Former actress Pamela Ponti thanks Zsa Zsa Padilla for taking care of Dolphy

Alice Smith, formerly known as ’60s actress Pamela Ponti (left), issued a statement about the present condition of Comedy King Dolphy. The former actress also thanked singer-actress Zsa Zsa Padilla (right) for standing by Dolphy’s side. Alice is the mother of Dolphy’s four children—Ronnie, Eric, Madonna and Jeffrey Quizon.


Isang pahayag ang inilabas ng dating aktres na si Pamela Ponti kaugnay ng kalagayan ngayon ng Comedy King na si Dolphy.

Si Pamela, o Alice Smith sa totoong buhay, ang ina ng apat na anak ni Dolphy—sina Ronnie, Eric, Madonna, at Jeffrey.

Sa statement na ipinadala ni Alice sa ABS-CBN News ay pinasalamatan niya ang mga nananalangin para sa ikagagaling ng Hari ng Komedya, na hanggang ngayon ay nasa kritikal na kundisyon pa rin sa Makati Medical Center.

Ayon kay Alice, "We, the family, will forever be grateful for the overwhelming support and prayers that you have given Dolphy.

“I know kung gaano niyo siya kamahal at sa inyo lang kami kumukuha ng lakas. Sana po ipagpatuloy n’yo pa rin na ipagdasal ang kanyang kalusugan.”

Pinasalamatan din ni Alice ang longtime partner ni Dolphy na si Zsa Zsa Padilla dahil sa hindi nito pagbitiw sa kinahaharap na pagsubok.

"Nagpapasalamat din ako kay Zsa Zsa na nandiyan siya at di bumibitiw sa paglingap kay Dolphy.

“Gusto ko ding makasama at madamayan, hindi lang ang mga anak ko, kung hindi ang buong pamilya at pati mga kapatid ni Dolphy na sina Auring, Josie, at Laura.”

Humingi rin ng pang-unawa si Alice dahil sa hindi niya pagbabalik sa Pilipinas upang personal na damayan si Dolphy.

Naka-base na kasi sa Vallejo, California ang ‘60s actress at mayroon siyang sikat na Filipino restaurant doon.

Saad ng dating aktres, "Sana po maunawaan n’yo ang aming kalagayan sa panahong ito.

“Ang aking mga anak na sina Ronnie, Eric, Donna at Jeffrey, at iba pang mga anak ni Dolphy ay nagkakaisa sa pagtutulungan at pagdadamayan.

"Alam n’yo naman ang buhay sa Amerika, you cannot just leave your work.

“Pero kung talagang kailangan nilang makasama ako, gugustuhin ko rin na nandiyan ako sa tabi nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Inaasahan ko ang pag-unawa ng mga kapatid at kaanak ni Dolphy,

"At sa aking mga kaibigan, hinihiling ko po sa inyo na ipagpatuloy ang pagdasal at paghingi ng tulong sa ating Maykapal na tulungan siya at maging magaan para sa kanya ang lahat."

Ang ilan sa mga pelikulang ginawa ni Pamela Ponti ay James Ban-dong (1964), Dolpinger (1965), at Dolpong Scarface (1966).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN