Manila Vice Mayor Isko Moreno accuses Mayor Alfredo Lim of making a threat; former President Joseph Estrada sides with Isko

Manila Vice Mayor Isko Moreno (left), along with 28 councilors, filed a complaint against Mayor Alfredo Lim (right) for allegedly threatening them. However, Mayor Lim denied the accusation.


Nahaluan ng pulitika at kontrobersiya ang talumpati ni Manila Mayor Alfredo Lim sa pagdiriwang ng ika-441 anibersaryo ng Maynila kahapon, June 24.

Sa ulat ng 24 Oras Weekend kagabi, hindi kasi napigil ni Mayor Lim na magpasaring sa mga kalaban sa pulitika sa kanyang talumpati.

Ayon sa alkalde, “Sana po sa panahong ito, tayo naman magkaisa. Pakiusap lang po namin sa lahat, kahit ano ang mga paniwala ninyo, kami po ay gumagalang diyan. Pero sana huwag na tayong nagkakalat ng mga kasinungalingan.”

Ang pinapatamaan ni Mayor Lim ay si Manila Vice Mayor Isko Moreno.

Ipina-blotter kasi ng dating aktor ang alkalde noong Sabado, June 23, dahil umano sa pagbabanta nito sa isang pulong ng barangay officials noong Biyernes, June 22.

Kasama ni Vice Mayor Moreno na naghain ng reklamo sa General Assignments Section ng Manila Police District (MPD) noong Sabado, June 23, ang 28 konsehal ng Maynila.

Giit ni Lim, pinupulitika lang siya.

“Hindi ba ‘pag may nagyayabang na tao, sasabihin natin, ‘Uy, tumigil ka na nga. Para kang walang kamatayan, e.’

“Kuwan lang yun, e, figure of speech. Ang pananakot, sasabihin ko sa iyo, ‘O, ikaw papatayin kita!’ O, ‘yan ang pananakot.

“Sira ba ang ulo ko na ako mananakot sa harap nitong mga taong ito? E, di pinaaresto ako ni General Gutierrez,” sabi ni Lim.

ISKO REACTS. Pero naninindigan si Isko sa kanyang akusasyon.

Sa ngayon, pinag-iisipan na ng bise-alkalde ang pagsasampa ng kaso laban kay Lim.

Pahayag ni Isko, “It is his words against my word, ‘no.

"May witness kami. Sinabi daw niya yung wala ba kaming kamatayan. Hindi raw pananakot yun.

“Ang tanong ko sa inyo ngayon, knowing Lim, kayo na ang humusga.”

ERAP ON MORENO’S SIDE. Kung si Lim ay nag-alay ng mga bulaklak para sa Manila Day kahapon, ang posible niyang makatapat sa eleksyon na si dating Pangulong Joseph Estrada naman ay nakikain kasama ang mga taga-Manuguit, Tondo, kung saan siya ipinanganak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rito ni Estrada si Isko, na posibleng maging ka-tandem niya sa susunod na eleksyon.

May mensahe rin si Estrada para kay Lim:

“Nalulungkot nga ako kung ba’t nagkakaganun. Sapagkat tinatakot daw sila [Isko].

“He’s [Lim] old enough to know. He’s old enough, more than old enough to know what is right and what is wrong,” saad ni Estrada.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN