Part 2. Carmina Villarroel on working with Zaijian Jaranilla: "No wonder na siya ay child wonder."

Carmina Villarroel is all praises for her Lorenzo’s Time co-star, Zaijian Jaranilla: "Lahat sila nagsasabi na ‘brilliant, napakagaling, nakapakahusay.’ Mapatulala ka nga. Kung hindi ka masyadong prepared, lalamunin ka sa eksena. Hindi puwedeng papetiks-petiks lang, ‘bata lang naman ‘yan.’ Mata pa lang niya, very charming. Ang galing… basta ang galing!”


Bukod sa paghu-host ng Saturday showbiz talk show na Showbiz Inside Report, si Carmina rin ang pansamantalang pumalit kay Anne Curtis sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime. Nasa Amerika kasi ngayon si Anne para sa shooting ng isang international movie.

At ngayon ay kasama nga si Carmina sa pinakabagong primetime series ng Kapamilya network na magsisimula na sa July 2—ang Lorenzo’s Time.

Si Carmina ang gumaganap na “love interest” ng child star na si Zaijian Jaranilla sa serye.

“Ako, sobrang excited ako talaga, looking forward talaga ako.

“Nung bumalik ako sa ABS, ang sabi ko, yun talaga ang na-miss ko—yung gumawa ng serye.

“Bonus na lang talaga yung mga katrabaho ko… si Zaijian.

“Siymepre child wonder, natutuwa ako dun sa bata, so parang bonus.

“Bonus talaga nakabalik ako sa teleserye, ‘tapos si Zaijian pa ang makakasama ko. Wala akong reklamo, napakahusay.

"No wonder na siya ay child wonder.

"Lahat sila nagsasabi na ‘brilliant, napakagaling, nakapakahusay.’

“Mapatulala ka nga. Kung hindi ka masyadong prepared, lalamunin ka sa eksena.

“Hindi puwedeng papetiks-petiks lang, ‘bata lang naman ‘yan.’

“Mata pa lang niya, very charming. Ang galing… basta ang galing!”

Labis-labis din ang pasasalamat ni Carmina na sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN ay magaganda at mga dekalidad ang mga programang ibinibigay sa kanya ng binalikang network.

“Siyempre unang-una, very thankful, as always, blessed… sobra lang, e.

“Siguro baka nararamdaman din ng mga tao na nakabalik ako sa tahanan ko talaga, sa pamilya ko talaga.

“Siguro overflowing lang of emotions kaya pati sila natutuwa.

“Iba, iba talaga. It feels good to be back home," sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN