(UPDATED) Ruffa Gutierrez quits Paparazzi and claims, “Binastos ako ng Paparazzi on my birthday”

“From this day on, I will no longer be part of Paparazzi. I will never tolerate DISRESPECT in any form done to me, to my children or to my beloved viewers,” this was Ruffa Gutierrez’s angry announcement, moments after the June 23 birthday presentation prepared for her by Paparazzi, TV5’s weekend entertainment show.


Sunud-sunod ang mga maiinit na Twitter post ni Ruffa Gutierrez kanina lamang, Hunyo 23, matapos ang birthday presentation na inihanda sa kanya ng weekend talk show ng TV5, ang Paparazzi.

“KALURX!!” ang una niyang post na sinundan ng galit pang mensahe na, “Hindi ako natuwa sa birthday presentation ng Paparazzi para sa akin. Wala kayong kwenta at wala kayong respeto.”

Patuloy pa niya sa Twitter, “The msg from Habitat for Humanity & Ms Faith of Avon Philippines was heartwarming but what happened after that was a disgrace.

“Hindi nyo man lang naisip na nanonood ang mga anak ko! Yung head ng PROGRESS Gold Milk of Wyeth was at the studio, my friends were watching.”

Pagkatapos ay inilahad niya, “Binastos ako ng Paparazzi on my birthday. I’m so sorry but THE BUZZ would never do this to me. EVER!”

Ang pinagmulan umano ng galit ni Ruffa ay nang tanungin siya ng bastos na katanungan patungkol sa mga lalaking na-link sa kanya noon.

Sa sumunod niyang tweet, sinabi ni Ruffa na hindi na siya magiging parte ng naturang weekend entertainment show.

“From this day on, I will no longer be part of Paparazzi. I will never tolerate DISRESPECT in any form done to me, to my children or to my beloved viewers.

“I refuse to be part of trashy reporting that degrades people or shames others.

“I know God will provide work for me in other ways so I can take care of my daughters.

“Lorin and Venice were watching Paparazzi earlier cuz they were excited to see my reaction on the handmade card/note they made for me.”

ANNABELLE RAMA REACTS. Ilang sandali matapos ang sunud-sunod na post ni Ruffa sa Twitter, ang ina at showbiz manager naman niyang si Annabelle Rama ang nagpahayag ng galit sa nabanggit na microblogging site.

Ilan sa kanyang mga tweet ay ang mga sumusunod:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“(1) Dapat tanggalin na yang mga... writers ng Paparazzi!

“(2) Akala nila natutuwa ang mga viewers sa mga kabastusan nila?...

“(3) Nauubusan na ba kayo ng ideas? Dapat yang mga... writers ng Paparazzi ilagay sa 2am na slot, di sa tanghali

“(4) May mga batang nanunood sa inyo, katulad ng mga apo ko! Inaabangan nila ang bday celebration ng mommy nila."

TV5 STATEMENT. Nagpadala ng opisyal na pahayag ang Kapatid network tungkol sa isyung ito:

"TV 5 management is seriously concerned about the turn of events today at Paparazzi and is now looking into the incident. We promise everyone that we shall take appropriate action."

Bukas din ang PEP sa anumang karagdagang pahayag mula sa kampo ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN