Ella Cruz denies rivalry with fellow Kapamilya princesses Kathryn Bernardo and Julia Montes

Ella Cruz on patiently waiting for six long years for a good break in showbiz: “Sobrang thankful ako, sobrang saya na ito na yung pinakahihintay na panahon ko. Ilang shows ko na rin kasi ang na-shelved.”


Sa loob ng anim na taon, matiyagang sumubok gumawa ng pangalan si Ella Cruz sa showbiz.

At sa wakas ay natupad na rin ang minimithi niyang magbida sa pamamagitan ng fantaseryeng Aryana ng ABS-CBN.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ella sa pocket presscon ng Aryana noong Sabado, June 16, sinabi ng teen actress na napatunayan niyang may magandang bunga talaga ang paghihintay at pagtitiyaga.

Aniya, “Super worth it kasi simula pa nung bata ako, pinangarap ko na ito.

“Ilang auditions na rin ang napuntahan ko, pero hindi ako natatanggap.

“Para sa akin, sobrang worth it—na ito ang kabayaran sa lahat ng paghihirap na hinintay namin ng family ko.

“Nung nagsisimula ang Aryana, hindi ako makapaniwala na heto na, totoong-totoo na ito!

“Sobrang thankful ako, sobrang saya na ito na yung pinakahihintay na panahon ko. Ilang shows ko na rin kasi ang na-shelved.”

LONG WAIT. Mas na-challenge na maghintay at pagbutihan pa ni Ella ang trabaho kaysa mag-quit sa showbiz.

Aniya, “Hindi, mas lumalakas ang loob ko. Si Mama at ako, kahit kailan, never kami nagkaroon ng negative [attitude].

“Ang laging sinasabi ni Mama noon, siguro hindi ko pa panahon para sumikat… maghintay lang kami.”

Nagbunga nga ang lahat para kay Ella dahil mataas ang ratings ng Aryana.

“Siyempre sobrang saya ko, sobrang flattered and super thankful ako sa mga fans na sumusuporta sa show—kay God, sa ABS-CBN.

“Wala akong masasabi kundi ‘thank you,’ kasi hindi ko inaasahan na magiging ganun kataas ang ratings namin.”

RECOGNITION. Anu-ano ang mga pagbabago na nangyari kay Ella mula nang magkapangalan siya dahil sa Aryana?

Sagot niya, “Mas napapansin ako ng mga tao ngayon.

"Kailangan kong ingatan ang sarili ko kasi bawat galaw, salita, nakikita ng mga tao.

“Mas nag-gain din ako ng maraming followers sa Twitter saka ‘pag lumabas ako sa mall, mas nakikilala ako ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TWO LEADING MEN. Sino sa kapareha niya sa Aryana na sina Paul Salas at Dom Roque ang mas malapit sa puso ni Ella?

Sagot ng dating child actress, “Parehas lang silang close sa akin.

"Si Paul, matagal ko na siyang nakakasama.

“Si Dom, first time ko siyang nakasama, nakasalamuha, at madali siyang pakisamahan.

“Wala akong crush kasi sa akin, friends lang, barkada, saka madalas umaalis-alis kami.”

ROLE MODELS. Katulad ng ibang mga nagsisimulang mga artista, may mga artistang hinahangaan din si Ella na gusto niyang sundan ang yapak o makatrabaho.

“Si Ms. Judy Ann Santos, Ate Angel Locsin, and Anne Curtis.

“Si Ate Angel kasi, simula pa lang, sobrang idolo ko na siya. Parang siya yung pinakauna kong naging close na artista.

“Nung lumipat ako [sa ABS-CBN], kasama ko pa rin siya, walang nagbago sa ugali niya, ganun pa rin siya.

“Mabait pa rin siya, sobrang mahal niya ang pamilya niya at ginagawa niya.

“Si Ms. Judy Ann kasi, siyempre primetime queen siya. At gusto ko balang-araw, marating ko yung [maging] primetime queen.

“Si Ate Anne, yung confidence niya saka pinapakita niya kung sino siya talaga.

“Sa lalaki naman, si Coco Martin, isa siya sa pinakamagaling na aktor natin. Gusto ko siyang ma-meet.”

SAME BATCH. Pare-parehong pinu-push ngayon ng ABS-CBN ang halos magkakaedad na sina Ella, Julia Montes, at Kathryn Bernardo. Mayroon bang namumuong kumpetisyon sa kanilang tatlo?

Saad ni Ella, “Hindi maiiwasan yun, pero para sa akin, hindi ko nakikita na kakumpitensiya sila.

“Kasi silang dalawa ang naging inspirasyon ko, lalo na nung nag-i-start ang Mara Clara.

“Sila ang nag-inspire sa akin na balang-araw magkakaroon din ako ng show ko.

“Si Kathryn, nakasabay ko pa siyang mag-audition nun—siya yung nakuha at ako hindi.

“Si Ate Julia at si Kathryn, kasama ko rin sila nung mag-ASAP kami, nagkita-kita kami at natuwa naman ako sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kinongrats [congratulated] nila ako, hindi pa rin sila nagbabago.”

BREADWINNER? Sa bandang huli, natanong namin si Ella kung breadwinner ba siya ng kanyang pamilya, na kadalasang senaryo kapag may batang nag-aartista sa pamilya.

“Hindi naman kasi yung dad ko, may trabaho naman. Municipal councilor siya," sabi ni Ella.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN