Eric Quizon says his family has signed a "waiver" in connection with Dolphy’s hospitalization for COPD

“It’s difficult to answer that question at the moment. But we have signed a waiver. Pero palagay ko yung sinaynan namin na yun dapat sa amin na lang. Kasi kumbaga, that’s a family matter," Eric Quizon told Startalk TX co-host Ricky Lo on June 23 when he asked about Dolphy’s (in photo) alleged "do not resuscitate" status.


Sa live interview ng Startalk TX kay Eric Quizon, anak ng Comedy King na si Dolphy, kahapon, June 23, inamin niya na pumirma na ng waiver ang pamilya nila kaugnay pa rin ng pagkakaospital ng kanyang ama at pagkakalagay nito sa kritikal na kundisyon dahil nga sa sakit nitong Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD).

“It’s difficult to answer that question at the moment. But we have signed a waiver. Pero palagay ko yung sinaynan namin na yun dapat sa amin na lang. Kasi kumbaga, that’s a family matter.”

Ito ang naging tugon ni Eric nang hingan siya ng reaksyon ng Startalk TX co-host na si Ricky Lo tungkol sa lumabas sa mga pahayagan na diumano’y “do not resuscitate” na ang mangyayari kung sakali mang lumala ang kundisyon ni Dolphy.

Ayon sa pagsasaliksik ng PEP.ph (Philipppine Entertainment Portal), “In medicine, a ‘do not resuscitate’ or ‘DNR,’ sometimes called a ‘No Code,’ is a legal order written either in the hospital or on a legal form to respect the wishes of a patient to not undergo CPR or advanced cardiac life support (ACLS) if their heart were to stop or they were to stop breathing.”

NOT IMPROVING BUT NOT DETERIORATING. Bago ito ay nagbigay nga muna ng update si Eric kay Ricky tungkol sa kundisyon ng kanyang ama kahapon pagkatapos ng naganap na presscon.

“For the last two days, he’s been very stable. Like I said nga in the presscon earlier, nung nagbigay ako ng medical update, yung kanyang ano, tumataas-baba. Yung kanyang hemoglobin count kahapon okay, ngayon naman bumaba. Yung platelet count niya kahapon sobrang baba, ngayon tumaas nang konti pero mababa pa rin.

“So, kumbaga, parang he’s in that stage na he’s not really improving but he’s not really deteriorating. Kumbaga nandudoon lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun lang ang maganda doon kahit papaano. Hindi siya nagde-deteriorate, hindi siya nag-i-improve. Kung meron mang improvement, very minimal. Yung deterioration, very minimal din. Somehow nakukontrol naman lahat siya.

“So, ang maganda lang ngayon yung puso nga niya is very good, is in very good condition. Yung heart rate niya is okay, yung blood pressure niya okay, so somehow maganda yun.

"Yesterday nagkaroon siya ng pneumonia, so hanggang ngayon may pneumonia pa rin siya. Then yung kidney lang niya, kaya of course, we decided to adminsiter dialysis again.”

DIALYSIS. Pang-ilang dialysis na ito? tanong ni Ricky Lo kay Eric.

“Supposedly kasi ang plano nila was like three days straight e.

"Pero naputol yun kahapon [June 22] when the doctors decided to stop kasi nga ang nangyari kahapon was, tumaas yung kanyang heart rate.

"Tapos yung blood pressure niya bumaba. So, kaya sabi nila, ‘O stop muna tayo. Pahinga muna natin ang daddy ninyo.’ So, pinapahinga namin siya.

“Hindi naman namin ia-administer yung dialysis today kung hindi niya kakayanin e. So, nung okay ang vitals niya, we decided to do the dialysis again kanina at 8:30 in the morning. At ang sabi nga ng doctor, ang gusto nila at least mga ano… at least six to eight hours.

"Ang gusto nilang diaysis today is six to eight hours. Kung magkakaroon ng side effects or epekto, babawasan nila. Pero ideally sana, between six to eight hours. Pero since 8:30 pa yun, dina-dialysis pa rin siya, so nakaka-seven hours na siya.”

Continuous yung seven hours na dialysis?

“Yes continuous. Kaya tinanggal muna yung blood transfusion kasi nga dahil dina-dialysis pa rin siya. Tapos yun na nga yung hemoglobin count niya kahapon was okay, [it] was 11.

"Pero yung hemoglobin count niya ngayon bumaba, naging 7 lang. Tapos yung platelet count niya tumaas naman dahil doon sa platelet concentration na ibinibigay sa kanya, na trina-transfuse sa kanya. Yesteday was really low 46,000, ngayon nasa 74,000.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Is it a reason for concern pag tumataas at bumababa yung hemoglobin count at yung platelets?

“Yes, because there is internal bleeding e. So, kaya naggaganun-ganun siya (tumataas-bumababa) because nagkakaroon siya ng internal bleeding. And siyempre we cannot do surgery.

"We can not find out why ang sinasabi nila there is an abrasion or something somewhere. Could be sa colon or sa stomach lining. So, hindi pa natin talaga masigurado kung ano yun. Dahil hindi talaga tayo pwedeng mag-perform ng kahit anong surgery or whatever.”

SENSE OF HUMOR. Pagkatapos ng dialysis, aware ba si Mang Dolphy kung ano ang nangyayari? Totoo bang nandun pa rin ang sense of humor nito sa kabila ng kundisyon niya? tanong ni Ricky Lo kay Eric.

“Well, may mga ginagawa siya like tinataas-taas yung eyebrow na ganun. Yung nakikita mo kasi, na parang kamukha noon, may one time na dinikit ni Zsa Zsa [Padilla, partner ni Dolphy] ang ulo niya. Sabi niya, ‘Lovey, lovey.’ Ang daddy ko parang gumanun [gumalaw ang ulo]. Yung nakikipag-ano na parang pusa na ginaganun [yung ulo].

“Ang maganda lang talaga kapag naririnig niya na tinatawag siya ng daddy, especially today.

"Kasi kahapon he was not that responsive, e. I think that was because nagkaroon siya ng pneumonia. Nagkaroon ng effect yung maraming antibiotics na ibinigay sa kanya. So, he was not as responsive.

"I could be wrong, no. Hindi ko alam kung tama yung sinasabi ko [on] that particular aspect. Dahil kahapon hindi siya talaga that responsive. But today, he’s very responsive.

“Siguro plus the fact na nagdatingan din nga ang mga kapatid ko. Siguro probably na-excite siya, could be, could be.”

Yung excitement ba can affect the rise and fall ng hemoglobin count, platelets, heart beat at blood pressure?

“Naniniwala ako it affects, e. Kapag siguro nadidinig niya yung boses ng mga mahal niya sa buhay or yung mga messages na binibigay ng mga tao, somehow siguro I think nakakaapekto yun sa kanya. And I think yung pagdarasal na nga, I think talagang pinakaimportante.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ZSA ZSA IS HOLDING UP FINE. Napunta rin ang usapan nina Eric at Ricky tungkol kay Zsa Zsa Padilla na may pagka-emosyonal nga ngayon at hindi nakikitang humaharap sa media. Kumusta ba si Zsa Zsa?

“She’s holding up, she’s holding up fine.”

Palagi bang naka-holding hands si Zsa Zsa kay Dolphy?

“Yes. Ang maganda kay Zsa Zsa hindi siya nawawala. She’s always been there for him. Hindi siya bumibitaw. Kaya gusto ko nga ring magpasalamat kay Zsa Zsa dahil nga hanggang ngayon nandidiyan pa rin siya.

"Hindi siya umaalis. Sa lahat ng ups and downs, sa lahat ng mga pinagdadaanan ng daddy ko, siya ang una kasi parati e, siya yung nandudoon kasi parati. Siya yung parating kasama ng daddy ko, so siya yung nakaka-experience ng lahat ng pinagdadaanan ng daddy ko.”

ERIC’S MOM. Lumabas din ang statement ng mommy ni Eric na si Alice Smith o mas kilala bilang dating aktres na si Pamela Ponti, na nagpapasalamat sa mga sumusuporta at nagdarasal para kay Dolphy. Nagpasalamat din ito kay Zsa Zsa.

Noon bang maganda pa ang kundisyon ni Mang Dolphy, nagkaroon ba ng chance ang mommy at daddy niya na mag-usap?

“Most of the time na nagpupunta ang daddy ko sa Amerika, dumadaan iyan, binibisita niya lahat ng pamilya niya, and Zsa Zsa will be there.

"So, kumbaga nagkaroon ng maraming chance na magkausap ang mommy ko at saka daddy ko. At saka parati kaming nag-uusap, let’s say kunwari nagkita kami ng daddy ko, tatawagan ko sila— yung sister ko at saka mommy ko. ‘Mommy, gusto mong kausapin si daddy?’ Ayun, nagkakausap sila.

“So, may regular communication talaga. And maski yung mga time na nagpupunta sa Amerika kamukha noong nag-tour kami para sa libro niya. Tapos yung time na pinalabas yung Nobody, Nobody But Juan sa Amerika, nagkaroon din sila ng chance na magkita doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, yun nga yung isa sa early signs na may sakit yung daddy ko ng COPD e. When we were doing the tour, there was one particular incident na kinailangang dalhin sa ospital ang daddy ko kasi nahihirapan nga siyang huminga at saka parang nagkasakit siya.

"At nung nangyari yun, dahil wala namang lisensiya ang mga tao doon, ang nanay ko ang may lisensiya. Ang nanay ko ang nag-drive at nagdala sa ospital sa daddy ko.”

NATIONAL ARTIST ISSUE. Mainit na isyung pinag-uusapan din ang paglakas ng panawagan na gawaran na ng National Artist award si Dolphy ngayong buhay pa raw ito. Ano ang reaksyon ng pamilya nila rito? tanong pa ni Ricky Lo kay Eric.

“Nagpapasalamat naman ako doon sa lahat ng mga tao. Kasi maski yung mga bumibisita rito, lahat sila meron silang binibigay na sinasabi nila sa amin na they’re petitioning for my dad... para bigyan siya ng National Artist award.

“Like I said, I’ve been answering this, sabi ko, you know what, this is the least of our concerns at the moment. Kasi ngayon ang pinakagusto namin ay gumaling ang daddy ko. Pero siyempre hindi natin maiaalis yung tungkol sa usapin na ito no?

“Ang sa amin lang, natutuwa kami kasi hindi naman ang pamilya namin ang nagla-lobby para rito sa award na ito. Kumbaga yung lahat ng mga taong nagmamahal sa kanya, lahat ng mga taong humahanga sa kanya at naniniwala sa kanyang kontribusyon sa pelikulang Pilipino, sila yung mismong talagang lumalaban at naglalaban para sa daddy ko.”

EXPRESSING GRATITUDE. Sa huli hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Eric lahat ng mga taong nagpapakita ng concern para sa kanyang ama pati na rin sa media na patuloy na nagco-cover at nagbabalita tungkol sa kundisyon ni Mang Dolphy.

“Unang-una sa lahat yung nagka-camping dito simula noong Tuesday pa [June 19]. I see familiar faces and we’ve been seeing them. I see them early morning hanggang gabi, nandidito sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maraming salamat. Dahil alam ko maski na gusto n’yo talagang makakuha ng mga bagong balita, but the mere fact na nandidiyan kayo naniniwala ako na pinapahalagahan n’yo ang kalagayan ng daddy ko at nagpapasalamat ako doon.

“Sa lahat ng mga bumibisita, sa lahat ng mga kaibigan, sa lahat ng mga pamilya, sa lahat ng mga kasama sa industriya, maraming-maraming salamat sa inyo.

“Sa lahat ng mga doktor, mga nurses, alam mo ito yung mga… of course, hindi lumalabas yung mga pangalan ng ating mga doktor dahil gusto rin natin silang bigyan ng privacy. Pero itong mga tao na ito, sila yung nandidiyan na talagang nagtutulungan, talagang ginagawa nila lahat para mapahaba yung buhay ng daddy ko. Talagang para makasama pa namin siya.

“At siyempre sa lahat ng mga tao na nagdarasal, nagmamahal at rumerespeto sa daddy ko, maraming salamat inyong lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN