Dimples Romana challenged by new hosting assignment; says versatility gives her an edge

Dimples Romana reveals secret of staying long in showbiz: “Kasi kung talented ka nga, ’tapos masama naman ang ugali mo, hindi ka naman tatagal. Kung magpapakita ka ng sama ng ugali mo, madali kang mapapalitan.”


Panibagong career para kay Dimples Romana ang show na Promil i-Shine! Talent Camp dahil hindi pag-arte ang gagawin niya rito kundi ang paghu-host.

Kasama ni Dimples dito sina Xian Lim at Matteo Guidicelli.

Bago ang Promil i-Shine! Talent Camp, host din sa weekly morning show na Kabuhayang Swak Na Swak si Dimples kasama naman si Bobby Yan.

“Masyado kasing maaga yun, 7’o clock [a.m.]. Ang market kasi no’n, TFC [The Filipino Channel] kaya ganoon ang timeslot niya,” sabi niya tungkol sa isa pa iyang show.

HOSTING CHALLENGE. Biro ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dimples, sa hosting naman siya isinasabak ngayon ng Kapamilya network.

“Ikaw na!” hirit niya.

“E, siyempre, gusto ko rin subukan na magkaroon ng edge.

“Marami na kaming character actress and, somehow, meron pa rin ibang ginagawa apart from…

“Well… siyempre sa teleserye, nagpapahinga ka rin ng konti.

“Alangan namang ikaw lang nang ikaw ang nandoon, di ba? So, habang nagpapahinga ako, nagho-hosting naman ako.”

GOOD OPPORTUNITIES. Talagang certified Kapamilya na si Dimples dahil teenager pa lang siya ay nasa ABS-CBN na siya.

Sa mga artista ng Star Magic, isa si Dimples sa hindi napapabayaan o nababakante at ngayon nga’y nakakaikot pa.

“Oo, nakakaikot talaga,” nakangiting sabi ng 27-year-old actress.

Kung tutuusin, marami nang bagong artista bukod sa mga datihan na sa bakuran ng ABS-CBN. Pero si Dimples ay palaging nabibigyan ng oportunidad.

Saad niya, “Alam n’yo, palagi kong iniisip ‘yan kasi palaging tinatanong sa akin ‘yan kung bakit parang hindi raw ako nawawalan ng trabaho.

“Alam n’yo, ang feeling ko, kailangan kasi maging maayos ka sa mga katrabaho mo palagi—kailangan yun, e.

“Siyempre, alam ko na ang major decision palagi ay nasa management, pero may desisyon din ang mga taong nakakatrabaho mo…

“At kung magugustuhan ka nila at wala kang ginawang masama sa kanila, mas malaki ang tsansa mo na mas mabigyan ka pa ng mga trabahong markado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, hindi ka agad nila makakalimutan.”

Ayon pa kay Dimples, dapat magkasama talaga ang talento at magandang ugali.

“Kasi kung talented ka nga, ’tapos masama naman ang ugali mo, hindi ka naman tatagal.

“Ngayon pa man din na marami na kaming katrabaho, kung magpapakita ka ng sama ng ugali mo, madali kang mapapalitan.”

TIGHT COMPETITION. Sa dinami-dami ng mga baguhan, may kaba rin ba siya kung minsan?

“Siyempre,” sagot ni Dimples.

“Kaya nga talaga dapat, to really find other path.

“I want to be a character actress for the rest of my life, if that’s what you’re asking.

“At saka, less pressure for us. Ang pressure talaga sa bida. Pero kapag pumatok, lahat naman kami, damay.

“Ang sa akin, I just want to be wiser and stay in a very steady path ng karera.”

NEW VENTURE. Bukod sa mga pelikula, teleserye, at indie films, sasabak na rin si Dimples sa isang stage play sa kauna-unahang pagkakataon.

“First time kong magpe-play sa CCP [Cultural Center of the Philippines].

“Kay Direk Erik Matti naman ’yan… Virgin Labfest. Ito yung mga playwrights na first time pa lang magagamit.

“Si Direk Erik Matti kasi ang nagturo sa akin sa workshop. So, malaki ang utang na loob ko sa kanya.

“So, noong sinabi niya sa akin na gusto kong mag-play sa CCP, e, ‘Go tayo riyan!’”

Sa June 28 na raw ang stageplay niya.

“May disassociative identity disorder ako," banggit niya sa kanyang role.

Ang disassociative identity disorder o DID ay ang pagkakaroon ng dalawa o higit pang personalidad sa isang tao.

“So, limang tao ako. Ito naman yung… more on ang ino-nourish ko rito, is more on my acting ability.”

STAYING POSITIVE. Napaka-positibo ni Dimples at talagang very blessed daw siya ngayon.

Saad niya, “Alam mo, ang saya ngayon. Sa pamilya namin, kahit kanino mo itanong, sa in-laws ko at sa pamilya ko… sa nanay ko...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, kapag lumabas kami, maliit na ang beinte [katao]. Lahat kami, apat na kotse, limang kotse.

“Noong Father’s Day, nag-overnight kami sa Bulacan.

"Magge-guest ako sa isang serye. Hinintay nila ako do’n hanggang umaga. Hanggang 12 noon ng Father’s Day.

“’Tapos sabi ko, ‘Halika, punta tayo sa farm.’ Meron kaming maliit na lupa sa Tagaytay.

“Sabi ko, bisitahin natin ang caretaker ko, may sakit. Alam mo, pumayag sila—north to south, south to north… Kain kami ng bulalo.

“Pagdating sa bahay, ang nanay ko, nagluto—beinte kami, ha—nagluto siya ng seafoods.”

MARRIED YOUNG. Nag-asawa si Dimples noong 19 years old pa lang siya at kaka-celebrate lang nila ng asawang si Boyet Ahmee ng kanilang 9thwedding anniversary.

“Actually, eleven [years] na kaming together as a couple. Kasama yung boyfriend/girlfriend.”

Aminado si Dimples na noong magpakasal siya sa napakabatang edad, marami ang nagsabing hindi sila magtatagal at maghihiwalay rin.

“May pustahan pa nga sila. Pero pinanindigan naman namin ni Boyet.

"Totoo pala yun. Ang mag-asawa, hindi naman palaging in love.

"Mahal namin ang isa’t isa, pero may mga panahon na nagkakainisan din kami.

“Pero thank God, na naga-guide kami nang maayos ng mga magulang… importante pala yun.

“Dati kasi, kaaway ko palagi ang Mama ko.

“Pero totoo yun. Kapag naging magulang ka, ito pala yun, ito pala ang sinasabi ng nanay ko sa akin.

“And thankfully, nalaman ko yun nang mas maaga.”

MORE KIDS? Sinasadya ba nilang huwag munang sundan ang eight-year-old daughter nilang si Cal?

“Hindi. Kasi kung ako ang tatanungin, isa lang ang gusto ko. Pero parang masaya rin kasi yung marami.

“At saka siguro, 27 pa lang ako. So, ang goal namin ni Boyet, bago ako mag-thirty, makadalawa pa sana kami.

“Siyempre practical kami. Dapat ipon muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN