Zoren Legaspi reveals the art of flirting: "May flirting na harmful, e. May flirting naman na harmless.”

Zoren Legaspi and partner Carmina Villarroel have not tied the knot formally but among showbiz couples, their “marriage” seems to be working out very well. Zoren shares his secret for a long and happy relationship: “Sa relasyon kasi kapag wala kang control, at kung hindi ka marunong mag-focus, mare-retract ka, e. Mawawala ka do’n sa giya mo, e.”


Sa kalagitnaan ng pag-ere ng Paparazzi Showbiz Exposed noong Sabado, June 23, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makakuwentuhan si Zoren Legaspi sa kanyang dressing room.

Naganap ang kuwentuhan sa isang gap bago ang last segment ng "Bulong Ng Palad" na treatment sa birthday celebration ni Ruffa Gutierrez.

Sina Zoren at Ruffa, na dating nagkaroon ng relasyon during their younger days at nagkasama bilang hosts ng Paparazzi, ay madalas pa ring naitutukso sa isa’t isa.

Hindi ba nagseseslos ang partner ni Zoren na si Carmina Villarroel?

“Hindi. Kahit kailan, hindi,” nakangiting sagot ni Zoren.

“Kasi alam naman nating lahat, alam din namin ni Ruffa kung ano ang boundaries namin sa isa’t isa.

“So… kaya walang puwedeng mag-react. Kasi wala namang dapat na ika-react o ipagselos.”


IDEAL HUSBAND. Marami ang bilib sa magandang takbo ng pagsasama nina Zoren at Carmina, at napatunayan naman ng aktor na he can be a good family man.

May mga nagsasabi na kung nagkatuluyan sina Zoren at Ruffa, baka naging successful din ang kanilang estado.

Ano ang reaksiyon dito ni Zoren?

“A… hindi ko masabi. Malay mo, iwan niya ako!” sabay tawa ng aktor.

“Siya naman pala ang mang-iiwan.

“Pero mahirap sagutin yung mga ganyang bagay.”

Ano nga ba ang sikreto ng masaya at matatag na relasyon nila ni Carmina?

“Siguro yung pagiging ano namin… alam namin kung paano magbigay ng space sa isa’t isa. Hindi kami yung nagging na partner.

“Basta merong space. Marunong kaming magbigay ng sariling space namin sa isa’t isa.

“Na hindi namin hinihingi iyon, parang natural lang sa amin.”


SECRET OF A STRONG RELATIONSHIP. More than 12 years na rin ang itinatagal ng pagsasama nina Zoren at Carmina.

Sa showbiz, hindi lahat ng couple ay nagtatagal. Marami ang nauuwi lang sa paghihiwalay ang relasyon.

Sabi ni Zoren, “Mahirap talagang panatilihing magtatagal ang isang relationship kung sa mahirap, mahirap talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil nandiyan yung… maraming tukso. Maraming ibang mga opportunities. Maraming bagay na nandiyan nakaharap sa ‘yo.

"Nasa decision-making mo at willpower mo kung paano ka iiwas.

“Sa relasyon kasi, kapag wala kang control, at kung hindi ka marunong mag-focus, mare-retract ka, e. Mawawala ka do’n sa giya mo, e.

“Lalo kapag nasa showbiz nga. Unang-una, kunyari sa taping na lang, umuwi ka ng umaga na. E, kung may partner kang magaling mambuwisit, e, puyat ka… mag-uumpisa na kayo ng away. Yung mga gano’n ba?

“Kasi kami, alam namin na kapag pagod, pagod. Huwag mo nang istorbohin.

“Kapag hindi ka na kinakausap, huwag ka nang papansin na, ‘Bakit hindi mo ako kinakausap?’”


THE ART OF FLIRTING. For sure, nakakaranas pa rin si Zoren ng mga sitwasyong may mga babaeng nagpi-flirt o nagpapakita ng motibo sa kanya.

“Oo naman. Malakas ang pakiramdam ko sa mga ganyan, e,” sabi niya.

Paano niya hina-handle ang gano’ng sitwasyon?

“Okey naman kung flirt. Puwede naman akong mag-flirt back—na harmless na flirting.

“Kasi may flirting na harmful, e. May flirting naman na harmless.”

Paano ba ‘yong flirting na harmless?

“Kapag kasi ginanyan mo…” sabay hipo niya sa hita namin, “harmful ‘yan! Ha-ha-ha!

“Pero yung mga, ‘Uy, ’nood tayo ng sine, sunduin kita bukas…’ yung gano’n?

“’Tapos no’n, wala na, na parang kuwentong barbero lang ang dating. ’

“O kaya yung, ‘Ang sexy mo ngayon, date tayo mamaya, ha?’

"And then, ’tapos no’n, wala na. Hanggang gano’n lang—parang biro.

“Pero kapag may mga touching na, ay, harmful na ‘yan! Ibang flirting na ‘yan.”


SHOWBIZ KIDS. Ang kambal na anak nina Zoren at Carmina na sina Cassy at Mavy ay mga product endorsers na at hindi magtatagal, tuluyan na ring papasukin ang pag-aartista.

Pagkumpirma ng aktor, “A… it’s a matter of time siguro. Pero nararamdaman ko nga na mag-aartista din sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang one hundred percent ako diyan yung babae [Cassy]. Yung lalake [Mavy], mag-aartista rin. Pero yung babae ang mas talaga.”

Ano ang nakikita niyang talents ng mga bata?

“Yung babae ko, may pagka-Angel Locsin ‘yon, e. At parang may pagka-action star ‘yon, e.

“’Yong lalake naman… pretty boy ‘yon.

“They just turned 11 pa lang. Ilang years na lang, may manliligaw na at may magpapaligaw!” tawa ni Zoren.


Madalas ay busy sila ni Carmina sa kani-kanilang trabaho. Wala ba sila talagang planong magdagdag pa ng anak?

“Ay, baka wala na!” sabay tawa na naman ni Zoren.

“E, ang mahal ng gas, ang mahal ng bilihin.

THE WEDDING. Wala pang pormal na kasalan sina Zoren at Carmina, hindi ba nila pinaplano ito?

“Sasagutin ko ‘yan next year," biro niya.

May plano na ba sila next year?

“Hindi. Wala naman.”

Kailangan pa ba ang kasal gayong matatag at maganda naman ang pagsasama nila ni Carmina?

“Kailangan. For formality siya, e. Ayon!”

COMPETING SHOWS. Maganda ang feedback kay Carmina sa paghu-host nito ng showbiz-oriented show ng ABS-CBN na Showbiz Insider.

Kamakailan, balitang nag-blowout si Carmina sa staff ng show bilang thanksgiving na rin dahil sa magandang rating nito.

“Oo. Nangutang nga siya [Carmina] sa akin para mag-blowout, e!” biro ni Zoren, na host ng showbiz talk show ng TV5.

“Okey naman nga. Iba yung approach nila. Balanced naman yung show nila.

"Minsan, humihingi sa akin ng advice ‘yon, e."

Kumpara kay Carmina, parang mas maraming alam na showbiz intriga at mga balita si Zoren. Bakit nga ba?

“Hindi ko alam, e. Basta bigla na lang may tumatawag sa akin para magkuwento ng kung anu-anong balita.

“Ang dami ko ngang alam na mga isyu.

"Minsan hindi ko na sinasabi yung iba kasi masyadong delicate na, e. Nakakaawa na yung tatamaan, kumbaga.

“Si Carmina, kaya nasisita niya ako minsan at pinagsasabihan, kabado lang siya sa akin. Baka raw may magalit sa akin kasi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman kasi, careful din naman ako.

"Pero kapag totoo, wala kang karapatang magalit sa akin. Dahil totoo nga yung sinasabi ko, e.

“Kahit ako, hindi ako magagalit basta totoo yung isyu na ibabalita about me.

“‘Yon naman ang rule sa showbiz, e. Basta totoo, anong karapatan mong magalit, e, totoo?

“Kapag hindi totoo, ‘yan, diyan ka makipagbakbakan.”


CO-STAR WITH BB GANDANGHARI. Kailan naman ulit siya sasabak sa acting?

“Itong July, do’n sa Enchanted Garden,” pagtukoy niya sa bagong fantasy series ng TV5.

“Isa akong warrior doon. Nakahubad nga ako doon, nabubuwisit nga ako, e!” sabay tawa niya.

So, nagpapaganda siya ng katawan ngayon?

“E, hindi ko alam kung mahahabol ko. Pero I’m trying na magpaganda ng katawan.

“Gusto ko kasing katawan, yung malaki. Ayoko ng slim.”

Kasama rin sa cast ng nasabing fantasy series si BB Gandanghari, ang dating aktor na si Rustom Padilla na naging asawa ni Carmina.

“Oo. Magkapatid ang role namin. Kambal kami, actually!" tawa na naman ni Zoren.

At least hindi magka-loveteam role nila, biro nami sa aktor.

“Oo. Hindi nga. Magkapatid kami na… kambal pa,” nangingiting sabi ni Zoren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN