Isabel Oli already missing her dad: “Buti na lang din na may work. At least mada-divert din yung atensyon ko.”

Isabel Oli talks about her last moments with father: "Tinawagan ko yung sisters ko sa abroad at saka sa Cebu. Ni-loudspeaker ko, sinasabi ko talaga lahat, as in sinabi ko lahat, habang nakikita namin yung heart rate niya, wala na, pababa nang pababa.”


Matapos ang halos isang taong pakikipaglaban sa kanyang karamdaman, pumanaw noong Miyerkules, June 20, ang ama ng Kapuso actress na si Isabel Oli.

Ang 73-anyos na si Jorge Tan So ay sumakabilang-buhay sanhi ng cerebral degeneration, isang hindi pangkaraniwang sakit sa utak. Pitong buwan din itong comatose bago tuluyang nalagutan ng hininga.

“Sobrang rare [nung sakit niya], alam mo, hindi mo alam kung ano yung next.

"E, wala ngang cure yun. Sinabihan na rin kami ng doctors na kung anong… kung maging okay naman parang for a short time lang.

"Kasi trinay na nila lahat. Tapos trinay man nila, ganun lang talaga,” sabi ni Isabel sa interview sa kanya ng Startalk TX na napanood kahapon, June 23.

LAST MOMENTS. Nasa taping noong Miyerkules si Isabel nang pauwiin siya ng kanyang ina, na nagbabantay sa may sakit niyang ama sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

Pag-alala nga ni Isabel sa huling sandali ng kanyang ama, “Kasi nandun ako sa tabi niya habang nire-revive siya, nasa tabi ako.

"Tinawagan ko yung sisters ko sa abroad at saka sa Cebu. Ni-loudspeaker ko, sinasabi ko talaga lahat, as in sinabi ko lahat, habang nakikita namin yung heart rate niya, wala na, pababa nang pababa.”

Magkahalong emosyon daw ang nararamdaman ni Isabel ngayong wala na ang ama.

“Parang bitter in the sense na wala na siya. Pero sweet kasi I know na nasa heaven siya.”

WILL MISS DADDY. Malapit sa kanyang ama ang aktres. Ito ang kasa-kasama ni Isabel sa mga taping mula nang magsimula siya sa showbiz hanggang sa dapuan na ng sakit ang ama. Ito nga raw ang isa sa mami-miss niya sa mga ginagawa ng daddy niya.

“Ang mami-miss ko sa kanya siguro yung pag sinasamahan niya ako sa taping. Kasi hindi lang yun sasama tapos uuwi. Sasama talaga siya tapos hanggang the next day na rin. Silang dalawa ng mommy ko ganun yung ginagawa nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Madalas din daw siyang bigyan ng advice ng ama.

“Lagi naman niyang sinasabi na parang sige yun nga yung hard work of today daw yun din ang parang magiging comfort din sa kinabukasan mo. Ayun work hard, tapos magtipid.”

Ang labi ng tatay ni Isabel ay sumailalim sa cremation noong Huwebes, June 21. May huling bilin pa raw ang ama.

“Ang gusto niya after i-cremate, sa dagat daw [isaboy ang kanyang abo].”

Samantala, ngayong Linggo nga ay inaasahan na ang pagbabalik-trabaho ni Isabel para rin daw makabawas sa lungkot na nararamdaman niya.

Sabi nga ni Isabel, “Buti na lang din na may work. At least mada-divert din yung atensyon ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN