Cristine Reyes apologizes to sister Ara Mina; Ara says Cristine’s "stiff apology" is an "insult"

Cristine Reyes (left) has publicly apologized to sister Ara Mina (right) yesterday, June 24, on The Buzz. Cristine said, “I tried my best na pumunta sa ‘yo, alam mo ‘yan, Ate. Sinabi ko pa sa ‘yo, kung gusto mo, luluhod ako sa harapan mo. Sana lumambot na ang puso mo sa akin para maayos na itong gulo. Para tahimik na."


Humingi na ng paumanhin si Cristine Reyes sa kanyang nakatatandang kapatid na si Ara Mina.

Ginawa ni Cristine ang paghingi ng paumanhin kay Ara sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon, June 24.

Matatandaang sinampahan ni Ara ng libel at grave coercion si Cristine noong Abril dahil diumano sa paninira ng nakababatang kapatid sa kanya.

(CLICK HERE to read related story.)

Saad ni Cristine, “I’m sorry and I would like to apologize if ever I offended you, sumama ang loob mo sa akin.

“I tried my best na pumunta sa ‘yo, alam mo ‘yan, Ate.

“Sinabi ko pa sa ‘yo, kung gusto mo, luluhod ako sa harapan mo.

“Sana lumambot na ang puso mo sa akin para maayos na itong gulo. Para tahimik na.

“Para sa pamilya natin, sa ikatatahamik ng pamilya natin.

“Parang ang hirap sabihin kasi naghu-hold ako. Ayokong ilabas ang emosyon ko dito.”

Bakit ayaw niyang ilabas ang kanyang emosyon? tanong ni Boy.

“Kasi, gusto kong maging positive sa life,” sagot ni Cristine.

Bago magsimula ang interview ay kinumusta raw ni Boy kay Cristine ang kanilang ina nila ni Ara na si Frances Klenk, na naiipit ngayon sa kanilang magkapatid.

Ayon kay Cristine, “Sa mommy ko, mommy, ‘eto na. Sana maayos na.

“Nagkausap kaming lahat, noong Sunday, Father’s day.

“I hope maging okay na after this. I hope, matahimik na. Yun po… sana.”

Sa isang punto ng panayam ay sinabi ni Cristine kung ano ang kaya niyang gawin para sa kanyang pamilya.

Aniya, “Siyempre po, para sa family ko, lahat talaga.

“Actually, kaya ako nandito para mabigyan sila ng mabuting buhay.

“Lalung-lalo na sa mommy ko na siya talaga ang purpose ko kung bakit ako nandito.”

Ano naman ang gustong sabihin si Cristine sa sarili?

“Sa lahat ng experiences, sa lahat ng troubles, problem sa buhay, na-realize ko na huwag tayong susuko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At bawat problema, may natutunan ako. Doon ako tumitibay and kasama siya sa buhay talaga.

“Boring ang buhay kapag walang problema.

“Lahat tayo may problema. Lahat tayo dumadaan diyan.

“So, yun… mas lalo akong tumibay. Mas lalo kong nakita ang mga taong nandiyan sa tabi ko.

“And siyempre, sa totoo po, mas lalo akong napalapit kay God, yes, super po.”

ARA MINA REACTS. Bagamat humingi na ng public apology si Cristine, tila hindi pa rin kuntento rito si Cristine.

Ilang sandali pagkatapos ng interview ni Cristine sa The Buzz kahapon ay nag-post ng mensahe si Ara sa kanyang Twitter account.

Ni-repost ni Ara ang isang quote mula sa English writer na si G.K. Chesterton:

“A stiff apology is a second insult… The injured party does not want to be compensated bec he has been wronged; he wants to be healed bec he has been hurt.”

Bukod dito ay ni-retweet din ni Ara ang ilang mensahe mula sa kanyang followers na nag-react sa paghingi ng paumanhin ni Cristine:

“I can’t feel, sense & see the sincerity of Cristine Reyes while apologizing in #TheBuzz ? However, hope it’ll heal your wounds @realAraMina

“ano naman klaseng pag apologize un meron pang f ever....sincere ba un”

“nagsorry c… but ndi sya sincere parang nagtataray p nga sya eh”

Pero sa pinakahuling post ni Ara ngayong araw, June 25, ay sinagot niya ang mensaheng ito ng isang follower niya: "hi ara hope ur sister cristine is sincere...:ope everything will be alright"

Sagot ni Ara dito, "I HOPE ALSO..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN