Alfred Vargas mulls moving up from councilor to congressman in 2013 elections

"Sobrang fulfilling pero sobrang hirap din ng trabaho kasi ang laki ng responsibility na nasa balikat mo," says actor-politician Alfred Vargas about being a councilor of Quezon City.


Mula sa pagiging konsehal ng ikalawang distrito ng Quezon City, may posibilidad na tumakbo sa mas mataas na posisyon ang aktor na si Alfred Vargas sa 2013 elections.

Ito ang naging pahayag ni Alfred sa maikling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) sa press conference ng bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Lorenzo’s Time. Ito ay ginanap sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City kagabi, Hunyo 21.

Sabi niya, “Maraming nagpu-push sa akin, ‘yong mga tao may clamor na tumakbo tayo for Congress, for higher office.

“Parang gusto nila na mag-Congress na [ako] kasi bagong disctrict siya. Mukhang very positive naman at very encouraging naman ‘yong mga tao at saka ‘yong mga surveys.”

Ibig sabihin ba nito ay desidido na siyang umakyat sa mas mataas na posisyon sa susunod na eleksyon?

Sagot ni Alfred, “Siyempre, pinag-iisipan pa natin kung magpa-file tayo.

“October pa naman ‘yong filing so hindi muna natin masyadong iniisip. Pero mapagdedesisyunan din natin.”

Pagdating daw sa pagdedesisyon tungkol dito, susundin ng actor-politician ang hiling ng mga constituents niya.

“Gusto ko kasing sundin kung ano ‘yong gusto ng mga taong bumoto sa akin. Siguro mag-uusap muna kami ng mabuti,” sabi ni Alfred.

READY TO STEP UP. Kung sakali, makakaya naman daw siguro ni Alfred ang tungkulin ng isang kongresista dahil halos pareho lang naman ito sa tungkulin ng isang konsehal.

“I think parehas siyang legislation so kaya naman,” aniya.

“Actually, wala namang hesitation sa akin. Basta kailangan pag-isipan na lang ng mabuti kung ano ang gusto ng tao.”

Tila nagustuhan na ni Alfred ang kanyang bagong trabaho bilang konsehal kaya parang interesado siyang ipagpatuloy ito.

Ano ang nararamdaman niya bilang public servan?

“Masarap na mahirap.

“Sobrang fulfilling pero sobrang hirap din ng trabaho, kasi ang laki ng responsibility na nasa balikat mo.

“Pero at the end of the day, sobrang fulfilling kasi marami kang natutulungan,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nahalal bilang konsehal ng ikalawang distrito ng Quezon City si Alfred noong 2010.

Kasama niya sa mga nanalo ang comedian na si Roderick Paulate at dating That’s Entertaiment talent na si Precious Hipolito-Castelo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN