PEP presents another first on online TV— Top 10!

The first edition of "Top 10" gives the PEPsters a rundown of the site’s most read breaking news stories, and is hosted by senior staff writer Demai Sunio-Granali (left) and staff writer Abby Mendoza.


Nauna nang inilunsad ng PEP ang kauna-unahang online showbiz talk show sa Pilipinas, ang PEP Talk, kung saan ang GMA-7 Primetime Queen na si Marian Rivera ang unang nakipagkuwentuhan sa mga PEP editors.

(CLICK HERE to read related story.)

Ngayon, may isa pang dapat abangan sa PEP TV—ang Top 10.

Ang maiinit na balitang may pinakamaraming bumasa at talagang pinag-usapan sa loob ng isang buwan ay iipunin at iisa-isahing hihimayin para sa mga PEPsters.

Abangan ang iba’t ibang estilo ng paghahain ng mga listahan ng hottest news (o anything hot sa showbiz) mula sa editorial team ng PEP.ph.

At sa unang edisyon ng Top 10, ang senior staff writer na si Demai Sunio-Granali at ang staff writer na si Abby Mendoza ang maghahatid ng pinakamainit at pinag-usapang balita noong buwan ng Mayo.

Isang mabilisang pagdedetalye ng mga bagay-bagay sa showbiz ang inyong matutunghayan at aabangan, hindi eksaherado, walang kiyeme, tuluy-tuloy, at isang buhos sa Top 10!

CLICK HERE to watch Top 10.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN