-tuloy kami, ‘eto, pasimula pa lang.

“So, excited na ako na dire-diretso.

“It’s a different story from My Binondo... Mas maraming twists and turns.

“Mas bigatin po ang mga artistang kasama namin at kasama rin sina Maja [Salvador] at Enchong [Dee].”

JEALOUSY. Sa lahat ng mga breaks na naibibigay sa kanya ngayon ng ABS-CBN, hindi ba niya nararamdaman na may naiinggit sa kanya na ibang Kapamilya stars?

“Hindi naman po kasi ako nagdu-dwell sa negative. Talagang happy-happy lang.

“Kasi, kapag happy lang, smooth-flowing ang lahat, e,” nakangiting sabi ni Xian.

Pero meron ba siyang nararamdaman na posibleng naiinggit sa kanya?

“Of course, meron. But I cannot please everyone.

“Pero yun nga, hopefully, habang tumagal po ako, makita rin nila ang kakayahan, di ba?”

May intriga kay Xian na tila nag-attitude daw siya sa isang commercial shoot na ginawa niya. Ano ang reaksiyon niya rito?

“Actually, yun nga rin ang sinasabi ko.

“May nag-explain sa akin niyan at mga details na nangyari na hindi po nagtugma sa mga ginawa kong commercials, so it’s completely false.

“Kung i-search man nila ang ibang commercials na ginawa ko, wala, walang ganoon.”

Masasabi ba niyang hindi pa siya nagbabago?

“Oo naman, of course not!” natatawang sabi ni Xian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN