Ryan Bang on possibility of romance with Melai Cantiveros: “May posibilidad lahat, di ba? Pero hindi kami ni Melai, parang magkapatid lang kami.”

Ryan Bang tries to be mysterious in revealing who his special guest will be on his birthday tribute in Banana Split: “Basta, sana po panoorin n’yo, kasi sobrang nakaka-touch po talaga.”


Produkto ng Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010 ang Koreanong si Ryan Bang na unti-unting nagiging matagumpay sa kanyang career sa showbiz.

Nagsimula si Ryan sa pagiging judge ng Showtime. Recently ay napanood siya sa Every Breath You Take, ang pelikula nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban para sa Star Cinema.

Nagkaroon din si Ryan ng special appearance sa Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme na pinagbidahan ni Eugene Domingo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryan sa taping ng Banana Split noong isang linggo sa Club Mwah.

Naihayag niyang masaya siya sa lahat ng mga nangyayari sa showbiz career niya dito sa Pillipinas.

“Sobrang happy ako dahil may chance na ako na magpatawa ng mga tao. Kapag Showtime, Banana Split, sobrang happy akong talaga.

“At saka, sa Showtime at Banana Split talaga, never akong nakaramdam na trabaho.

“Kung may chance pa ako sa movie, natatawa sila palagi.

“Noong nanood ako sa sinehan, nakita ko, tawang-tawa sila. Natutuwa rin ako siyempre, lalo na ako.

“Yung buhay ko, hindi na malungkot. Araw-araw, masaya ako," sabi ni Ryan.

HEARTBROKEN. Nakita ni Ryan na nalungkot ang mga kasamahan at kaibigan niyang sina Angelica Panganiban at Melai Cantiveros.

Halos sabay kasing nagdaan ang dalawa sa breakup—si Angelica kay Derek Ramsay at si Melai kay Jason Francisco.

Sabi ni Ryan, “Siyempre, may nangyari, e. So siyempre, malungkot, di ba? Pero move on sila agad. ”

Naging taga-aliw ba siya ng mga ito?

“Parehas lang. Hindi ko naman sinasadya na para aliwin sila. Normal lang kami.

"Yung totoo ako. Usap-usap kami, kuwentuhan.”

Natawa naman kami sa reaksiyon niya nang hiritan namin na nali-link daw siya kay Melai ngayon.

“Ako talaga?!” pagtataka niyang sabi.

“Magkapatid lang kami. Sobrang super close kami ni Melai. Super close din ako kay Jason Francisco.

“Palagi siyang natutulog sa bahay ko, si Jason. Best friend ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, wala naman talagang tsismis sa amin ni Melai, magkapatid lang kami.”

Imposible ba na maging sila ni Melai o magkagusto siya rito?

“Alam n’yo, lahat possible… puwede. Kahit sino… buong mundo. Lahat ng tao, di ba?

“May posibilidad lahat, di ba? Pero hindi kami ni Melai, parang magkapatid lang kami," diin niya.

COMPETITION. Sa mga shows niya ba ay nagkakaroon ng sapawan o inggitan lalo na kung mas dumarami ang exposure niya kaysa sa iba?

“Wala,” sabi niya agad.

“Wala talagang ganoon.

“At saka ako, ha? Sa dalawang taon ko sa showbiz, never na nangyari sa akin ‘yan.

“Never ko naramdaman. Lahat sila kaibigan. Kaya masaya ako dito sa Philippines.”

BIRTHDAY BASH. Noong June 16 ang ika-21 taong kaarawan ni Ryan at inasahan niyang darating ang mommy niya.

Concern ni Ryan na sana, kapag nagkita sila ng mommy niya, magustuhan nito ang buhok niya.

“Kasi ang mommy ko, nanonood siya palagi ng shows ko. Kapag tapos na niyang panoorin, tumatawag siya sa akin.

“Noong minsan, sabi niya, bakit daw ganoon ang buhok ko, ang pangit daw!” natatawa niyang sabi.

“Gusto lang niyang manood ng Showtime nang live.

“At saka, gustong makita ng mommy ko yung bahay ko. Hindi pa kasi niya nakikita.”

Isang simpleng selebrasyon na lang ang ginawa noong birthday niya.

Na-touch naman daw siya sa mga naging regalo ng mga kasamahan niya sa Showtime at Banana Split.

“Simple lang, konting handaan lang, kasi magastos.”

Ryan Bang episode naman ang mapapanood bukas, June 23, sa Banana Split pagkatapos ng PBB Teen Edition 4 para sa birthday celebration niya.

Nagkaroon daw siya ng isang misteryosong bisita na ayaw pang i-reveal kung sino.

“Basta, sana po panoorin n’yo, kasi sobrang nakaka-touch po talaga.”

Ano ang birthday wish niya?

“Sana magka-pelikula ako kasama yung tropa ko sa It’s Showtime! at Banana Split—yung isang project na nandoon po lahat," asam ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN