Agot Isidro on learning about Dolphy’s critical condition: "Naiyak talaga ako."

Agot Isidro (second from right) with GMA Network executives Redgie Acuña-Magno, Lilybeth Rasonable, and Atty. Felipe Gozon, and Agot’s manager, Shirley Kuan (extreme right) after the singer-actress’ contract signing with GMA-7.


Pormal nang pumirma ng two-year exclusive contract sa GMA-7 ang bagong Kapuso star na si Agot Isidro.

Naganap ang contract signing kahapon, June 21, sa Boardroom ng GMA Network Center.

Present sa contract signing ni Agot sina GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon, AVP for Drama Ms. Redgie Acuña-Magno, OIC for Entertainment Television Ms. Lilybeth Rasonable, at ang manager ni Agot na si Shirley Kuan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Atty. Gozon, sinabi nitong napapanood daw niya si Agot noong nasa ABS-CBN pa ito. Ngayon ay mas aabangan niya ito dahil nasa bakuran na ito ng Kapuso network.

Ano ang masasabi rito ni Agot?

“I am so touched kasi first time ko makilala si Atty. Gozon and he’s such a nice and funny person pala.

“Narinig ko nga ang interview ninyo sa kanya na napapanood pala niya ako.

“Now that I am officially a Kapuso, sana ay huwag naman siyang magsawang panoorin ako dito,” nakangiting sabi niya.

GOOD FEEDBACKS. Masayang-masaya naman si Agot sa magandang feedback ng One True Love, lalo na’t marami ang natutuwa sa pagganap niya bilang ang kontrabidang si Leila.

Saad niya, “Nakakatuwa kasi noong makasama ako sa regional shows ng GMA-7, inaabangan daw nila parati ang One True Love.

“Hinihintay nila kung ano ang gagawin kong pananakit kay Elize [ Louise delos Reyes]!

“Lagi nga akong nagsu-sorry sa batang ‘yan. Kasi halos lahat ng eksena namin since naging teenager na nga siya sa story, nagiging pisikal ako sa kanya.

“Like in one scene na sinabunutan ko siya habang tulog siya, medyo na-bother ako doon.

“Tinanong ko naman sa director namin na si Direk Andoy [Ranay] kung okay ba ’yon. Kasi umagang-umaga, tulog pa ang bata, sabunot agad?

“Nag-suggest ako na kung okay lang na yugyugin ko lang sa braso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sabi ni Direk Andoy na kailangan sabunot. Kasi na-establish na raw ang character ko na very mean ako kay Elize, kaya kailangan consistent ako.

“Sa rehearsal pa lang naman, sinasabihan ko na si Louise na ganito ang mangyayari. Sa ganitong part ng katawan o mukha niya tatama kaya ilag lang siya.

“Si Louise naman, she’s very professional. Marunong siyang sumunod at alam niya ang mga gagawin niya kapag nag-take na kami.

“Kapag eksena kasi namin, intense parati and she’s more than ready.

“Kaya after a take with her, nagsu-sorry talaga ako and I make sure na hindi siya nasaktan talaga.

"Makikita ko na lang nakangiti siya at natutuwa siya sa eksena namin.”

ALDEN RICHARDS. Wala pa raw matinding eksena si Agot with Tisoy, na ginagampanan naman ni Alden Richards, pero for sure ay makakatikim din daw ito ng pananakit ni Leila.

“So far, wala pa akong mahabang eksena with Alden. Puro mga short scenes pa lang.

“Pero huwag silang mag-alala at nakakatikim din ng sampal si Tisoy sa akin!” malakas na tawa ni Agot.

“Wala yatang character sa One True Love na hindi ko masasampal, e. Abangan na lang nila ang magiging latest victim ko!”

JEAN GARCIA. Pero ang dapat abangan daw ay ang mga eksena nila ni Ellen na karakter naman ni Jean Garcia.

Tiyak daw na masa-shock ang lahat sa mga magiging sagutan at sakitan ng dalawa.

“Mapapanood na nila next week ang mga bangayan namin ni Jean, kasi nga nakalaya na siya, di ba?

“May kinunan nga kaming scene na parang hindi nakuntento si Jean at sinabi niya na ibigay ko nang todo.

“E, siyempre nakikiramdam ako at baka ma-offend naman si Jean kung itodo ko na hindi siya aware.

“At least, nanggaling na kay Jean mismo na gusto niya ay todong eksena.

“Bahala na raw siyang saluhin ang anumang gawin ko sa kanya,” sabi ni Agot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PRAYING FOR DOLPHY. Isa rin si Agot sa labis na nagdarasal para sa kalusugan at kaligtasan ni Mang Dolphy.

Naging leading lady ni Dolphy si Agot sa pelikulang Da Best In Da West 2: Da Western Pulis Istori noong 1996.

Sobra raw unforgettable ang experience ni Agot na makatrabaho ang tinaguriang King of Comedy.

“When the project was offered to me, hindi ako nagdalawang-isip.

"That was my chance to work with a big star like Tito Dolphy. Sino naman ang hihindi, di ba?

“Tito Dolphy is one of the most generous people I’ve met in this business.

“He’s very caring and very loving sa lahat ng taong makatrabaho niya.

“Mas lalo na sa mga taong humihingi ng tulong sa kanya. Hindi siya naging madamot na tao talaga.

“During our shooting nga, ang daming taong dumarating sa set. People na doon lang nakikilala ni Tito Dolphy at humihingi ng tulong.

“Nakikita kong ina-accommodate sila ni Tito Dolphy kahit na alam mong busy siya or nagpapahinga siya.

“Siya pa mismo ang magpapatawag sa taong iyon at kakausapin pa niya.

“Hindi lang siya yung mag-uutos na ibigay ang tulong niya. Siya ang gagawa at makikipagkuwentuhan pa siya."

Patuloy ni Agot, “Kaya it’s sad to know ang kalagayan niya. Kaya I keep on praying for him and for his family.

“Noong malaman ko nga last Wednesday na he was in critical condition, naiyak talaga ako.

"Because I could not imagine ang pinagdaraanan ngayon ng mga anak niya and, of course, si Zsa Zsa [Padilla],” banggit niya sa long-time partner ng King of Comedy.

“Mahirap na para sa atin, what more sa pamilya niya? Kaya let’s all pray for all of them.

“Para madagdagan pa ang strength nila spiritually. And for Tito Dolphy to recover from his condition.”

Close si Agot kay Zsa Zsa at paminsan-minsan ay kinukumusta niya raw ang Divine Diva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Zsa Zsa, nakausap ko siya a few weeks ago pa. Okay naman si Tito Dolpy that time. But I always tell both of them to take care.

“Now, hanggang sa texting lang kami ni Zsa Zsa. She replies naman that she’s fine and she’s being strong.

“Kilala ko naman si Zsa Zsa. Matapang ang babaeng ‘yan.

"Kaya let’s all be strong and be one in prayer for Tito Dolphy and for his family,” pagtatapos ni Agot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN